PAGKAALIS sa mansion ng mga Donasco kung saan inihatid niya ang dalagang Si Danna-ann buhat sa pagsundo niya rito sa Resthouse ng pamangkin na si Skite. Pinili naman ni Ethan ang umuwi sa kaniyang condo.
Agad siyang dumiretso sa kaniyang minibar. Mula sa mga iba't ibang klase ng alak na nakahilera sa estante ay kumuha siya ng isang bote ng imported brandy at baso. Nagsalin ng alak at pagkatapos agad na ininom iyon.
Kung gaano kapait ang lasa niyon na lumapat sa sariling dila at humagod sa lalamunan, ganoon ang pait na kaniyang nararamdaman ngayon.
Hanggang ngayon hindi niya pa rin lubos maisip na kaya siyang insultuhin ni Danna-ann sa iba't ibang paraan. Wala pang nang-insulto sa kaniya kahit na kailan. Tanging ito lang ang malakas ang loob na gawin sa kaniya iyon.
May mga pansarili siyang dahilan kung bakit nagawa niya ang mga bagay na nangyari ngayon sa buong maghapon lalo na sa parte na may kinalaman ang dalaga.
Ang passes card na nilamukos niya sa harap ng dalaga. Ang pagsama rito sa meeting niya sa labas. Ang pagsundo at paghatid. Ang pagpaparanas rito ng kakaibang sarap sa silid nito mismo. At higit lalong may dahilan siya kung bakit kailangan niyang itanong ang lahat ng may kinalaman sa mask bar lalo na kay Code Zero. Para alam niya kung saan dapat mag-umpisa sa susunod na hakbang niya. Pero hindi siya nagtagumpay dahil walang nasagot sa mga tanong niya kahit isa.Mapakla siyang ngumiti habang nakatingin sa basong may laman pang alak. Naalala niya pa ang mga binitawang salita ni Danna-ann sa kaniya na labis uminsulto sa kaniyang pagkalalaki.
Napakaswerte naman pala ni Code Zero kung ganoon. Dahil sa ito ang nauna sa katawan ng dalaga ito na lang din pala ang may karapatan para sa katawan nito. Well, marahil mapalad nga ito pero nakatitiyak siyang mas mapalad pa rin siya.
Kung kinakailangan na gumawa siya ng panibagong plano gagawin niya at kung si Code Zero lang ang tanging paraan para makuha niya ang loob ng dalaga handa niyang gawin ang lahat para doon at bahala na pagkatapos.
Nagpasiya siyang I-text ang isa niyang business partner. Nagtipa ng mensahe para rito. Matapos iyon ay nagpasiya siyang inumin ang natitirang alak sa kaniyang baso. Tsaka nagpasiyang lumabas ng mini bar para asikasuhin naman ang sarili.“ZERO!” tawag sa pangalan ng lalaki nang isang babae. Nakaupo ng patalikod mula sa pintuan ng kaniyang private office
Nang marinig ang boses ni Zaleah ay agad nitong ipinaling paikot ang swivel chair paharap rito para magkaharap sila. Kanina niya pa hinihintay talaga ang pagdating nito.
Lumapit si Zaleah sa table ni Zero umupo sa visiting chair tsaka may ipinatong roon na isang black folder kasama ang isang maliit na envelop.
Nang makita ni Zero ang ipinatong ni Zaleah na folder saglit lang niya pinasadahan ng basa iyon tsaka pinirmahan at muling inabot ulit rito.
“Salamat,” aniya.“Goodluck sa pagbibigyan mo niyan. huwag mong kalimutan na ipaliwanag sa kaniya ang ability ng VIP passes. Kailangan ko na rin umalis at sinaglit ko lang naman sa iyo iyan,” turan naman nito kay Zero.
Pagkaalis ni Zaleah ay dinampot niya ang black envelop kung saan nakalagay ang VIP passes card. Sa dami na ng naimbitahan niya na magpunta sa MB ngayon lang siya nagpasiyang magbigay ng katulad ng ganito at sa isang babae pa.
Hindi niya ugali ang magbigay ng VIP pasess card sa isang tao na nakaka-encounter niya sa MB mapa-babae man o lalaki. Pero iba kasi ngayon. Kailangan niya ito para mapalapit sa kaniya ang babaeng nakaulayaw niya sa MB noon.Nasasabik na siyang muling makita ito. Sigurado siya na dadalo ito dahil ayon sa kaniyang inutusan ay natangap na nito ang passes card. Kinailangan niya pang padaanin iyon sa opisina ng babae dahil doon ito madalas kung maglagi sa mga nakalipas na araw ayon sa kaniyang pagmamatyag.
BINABASA MO ANG
DARK SECRET SERIES - The man behind his mask (COMPLETE)
RomanceThe mask bar. . . Lugar kung saan naranasan niya ang kakaibang ligaya. Lugar kung saan hinangad na balik-balikan, upang hanapin ang minsang nakaulayaw nang kaniyang maisuko ang pagkababae ng hindi namamalayan. Danna-Ann Donasco is a happy-go-lucky...