Oliver's POV (Chicser)
Umaga na ngayon.
Kagabi ko pa iniisip kung itutuloy ko yung pa-gamin ko ngayon.
Tulog pa silang lahat at maaga ako nagising. Kumuha ako ng bunga ng prutas para paggising ni Jasmine may kakainin na siya.
Kumuha na rin ako para sa iba, syempre.
Di ko alam anong mararamdaman ko sa sinabi ni Owy kagabi.
Ang daya.
Bakit ang complicated?!
Matagal akong nakabalik kasi masakit pa rin yung sugat ko.
Nung dumating ako, naliligo si Cav, Ully at Biboy sa dagat.
Si Ranz at Jasmine ay naguusap sa loob at dahil dun,kumulo na naman yung mga dugo ko.
Nakita ko si Owy na mukhang kawawa sa sahig sa labas at sinisikatan na ng araw.
"Bro, gising na." Ginising ko siya. Kapatid ko pa rin naman siya at ayaw kong nakikita siyang mukhang kawawa.
"Sorry talaga kuya ah." Nagising na siya at lumapit na ako kay Jasmine at binigay yung prutas.
"Boys punta kayong lahat dito!!" sigaw ko.
Lumapit sila sa ginawa naming matutulugan.
"napaisip ako kagabi na dapat gumawa na tayo ng paraan para makaalis dito." Sabi ko.
"Pano?" Tanong ni Cav.
"Baka may something sa bag ko na makaktulong." Sabi ni Jasmine.
"Kainin niyo muna to oh. Maaga akong pumitas para sa inyo." Binigyan ko sila ng tigdadalawa.
"Salamat Oliver." sabi nila.
"May salamin ako." Sabi ni Jamsine.
"Pwede yan, baka makagawa na tayo ng fire." Sabi ni Ranz.
"Oo. Itatapat lang sa araw." dagdag ni Ully.
"Ako na kukuha nung mga coconut para dun simulan yung sunog."Sabi ni Owy at kinuha na ito kaagad at nilagay sa gitna ng mga sand.
"Gumawa rin tayo ng malaking sign siguro "HELP" yung isulat natin sa sand." Suggest ni Biboy.
"Okay so yun yung gagawin natin today." sabi ni Cav.
Kahit naman may nalaman kami kagabi, di namin pinapahalata kasi nga nandyan pa rin naman si Jassy.
Jasmine's POV
Tinutulungan ko si Biboy at Oliver na gumawa ng malaking "help" na sign. Awkward kasi sobrang tahimik nila at tinitignan nila yung iba parati.
Si Ranz at Cav yung namahala dun sa fire.
Di ko nakita si Owy at Ully. Naghanap pa siguro ng pagkain.
Ang tahimik talaga grabe walang nagsasalita habang ginagawa namin yun.
"Guys may apoy na!!!" Sigaw nila Ranz at Cav kaya napalapit kami.
"Ihipan niyo para lumaki. Dagdagan pa ng mga kahoy." Dali dali kong sabi.
Kumuha naman kaagad si Ve rng mga kahoy sa gilid.
Maya maya dumating sila Owy with new kinds of food, konti lang talaga pero at least.
Nasiyahan kaming lahat at kumain kami habang nakaharap sa dagat.
"San niyo to nahanap?" Tanong ko.
"Si Ully nakakita niyan ee. Napagod kasi ako kaya pinauna ko siya." Pageexplain ni Owy.
"Sa may gilid ng mga coconut. Natabunan siya konti buti na lang nakita ko." Sabi ni Ully.
"Teka ano yun?" Tanong ni Biboy.
"Barko!!" Sigaw ni Owy.
"TULONG TULONG TULONG!!" Sigaw namin habang nagtatalon.
"Ang liit sure na malayo pero wag mawalan ng pag-asa paypayan niyo pa para lumaki yung usok." Sabi ni Oliver.
"Help!!!" sigaw namin.
"TULOOOOONG! AHHHHHHH" Sigaw pa namin.
Maya maya, nawala na lang yung barko..
Hindi talaga nila kami nakita.
Nakakalungkot.
umupo kaming lahat sa sand..
"Nakakalungkot. Wala na talagang pag-asa." Mangiyak ngiyak na sabi ni Cav.
"Haaay." Napasigh sila.
Natahimik kaming lahat habng tinitignan yung empty na dagat. Matagal tagal din kaming natahimik kaya nababaliw na yung utak ko sa mga possibilities.
"Walang mangyayari satin kung tatambay lang tayo dito." Sabi ni Oliver at tumaya na siya.
"Think positive, at least ngayon alam na natin na may dadaan pa." Sabi ko.
"Oo nga. Magbantay lang tayo lagi." Dagdag ni Ranz.
Sa totoo lang kung papapiliin ako kay Ranz at Oliver? Kay Cav na lang ako..
pero di pa kaya ng puso ko magmahal ulit kaya bahala na..
"Tara swimming tayo." Pag-aya ko. Pampalamig at pampakalimut na rin.
"G!" Nagtakbuhan kaming lahat sa dagat.
Hindi na namin pinakialaman kung mangingitim kami.
Nagsiyahan na lang kami at nagtawanan kahit sa likod ng mga tawang ito, may worries pa rin..