Cav's POV (Chicser)
Nagsswimming kami ng biglang nagpaalam si Jassy na aahon na siya.
"Una lang ako sa inyo ah. Medyo masakit kasi ulo ko." Sabi niya.
"Samahan na kita." Sabi ni Oliver.
"Wag na. Enjoy na kayo." Tinignan niya ako at pumunta na siya sa tinutulugan namin.
Kailangan ko ng sabihin to.
"Bros may sasabihin ako." Bungad ko.
"Ano yun?" Sabi nilang lahat.
"Kagabi ko pa dapat sasabihin to kaso umalis kayo kaagad dahil sa mga nalaman niyo."
"Bilis na pare." Sabi ni Owy.
"Umamin ako kay Jassy nung kami lang." Oo nung sumama sakin si Jasmine.
"What the!" Napasigaw si Ranz.
"Ano sinabi mo?!" Tanong ni Oliver. Oh no.
Kagabi ko pa iniisip kung itutuloy ko pero its bugging me kaya sinabi ko na talaga.
Flashback*
Habang naglalakad kami naisip ko na sabihin na yung nararamdaman ko.
"Queen goddess may sasabihin ako." Napaharap siya sakin.
"Hahaha wag na queen goddess to naman haha." Awww napagaan yung loob ko.
"Alam ko sobrang dali lang pero gusto na kita." Nagulat siya sa sinabi ko.
"Uhm.." Wala siyang masabi.
"Hindi ko naman pinipilit na magustuhan mo rin ako." Pagkaklaro ko.
"May chance ba?" Tanong ko.
"To be honest wala. You know why? Im stuck sa ex ko." Sinong ex. Anong stuck ang ibig niyang sabihin?
"Ha? Ex? Anong stuck yan?" Litong lito ako
"Im stuck in this stupid island with my ex and I still love him."
"Sino?" Tanong ko
"Basta. Malalaman mo soon. Sana maintindihan mo."
"Wag mo sana akong pigilan ipakita sayo yung pagmamahal ko." Dagdag ko.
"Ayoko mainlove sayo dahil lang si tinulungan mo ko dati." Ouch. Hindi na ba pwede na ano.
"Pero handa ako magbigay ng oras para mas makilala ka." Magiging masaya na ba ako sa sinabi niya? Omg.
Hindi ko alam pero niyakao ko siya. Hindi naman siya kumalas. Ang saya ko lang talaga kasi may chanceee.
"Kaso its not the right timing ee." Inalis niya na yung pagkakayakap ko sa kanya.
Nagtaka ako sa sinabi ni Jassy.
"Hindi tama na ex ko yung kaibigan mo tapos magiging tayo." Awwwww.
"Hindi naman bawal yun." Pageexplain ko.
"Lets just say na hindi pa akong handa magmahal ulit." Masakit.. Parang may tumusok sa puso ko.
"Sana walang makakarating sa kanila. Ako na magsasabi." Sabi ko.
"Sana maging magkaibigan na lang tayo." Friendzoned!!! Huhuhuhu
End of flashback*
"Pero hindi ibig sabihin non di na ako titigil sa pagpapakita ng pagmamahal ko sa kanya." Sabi ko.
"Kala ko si Andrea at Alex yung gusto mo?" Tanong ni Owy.
"Kala ko trip trip lang natin yun pagpili." Sagot ko.
"Damn it!" Badtrip na si Oliver.
"Tinry ko rin naman siyang kalimutan nung nalaman kong gusto niyong dalawa pero di ko nagawa.." Napayuko ako.
"The best ka talaga bro! Pasimple ee." Sabi ni Ranz at nag walk out.
Hinampas ni Oliver yung tubig at sumunod naman kaagad kay Ranz.
"Pare bat di ka nagsabi ng totoo." Sabi ni Biboy.
"Tinry ko naman talaga pare pero di ko nagawa at nasabi ko na kay Jassy."
"Dahil sa babaeng yan nagkakaganito tayong chicser. Tss." Sabi ni Ully.
"Bakit kasi naging ex mo pa yun?!" Asar talaga. Kung hindi niya naman ex di naman magkakaganito.
"Kasalanan ko pa? Ex nga diba, past. Malay ko bang di siya nakamove on."
"Gago ka kasi!" Sabi ko sabay ahon sa tubig.
"Inaamin ko naman na gago ako pero wala na ako magagawa. Nangyari na." Sigaw ni Owy.
"Bahala na kayo sa buhay niyo!" Sabi ko at oumunta sa may forest.
Owy's POV (Chicser)
"Ano pa sasabihin niyong dalawa?" Tanong ko kay Ully at Biboy.
Tahimik lang silang dalawa.
"Galit na silang tatlo sakin. Baka kayo rin." Malungkot kong sabi.
"Iwan niyo na lang nga ako." Sabi ko at umalis na rin sila.
Lord, sana maayos na namin lahat to.
Nung gabi, wala talagang pansinan. Sobrang tahimik at may sarisariling ginagawa.
Nagtataka si Jassy pero di naman siya sinasagot.
Siya lang kinakausap namin.
Si Ully at Biboy lang yung naguusap.
Tumingin ako sa stars.. Sana.. Ibigay mo yung tama para kay Jasmine.