I dedicated this story to my one of my silent reader na palaging naka-support sa akin simula noon hanggang ngayon. To Miss Danna-Ann Donasco. Thank you sa pagpapagamit ng pangalan mo bilang female lead ng akda kong ito.
*******INIABOT ng magkaibigang Danna-ann at Shenna ang passes card nila sa babaeng nakapwesto malapit sa entrance. Sinuri muna nito iyong mabuti. Tiningnan sa harap at likod ang card.
“Hi, mga kaibigan kami ni Skite Del Rio at sa kaniya galing ang mga passes card na iyan,” saad ni Shenna.
Nang matapos na ang babae sa ginagawa nitong pagsusuri sa card ay may inabot sa kanilang dalawang kulay red na folder.
Nagkatinginan silang biglang magkaibigan sa isat-isa ng may pagtataka pero inabot pa rin naman nila pareho ang red Folder.
“Para saan ang mga ito?” tanong ni Danna-ann sa babae.
“Kailangan ninyo pong unawain at basahin muna ang nilalaman ng ngayon ay folder na hawak ninyo sapagkat isa po iyang kasunduan.”
“Kasunduan!” magkasabay na wika pa nilang dalawa ni Shenna.
“Marahil ay hindi kayo na-inform ni Mr. Del Rio about policy and rule. Kaya mainam na basahin ninyo muna ng mabuti. Kapag sumasang ayon kayo sa mga nilalaman niyan ay maaari ninyo na pong pirmahan ngunit kung hindi at may pag-aalinlangan na po kayo mga Ma'am puwedi na po kayong umalis,” magalang na anito sa kanilang magkaibigan.
Walang kahit na anong kakaiba para kay Danna-ann ang mga nabasa niya roon. Ang tanging ipinagtaka lang niya at naging isang malaking katanungan sa isipan niya kung bakit kasama sa mga nakasaad roon na dapat mong tuparin sa oras na lumabas ka na atlisanin ang bar.
Siniko siya ng kaibigang si Shenna at mahinang bumulong sa kaniya. “Ano sa tingin mo? Tuloy pa ba tayo?”
Kuryusidad kung ano ang mayroon sa loob ang nagibabaw kay Danna-ann. “Mukhang exciting sa loob kaya siguro may ganiyan silang patakaran. Isa pa, hindi naman tayo bibigyan ng passes ni Skite kung mapapahamak tayo riyan,” pabulong na sagot niya sa kaibigan.
“Kung sa bagay tama ka naman riyan. Isa pa, sinabi rin pala ni Skite sa atin na para maiba naman daw ang ambience ng bar na madalas nating pinupuntahan.”
“Exactly!" aniya.
“Kaya lang parang kinakabahan ako. Huwag na lang kaya tayong tumuloy, sissy.”
“Hindi mo ako malilinlang sa ganiyan style mo.” Sabay tawa niya ng mahina na ikinatawa rin nito.
Kaya naman nagpasiya na silang pirmahan iyon at pagkatapos ay pareho nilang iniabot sa babae ang red folder.
“Thank you and welcome to The Mask bar. The place of dream you never forget.”
Nang makapasok sila ng tuluyan sa loob, muling nagtaka si Danna-ann. Hindi maingay sa loob gaya ng ibang mga night bar. Tulad niya ay nagpapalinga-linga rin si Shenna habang naglalakad sila pero ito naman para maghanap ng magiging pwesto nila.
Hanggang may lumapit sa kanila na isang lalaki para i-guide sila na makahanap ng puwesto. Isa sa service staff marahil.
‘Bar ba talaga ito. Bakit sa tingin ko ay tila nasa isang party kami?’ Sa isip ni Danna-ann.
BINABASA MO ANG
DARK SECRET SERIES - The man behind his mask (COMPLETE)
RomanceThe mask bar. . . Lugar kung saan naranasan niya ang kakaibang ligaya. Lugar kung saan hinangad na balik-balikan, upang hanapin ang minsang nakaulayaw nang kaniyang maisuko ang pagkababae ng hindi namamalayan. Danna-Ann Donasco is a happy-go-lucky...