"Maraming salamat sa inyo." Hinawakan ng mayor ng Tersia Village ang kamay ni Violet.
"Masaya po kaming nakatulong kami sa inyo," sagot ni Violet.
Masaya daw pero hindi naman halatang masaya siya dahil seryoso lang ang expression sa mukha niya.
"Sige na, bumalik na kayo sa academy para magamot na ang kasama niyo." Tumingin sa'kin ang mayor at ngumiti kaya nginitian ko rin siya pabalik.
"Wag po kayong mag-alala sa'kin. Kaya ko 'to."
"Weh?" Napasigaw ako sa sakit nang biglang pindutin ni Shawn ang sugat ko.
"Talaga bang gusto mong mamatay," gigil na banta ko sa kaniya.
Natawa ang mayor kaya nabalik sa kaniya ang tingin namin.
"Aalis na po kami bago pa mag-away ang dalawang kasama ko," ani ni Violet at tiningnan kami ni Shawn ng masama.
Nilabas na ni Violet ang portal pero bago pa ito bumukas ay may naramdaman na kaming kakaiba.
"Bumalik na muna po kayo sa loob," mabilis na sabi ni Violet sa mayor.
Hindi naman na nagtanong pa ang matandang lalaki at mabilis na bumalik sa village. Halata sa expression sa mukha niya na may naramdaman din siya.
"Meron pa?" Kunot noong tanong ni Shawn.
"P-parang iba 'to," Adi spoke.
"Sh*t!" Malakas na sigaw ni Shawn.
Nasa harapan ko ngayon ang matulis na bagay. Sobrang lapit na nito sa mukha ko. Kung hindi dahil sa barrier na ginawa nila Shawn, Adi at Violet siguro ay butas na ang mukha ko ngayon.
Sobrang bilis ng atake na yun. Halos hindi ko na naramdamang may paparating sa'min.
Kahit tatlo na ang barrier na nasa paligid namin ay nakalusot parin ito. Gaano kalakas ang mga bandits na 'to?
Para akong nakahinga ng maluwag nang maglaho ang matulis na bagay pati ang ginawang barrier nila Adi.
"Okay ka lang?" Hinarap ako ni Shawn sa kaniya kaya bumalik ako sa realidad.
"O-oo. Bandits ba yun?" Tanong ko agad.
"Hindi namin alam," sagot ni Violet habang lumilibot ang tingin sa paligid.
"Mula kayo sa Zeraph Academy." May lumitaw na babae sa bungad ng gubat na nasa harapan namin.
Medyo malayo siya samin pero rinig na rinig namin ang boses niya dahil sa katahimikan ng paligid.
Nasa gitna siya ng anim na tao na puro nakasuot ng cloak. Natatabunan ng cloak ang mukha nila kaya hindi namin makita ang mukha ng mga ito.
"Sino ka?" Tanong ni Violet sa babae.
"My name is Wei," nakangising sagot nito.
"Bakit ka nandito?" Sunod na tanong ni Shawn.
"You're handsome, I like you." Matamis itong ngumiti kay Shawn.
"Anong kailangan mo sa village na 'to?" Matigas na tanong ulit ni Shawn.
"I can't tell you that."
Nilapit nito ang bibig niya sa kasama niya.
"Hanapin niyo na ang kailangan natin. Ako na ang bahala dito."
Bulong lang iyon kaya hindi narinig ng mga kasama ko pero dahil enhanced ang hearing senses ko ay narinig ko siya.
Anong hinahanap nila?
"Hindi niyo kami mapipigilan kaya kung ako sa inyo bumalik na kayo sa academy."
BINABASA MO ANG
Powerless
FantasyBriella had always thought she knew herself. A girl who knows how to fight, and trouble seems to constantly find her. But it turns out there is a great mystery in her personality, and it is all hidden in a world she didn't know existed. "Magic? Toto...
