Chapter Ten

212 20 12
                                    

Jasmine's POV

Hindi ko namalayan na umaga na pala. Nagising ako sa pagsasalita nila.

"Dapat pala di na ako pumilit na sumama dito ee!!" Sigaw ni Cav.

"So kasalanan pa namin, ganon?" Kalmadong sagot ni Ranz.

"Suntukan na lang, gusto niyo?" Nakahanda na si Cav.

"Wag ganun, Cav. Malungkot ka lang." Sabi ni Biboy.

"Pano na tayo ngayon, kuya?" Tanong ni Owy.

"Think positive.. Uy Jasmine, gising ka na pala." Tumayo ako at lumapit sa kanila.

Nasa isang island pala kami at mukhang isolated yung lugar.

"Anong nangyayari?" Tanong ko

"Pano na yan kung di na tayo maka uwi ha?!" Dagdag ni Cav.

"Mahiya ka naman kay Jasmine.." Sabi ni Biboy.

"Nakakaasar kasi mamamatay tayo dito!!" Sagot ni Cav.

"Wala na tayong magagawa pare!" Sabi ni Owy at hinawakan yung shoulder ni Cav.

"Wag mo kong hawakan. Tss, bahala na nga kayo." Paalis na sana siya.

"Walang mangyayari kung magaaway kayo ngayon." Nagsalita na ako.

"Anong plano?" Tanong ni Ully.

"Edi maghanap ng pagkain." Sagot ni Owy.

"Magikot ikot tayo dito sa island." Sabi ni Oliver.

"Teka.. anong nangyari dyan?" Tinuro ko yung legs ni Oliver.

"Ah wala to."

"Hindi pwede yan. Teka, nandyan ba yung bag ko?"

"Ah nasa boat ata. Kukunin ko." Sagot ni Biboy.

Naalala ko na may panyo ako dun at makakatulong yun para di maubos yung dugo niya. May natusok ata sa legs niya nung sumabog yung yacht.

"Eto na." Inabot niya yung bag ko at hinanap ko yung panyo ko.

"Upo ka dyan, Oliver." Pinaupo siya sa may flat na malaking bato.

"Aray!" Tinali ko. Mahigpit yung sugat niya.

"Kami na lang siguro maghahanap ng makakainan natin." Sabi ni Ully.

"Hahanap ako sa kabilang side. Magkita na lang tayo dito." Sabi ni Cav.

"Sasama ako sainyo Ully." Tatayo na si Oliver.

"Wag na. Maiwan ka na lang dito, baka lumala pa yan." Sabi ni Owy.

"Sino sasama sa kanya?" Tanong ni Biboy.

"Ako na. Hindi rin para sakin yung maglakad ng maglakad." Pagvovolunteer ko.

"Babalik kami after one hour siguro. Bibilisan lang namin." Sabi ni Ully.

Umalis na sila at naiwan kami ni Oliver. Nauna na rin si Cav.

Ully's POV (Chicser)

Medyo maliit yung island pero may forest siya so pumasok kami dun para mahanap ng fruits or kung may animals man na pwedeng kainin.

"Naiisip ko pa lang na baka di na tayo makaalis dito, parang maiiyak na ako kahit lalake ako." Sabi ni Owy.

"Siguro naman hinahanap na tayo ng search team kung nalaman nilang lumubog yung yacht." Pageexplain ni Biboy

"Think positive at maghanap na lang tayo ng makakain natin para di tayo mamatay sa gutom." Sabi ko.

Nakakaasar kasi yung dapat na magandang bakasyon, nahantong pa sa ganito.

"Nakascore na si Oliver dun kay Jasmine ah. Pano ka na Ranz?" Tanong ko.

"Gagawa din ako paraan. Wag ka magalala pare." Determinadong sgaot ni Ranz.

"Wag na si Jasmine." Dagdag ni Owy.

"Type mo rin?" Nilapitan at hinarap ko si Owy.

"Hindi, tara maghanap na nga lang tayo." Ay secretive talaga si Owy. Nasanay na ko.

"Ranz vs Oliver pala hahaha." Nagawa pangtumawa ni Biboy.

"Tigil niyo na nga yan. Bilisan na natin. Nakakatakot din pala dito." Sabi ko.

Magtatanghali na ata nung nakabalik kami kela Jasmine.

"Wala kaming nahanap na makakain." Sabi ni Owy.

"Nako. Pano na yan? San na si Cav?" Tanong ni Jasmine.

"Ayun pala siya oh." Tinuro ni Biboy.

May dala dala si Cav.

"Ano yan pare?" Tanong ni Oliver.

"Mangga. Ito oh makakain."

"Hay salamat." Sabi ni Owy at kumuha.

"Share share na lang. Jassy oh." Binigay ni ranz yung nabalatan na mangga kay Jasmine.

"Ayieeee." Pangaasar ko.

Binaliwala nila at busy na sila kakakain.

Jasmine's POV

"San tayo matutulog nito?" Tanong ko.

"May nakita akong tatlong puno na magkakadikit kanina. Baka pwede natin gawan ng matutulugan pero 50/50 pa kasi di ako sure if safe dun." Sabi ni Owy.

"Magpahinga na muna tayo kasi mamaya magtatrabaho na tayo para sa tutulugan natin." Sabi ni Biboy.

"Naiinitan ka ba Jassy?" Tanong ni Oliver.

"Medyo pero okay lang.." Honest kong sagot.

"Gusto niyo bang matulog?" Tanong ni Ully.

"Makakabuti yun. Inaantok na rin ako." Sagot ni Cav.

Humiga sila sa sand at ako naman ay umupo lang sa may gilid..

Stuck Sayo - ChicserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon