Ully's POV(Chicser)
Nandito na ako sa meeting place namin ng Chicser.
Tinext ko silang lahat kung nasaan na sila. 8am kasi aalis na.
5:30am nandito na ako sa Jollibee.
Ito mga reply nila..
'OTW na kami ni kuya.' -Owy
'kakaalis ko lang. 10 mins lang naman yung byahe. Wait lang' -Ranz
'Malapit na pare.' -Biboy
'Pare, di ako pinayagan ni Daddy' -Cav
PAANO NA TO? Wala si Cav! Hindi pwedeeeeee.
Nireplayan ko siya.. 'May isang oras ka pa... Kulang chicser kung wala ka. Once in a lifetime lang to pare.'
'Gusto ko na ngang lumuhod kay daddy ee. Ayaw talaga akong payagan. Next time na lang.'
Dumating na si Owy at Oliver.
Owy: anyare sa mukha mo pare?
Ully: Hindi daw makakasama si Cav.
Oliver: Ano?! Hindi pwede yan.
Biboy: anong hindi pwede?
Dumating na rin pala si Biboy.
Owy: Hindi daw makakasama si Cav.
Ranz: Wag na lang kaya tayong tumuloy?
Biboy: Hindi pwede. May pinirmahan na ako dun.
Oliver: May isang oras pa si Cav. Kain na muna tayo.
Kumain kami ng breakfast namin. Patuloy pa rin naming kinocontact si Cav.
Ully: Sayang kung di makakapunta si Cav.
Ranz: nakakalungkot naman ito. Excited pa naman ako.
Tumatawag si Cav. Sinagot ko iyon at niloud speaker.
Ully: ano na?
Cav: tatakas na lang siguro ako.
Oliver: hindi pwede baka mas lalong di ka payagan niyan. Kakausapin namin si tito. Pwede?
Cav: teka lang. Good luck sa inyo.
Ranz: good morning tito.
Owy: Sana po payagan niyo na si Cav kasi po nakapag sabi na kami dun sa mga big boss.m
Ully: isang linggo lang rin naman po.
Biboy: Sayang din po yung kikitain kung di kami makakasama. One for all, all for one po kami.
Oliver: Wala naman pong mangyayari na masama.
Cav: Dad gusto ko rin makapunta sa ibat ibang lugar na pupuntahan namin.
Dad ni Cav: hay chicser boys. Sge na nga. Alis ka na Cav, baka malate ka pa.
Cav: THANK YOU DAD!!
Us: THANKS TITO.
Cav: Sge pare, ibaba ko na. Mag aayos pa ako. Dun na lang tayo magkita sa yacht. Okay ba yun?
Oliver: Sge.. bilisan mo ha, bawal late!
*endcall*
Ranz: Alis na tayo? Tapos na naman tayong kumain.
Biboy: Tara na, 1 hour pa yung byahe.
umalis na kaagad kami.
Jasmine's POV
Maaga akong nagising para ayusin at icheck yung mga gamit ko.
Kumain na rin ako ng breakfast at ready to go na ako.
Yung driver na lang yung hinihintay ko.
Nagpost na lang ako nung pic ko sa mini/instant pictorial namin ni bes.
maya maya dumating na yung driver.
"Sorry ma'am kung nalate ako. Dinaanan ko pa po yung agency ko."
"Lagay mo na lang po yung gamit ko tas alis na tayo."
inayos niya yung gamit sa likod ng sasakyan tapos ako pumasok na sa car.
"Gisingin niyo na lang po ako kapag malapit na tayo" pinikit ko na yung mata ko.
Nagising ako kasi huminto yung sasakyan.
"What happened?" Tanong ko.
"Ma'am nasiraan po tayo."
"What?! Omg. malelate na ako. Paano na to?"
"Mukhang matatagalan pa po ito. Baka di na kayo makaabot." Pagpapaliwanag niya.
"Bat ngayon pa nangyari to? Urgh"
"Maayos naman po yung pagcheck ko nito kahapon."
"ilabas mo na lang yung gamit ko, magtataxi na lang ako."
After 10 minutes, wala pa rin akong mahanap na taxi.
Baka iwan na ako ng yacht. Malalagot talaga ako kapag di ako nakasama. Hindi pwede ito.
Nakakainis naman. Sayang yung opportunity ko tas maiiwan lang ako. Urghhhhhhhhhhh.
Yung photoshoot, yung vacation, yung friends na makikilala ko at iba pa. Waaaaaah sayang lahat.
Nakakalungkot naman neto. Lord, help me.
Umupo ako sa may road ng may huminto na sasakyan.
"Miss, you want help?" Thank You Lord.
"I'm late na ee. Pwede ba kong sumabay?"
"San po ba kayo?"
"Sa port."
"Dun rin po ako, sumabay na po kayo."
"Thank you so much."
Sumakay na ako sa sasakyan niya.
"Thank you so much. " Sabi ko.
"Kumakaway yung driver mo kaya napahinto ako. Timing, same pa tayo ng pupuntahan."
"Hulog ka ng langit. Anghel ka ba?" Tanong ko.
"Hahaha. hindi."
"Im still worried. Baka di tayo umabot."
"Keep the faith. Aabot yan."
After 20 minutes, dumating na kami.
"Wala naaaa. Ayun na yung yacht na sasakyan ko." Sabi nung tumulong sakin.
"Same ata tayo ng sasakyan. Sa yacht?"
"Oo dun nga. Isa ka sa model?"
"Ahh opo. Pano na to?" Nakikita kong papalayo ng ang barko.
"Siguro hindi talaga para saatin yung trip."
"Nakakalungkot naman. Excited pa naman ako."
"Tara kain na lang tayo? If you dont mind." Di ko siya sinagot. Tumulo yung luha ko.
"Bat ka umiiyak? Ang ganda mo pa naman."
"Haaaay. nakaka ano lang kasi talaga. Sayang." Umiiyak na ako.
"Okay lang yan..." Hinawakan niya yung likod ko.
"Pare." Sabay kaming humarap dun sa tumawag.
"Naiwan din kayo?" Tanong nung kasama ko.
"Hindi. Next yacht pa yung saatin. Sino yang kasama mo?" Tanong nung pinakamaliit sa kanila.
"Miss Jasmine!" May tumawag sakin, yung guide ata namin to.
"Ahhh hello po. Sorry kung nalate ako sa calltime."
"Okay lang, halika na."
"Teka po."
"Thank you ulit." Sabi ko dun sa lalaking tumulong sakin.
nagnod lang naman siya tapos umalis na ako.
----
VOTE AND COMMENT, ANY SUGGESTIONS? Hihi
