Note: Enjoy reading and sorry for grammatical error ahead.
*************
HANGGANG ngayon hindi pa rin makapaniwala si Danna-ann sa ginawa ni Ethan sa passes card niya para sa the mask bar.
Pagkalabas nito sa kaniyang opisina, at buhat sa kaniyang pagkabigla dahil sa ginawa ntong paghalik at paglamukos sa passes card, agad niyang dinampot ang card. Parang gusto niyang maiyak bigla sa nakitang itsura na niyon. Iyong kaninang ang ganda sa paningin niya sa card ngayo'y nagmukha nang basura.
Mula sa pagkalamukos nito, pinilit niya iyong ibalik sa dati nitong pagkakalapat. Pero hindi na iyon katulad kanina. Isang buntonghiningang malalim ang kaniyang pinakawalan habang pinagmamasdan ang card.
Nagpapasalamat pa rin siya dahil ganoon lang ang ginawa ni Ethan sa card at hindi ito pinunit. Sa itsura nito ngayon tanggapin pa kaya ito bilang passes niya. Sa sobrang dami ng rules bago makapasok sa loob ng bar na iyon kasama na roon ang card na mapanatiling maayos at malinis. Ewan, pero bigla siyang naging problemado.Ang card na ito lang ang paraan para makapunta at makapasok sa the mask bar pero ang walang hiyang Manong na iyon ganito lang ang ginawa. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan nito iyong gawin.
Bigla siyang natigilan nang maalala ang isa pa nitong ginawa sa kaniya, Naramdaman niya kasi bigla ang pagkirot ng labi niya na bahagyang nagkasugat na maliit dahil sa ginawa nitong paghalik sa kaniya.Hindi naman iyon kinagat ng binata pero dahil nga marahas ang klase ng halik na iginawad nito sa kaniya, tumama ang ngipin nito sa kaniyang labi. Naalala rin niya ang binitiwan nitong salita bago ito lumabas ng opisina.
“Duhhh! Ano’ng akala ng Manong na iyon masisindak niya ako? Sinong tinakot niya ako? Eh, baka siya pa itong kasuhan ko dahil sa ginawa niya sa akin bigla-biglang panghahalik. Kainis na matandang iyon,” aniya pa.
May naiisip naman siyang solusyon para magkaroon ng panibagong passes card at iyon ang kaibigan nila ni Shenna na si Skite. Imposibleng walang passes card na hawak ito dahil isa si Skite sa exclusive member ng bar na iyon.Plano na niya sanang tawagan si Skite pero biglang tumunog ang kaniyang Cellphone at dali-dali niyang dinampot iyon para sagutin. Si Shenna ang tumatawag. Na-excite siya bigla.
“Sissy, ano’ng balita, may passes card ka na ba?” agad na bungad niya ng sagutin ang tawag nito.
“Dahil hindi ko talaga ma-contact, nag-text na lang ako sa kaniya para itanong,” wika ni Shenna.“Oh, ano’ng sabi niya?”
“Sad to say, isa lang daw iyong passes niya. Ayon sa founder daw ng the mask bar, tig-iisang visitor lang daw ang alloud sa kanila ngayon at naipadala na raw niya iyon sa choice of visitor niya.”
Sa narinig na sinabi ng kaibigan nawala ang pag-asa niyang mapalitan pa ang passes card na hawak niya. Plano pa naman sana niyang mag-request kay Skite na padalhan siya. Pero dahil isa lang pala ang puweding pagbigyan ng mga miyembro, nawala ang pag-asa niya.
“Kaya, goodluck na lang sa iyo, sissy. Grab mo na ang chancess na iyan. Masuwerti ka at napadalhan ka ng passes. Kwentuhan mo na lang ako sa ganap, ha”
Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni Danna-ann. Paano pa mangyayari iyon kung nawala na ang chancess sa kaniya na muling makapunta at makapasok doon.
“Sige,” anas na lang niya.Wala na sa linya si Shenna pero nauwi naman siya sa malalim na pag-iisip. Muli niyang pinasadahan ang passes card na gusot na gusot. Biglang bumalik ang inis niya kay Ethan. “Bwiset talagang matanda iyon!” gigil na wika niya.
Nawalan na siya tuloy ng ganang magtrabaho. Isinara niya ang laptop. Dinampot ang handbag, cellphone maging ang passes card at tsaka tumayo para lumabas ng sariling opisina. Kailangan niyang i-relax ang utak at talagang nabad-trip siya sa nangyaring ginawa ni Ethan.
BINABASA MO ANG
DARK SECRET SERIES - The man behind his mask (COMPLETE)
RomanceThe mask bar. . . Lugar kung saan naranasan niya ang kakaibang ligaya. Lugar kung saan hinangad na balik-balikan, upang hanapin ang minsang nakaulayaw nang kaniyang maisuko ang pagkababae ng hindi namamalayan. Danna-Ann Donasco is a happy-go-lucky...