PANAY ang tingin ni Danna-ann sa orasan. It's almost eight o'clock in the evening at wala pa rin tumatawag sa kaniyang katulong nila dito sa kaniyang silid para ipaalam na may bisita siya.
Halos isang linggo nang hindi dumadalaw sa kaniya si Ethan. Noong unang beses na hindi ito dumalaw sa kaniya para umakyat ng ligaw ay hindi naman niya masyadong pinag-tuunan ng pansin. Naisip niya pang baka hindi na naisingit ng hectic na schedule nito.
Hanggang ang isang beses na hindi nito pa pag-akyat ng ligaw sa kaniya para suyuin siya ay naging dalawa, tatlo, apat, limang araw hanggang sa umabot na ngang maging isang linggo.
Maging sa opisina nito sa Westrade, hindi na nagpupunta ang binata matagal na. Hindi na ito naglalagi roon at ang alam niya ang huling punta nito ng opisina nito roon ay iyong araw na ibinalik niya rito ang bulaklak at um-attend ito ng meeting ng mga board at shareholder. Matapos iyon ay hindi na nasundan ang pagdalo nito.
Hindi naman nakapagtataka kung hindi na ito maglagi sa Westrade, may mga iba pa kasi itong negosyo. Marahil ay mas tinututukan ng atensiyon nito ngayon.
Kahit siya naman mismo ay nagulat sa panibagong pakiramdam na lumulukob ulit sa kaniya para kay Ethan. Nasanay na kasi siya sa presensya nito na hindi natatapos ang gabi na hindi ito pumapasyal sa kaniya, iyong sinusuyo siya. Nasasabik na siya na muling makita ang presensiya nito.
‘Ano na kayang nangyari doon?’ naisip niya. Nahihiya naman siyang magtanong sa daddy niya dahil kahit ito mismo alam ang ginagawa niyang pagbabalewala sa binata kapag narito. Pinagsasabihan lang siya nito na harapin pa rin si Ethan kahit saglit lang at kahit mukhang napipilitan siya. Basta mahalaga humaharap siya sa binata.
Kahit hindi niya pinakikiharapan si Ethan ng maayos at laging pinagmumukhang tanga'y hindi niya ito nakitaan ng pagkainis man lang sa ginagawa niya rito. Ramdam niyang inuunawa siya nito ngunit binabaliwala lang niya. Kahit pa nga halos ipangalandakan niya rin sa mukha nito na hindi na siya nito muling mauuto, na alam niyang hindi na lang nito pinapansin.
Tinungo niya ang balkonahe ng kaniyang silid. Binuksan niya ang sliding door na nag-uugnay rito at sa silid niya. Tumayo siya buhat roon habang nakatanaw sa liwanag ng buwan at mga nagkikislapang bituin.
Huminga siya nang malalim para lumanghap ng sariwang hangin. Nami-miss na niya si Ethan iyon talaga ang totoo, kaya wala na siyang ginawa kung hindi bantayan ang oras sa pagdating nito. Mapa-umaga, hapon at mas lalong sa gabi.
Tinanggihan niya ang mga pag-aaya ni Shenna sa kaniya na mag nightlife nitong mga nakalipas na araw. Umaasa kasi siya na any time darating si Ethan. Ang pagsasama-sama niya rito kung minsan ginagawa na lang niya iyong dahilan para kunwari makaiwas kay Ethan.
Naikwento na rin niya kay Shenna ang pagiging iisa ni Ethan at Code Zero. Wala siyang inilihim rito. Isang bukas na libro sa kaibigan ang tungkol sa mga nangyayari sa kanila ni Ethan.
Si Skite naman ay hindi pa sila nagkakausap ulit. Isa pa itong may kasalanan sa kaniya eh kaya inis din siya rito pero hindi naman siya galit dito.
Sa hindi na pagpapakita ni Ethan sa kaniya ng ilang araw ngayon niya nari-realized ang kahalagahan nito sa kaniya.
‘Gaga ka naman kasi!’ aniya mismo sa sarili.
Pero hindi ba iyon naman talaga ang gusto niya, ang tigilan na siya nito. So, ngayon nangyayari na, bakit imbis na matuwa ay nalulungkot pa siya?
%muling usig na naman ng kaniyang sariling isipan na pinapagalitan siya.
Para na talaga siyang timang sa kaiisip sa binata. Hindi niya talaga maiwasan mag-overthink na. Paano kung sumuko na pala talaga ito sa kaniya? Ano ang gagawin na niya?
BINABASA MO ANG
DARK SECRET SERIES - The man behind his mask (COMPLETE)
RomanceThe mask bar. . . Lugar kung saan naranasan niya ang kakaibang ligaya. Lugar kung saan hinangad na balik-balikan, upang hanapin ang minsang nakaulayaw nang kaniyang maisuko ang pagkababae ng hindi namamalayan. Danna-Ann Donasco is a happy-go-lucky...