13 - UNMASK THE SECRET

43 0 0
                                    

DAHAN-DAHAN ang ginawang pagdilat ni Danna-ann sa kaniyang mga mata at madilim na paligid ng isang silid ang sumalubong sa kaniya.

        Nagising siyang may yakap-yakap. Inakala niyang ang kaniyang yakap ay ang lalaking ilang beses na nagparanas sa kaniya ng ligaya papuntang ikapitong langit.

         Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya pagkatapos na ilang ulit na may maganap sa kanila ng lalaking nakamaskara na kilala niya bilang Code Zero.

        Pagkadismaya ang kaniyang nadama sapagkat isang malaki at malambot na unan na lamang pala ang yakap niya. Sa makulimlim na liwanag sa paligid ay ipinaling niya ang paningin sa kabilang parte ng kama, nagbabakasakali, naroon si Zero.

        Pero bakanti iyon at ni walang palatandaan na may naging katabi siya sa pagtulog. Tila naulit lag ulit ang nangyari noong una. Nagising siyang wala ng kasama.

        Nagpasiya siyang bumangon at buksan ang ilaw mula sa lampshade na naroon lamang nakapatong malapit sa kama. Wala siyang kahit na isang saplot sa katawan.

         Napangiti siya ng makita ang dress na suot kagabi na maayos na nakatupi at nakapatong sa tabi ng lampshade. Naroon din ang kaniyang maliit na shoulder bag na pinaglalagyan ng kaniyang personal belonging.

        May panghihinayang siyang naramdaman dahil hindi na naman niya naabutan si Code Zero sa kaniyang paggising, mas lalong hindi niya nakita ang mukha nito.  

        Pero sa isipin baka na sa labas lang ito at nakihalubilong muli sa mga guest ng Mask bar ay nabuhayan siya ng loob.

        Napagpasiyahan niyang lumabas para  hanapin ito ulit. Nangako itong ipapakita na ang mukha nito sa kaniya pagkatapos. Bigla na naman siyang na-excite dahil sa isipin iyon.

        Hindi siya pintaserang tao at ayos lang sa kaniya kung hindi ito magandang lalaki kung iyon ang itinatago nito at ipinag-aalala na malaman niya. Hindi mahalaga sa kaniya ang panglabas. Mahalaga pa rin sa kaniya ang taglay na katangian nito pangloob.

        Baka hindi pa tapos ang kasiyahan at makita niya ito roon na nasa paligid lamang. Matapos magbihis ay lumabas siya ng silid kung saan siya naroroon.

        Sa paglabas niya ay pamilyar na kapaligiran ang bumungad sa kaniyang paningin. Nagpalinga-linga siya. Ganitong-ganito ang labas ng silid na pinanggalingan niya noong unang may maganap sa kanila ng lalaking naka maskara.

        Bigla ang atake ng kakaibang pakiramdam sa kaniya. Kaya nagpasiya siyang lumakad pa. Malalaman niya ang sagot kapag nakarating siya sa ibaba. Ang alam niya kasi ay ikalawang palapag ito na may mga silid na iba pa.

        Bago makarating sa ibaba ay may mga madadaanan muna siyang mga iba pang mga silid. Nasa dulong bahagi kasi ang silid na kinaroroonan niya. Ngunit natawag ang pansin niya sa isang pinto na madadaanan niyang bahagyang nakabukas. Marahil nakalimutan lang iyon isara mabuti ng tao mula sa loob.

        Lalagpasan na lamang sana niya ang silid na iyon pero biglang may nahagip ang mata niya na pamilyar na tao mula sa loob niyon na may kausap.

        ‘Teka si Skite iyon, ah!’ aniya sa isipan. ‘Anong ginagawa niya dito?’

        Bunsod ng kuryosidad ay dahan-dahan siyang lumapit sa pinto. Hindi niya maintindihan pero tila may nagtutulak sa kaniya na lumapit doon. Isama pa ang biglang pagkabog ng dibdib niya.

        Ang lakas ng tibok ng puso niya. May kausap si Skite na isang lalaki rin at sa tingin niya ay seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito kung mukha ni Skite ang kaniyang pagbabasehan. Nakapaskil rin ang inis rito.

DARK SECRET SERIES - The man behind his mask (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon