7 - Escape

120 2 0
                                    

      Sorry for the long of waiting. Enjoy reading

NAKANGITING kinamayan ni Ethan ang kausap na Businessman matapos ang kanilang successful na deal. Marahil nasa singkwenta na ang edad nito “Thank you so much Mr. Javier for this big opportunity. Ipinapangako kong hindi ka magsisisi sa partnership natin na ito,” wika ni Ethan.
 
      “I'm glad to hear that Mr. Fernandez. So, I have to go para masolo mo na rin ang girlfriend mo at mukhang inip na inip na kanina pa. Nakangiting dagdag biro pa nito.
 
      Hindi naman nakaligtas sa matalas na pandinig ni Danna-ann ang sinabi na iyon ng kausap ni Ethan. Aalma na sana siya upang itama ang maling hinala nito sa kanilang dalawa. Handa na sana siyang magsalita pero isang babalang tingin ang ngayo'y nakarehistro sa mga mata ng binata kaya saglit siyang natigilan.

        Kapwa sila nagsukatan ng tingin. Wala siyang planong magpasindak sa tingin ng binata, basta itatama niya ang maling hinala ng kausap nito.

        Kaya nagpasiya siyang tumayo buhat sa pagkakaupo at hinarap pa rin ang Ginoo. “Mawalang galang na ho, Mr. Javier pero gusto ko lang klaruhin na hindi po ako girlfriend ng matandang ito,” aniya, sabay tipid na ngumiti. “Hindi ko rin po pinangarap na magkaroon ng boyfriend na hindi po nalalayo ang edad sa Daddy ko.” Inilipat niya ang tingin sa binata at muling nagsalita. “Isa pa, hindi ako avid fan ng mga mukhang sugar daddy na rin ang datingan.”

        Halos hindi naman makapaniwala si Ethan sa mga lumabas sa bibig ng dalaga, lalo na sa huling katawagan na ikinabit nito sa kaniya. Alam niya na ikinapula iyon ng mukha niya, hindi dahil sa hiya kung hindi dahil sa galit na biglang umahon sa kaniyang pagkatao. Kung nagkataon na sinabi ni Danna-ann ang ganoon ng wala na si Mr. Javier tiyak na may kalalagyan ulit sa kaniya ang matabil nitong dila. 

        Ang tawagin siya nitong matanda o manong kaya niyang tanggapin pa dahil wala naman siyang magagawa kung iyon talaga ang tingin ng dalaga sa kaniya. Agwat kasi ng edad nila ang ginagawa nitong batayan. Pero ang tawagin pa siyang sugar daddy hindi na iyon katanggap-tanggap sa pandinig niya. He's only forty five years old. Malayo sa edad ng mga kinakabitan ng ganoong uri ng katawagan. Para sa kaniya mas bagay ikabit ang salitang iyon sa mga nasa senior citizen na ang edad.
 
      Sa rami na rin ng nakakasalamuha niyang iba't ibang klase ng tao mapa matanda man o bata-bata pa, halos pare-pareho ang mga ito ng sinasabi pagdating sa panlabas na itsura niya. Mukha lang daw siyang trenta kasi.

        Muling nagsalita ang dalaga. “Excuse me lang ulit kasi kailangan ko pa lang mag-banyo,” Hindi na niya hinintay na sumagot pa si Ethan at agad na umalis na rin.

        Isang tapik sa kaniyang balikat ang nagpakurap sa binata at si Mr. Javier ang may gawa niyon. Kaya agad napunta ang atensiyon niya rito. 

        “Mga kabataan talaga ngayon iba na ang mga ugali. Tayo na talagang mas nakatatanda ang mag-a-adjust para sa kanila.”

    Tipid na ngumiti na lang ang binata sa sinabi sa kaniya na iyon ni Mr. Javier.
 

     Samantala, si Danna-ann nama'y hindi naman talaga sa banyo nagpunta. Paraan lang niya iyon para makaalis na. Iyong inis niya sa binata, pakiramdam niya ay nadagdagan.

        Habang binabagtas ang daan palabas ng restaurant sa kaniyang paglabas, eksakto naman na may dumaan na taxi. Agad niyang pinara iyon at halos magmadali siyang makapasok sa loob nang huminto ito sa tapat niya. Sinabi niya ang address na nais niyang puntahan. Masuwerti siya at nakasakay siya kaagad kaya nakahinga siya ng maluwag. Siguradong bago mapansin ng binata nakalayo na siya.
 
      Kanina pa kaya siya inip na inip habang nakikipag-usap si Ethan sa Mr. Javier na iyon para sa isang negosiyong iniaalok ng binata rito. Sa halos dalawang oras na iyon pakikinig lang ang ginawa niya sa mga ito.
 
      Sinabihan din siya ng binata na kung maaari i-note down niya ang mga importanteng sa tingin niya'y dapat i-note. Oh, diba ginawa pa siyang instant secretary ng manong na iyon. Sa bwisit nga niya hindi niya iyon ginawa kahit may pakikiusap pa ang tono nito sa kaniya. Ano to sinuswerte?
 
      Infairness lang kay Ethan napakahusay nitong magsalita pagdating sa paglalatag ng negosiyong iniaalok nito pulido at klaro kaya hindi nakapagtataka na makamit nito ang inaasam-asam na yes mula sa kausap.

DARK SECRET SERIES - The man behind his mask (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon