Hello, to you all. Welcome here in this chapter. Enjoy reading.
**********DANNA anak, Ayos ka lang ba?" saad ni Ricardo sa anak nang mapunang tila wala sa kaniyang mga sinasabi ang pag-iisip nito. Wala pa rin kasing kibo ito habang kanina pa siya salita nang salita at nakapagtataka iyon sa kaniya sapagkat kilala niya ang anak na kapag usapan tungkol sa kanilang kompanya ang topic ay alive na alive ito.
Pagkaalis ni Ethan ay agad niyang kinausap ang anak. Ang pagpunta ni Ethan sa kaniya kanina ay hindi naman niya talaga inaasahan. May sinabi lang ito sa kaniyang importante na ipinagtaka niyang talaga kung paanong nangyari iyon. Tiwala siya kay Etahn kaya naman madali siyang pumayag sa nais nitong mangyari.
At nang magpaalam na nga ito nang dumating ang kaniyang anak ay agad niyang sinabi ang plano niyang pagbabakasiyon. At bilang kaisa-isa niyang anak si Danna-ann ay dito niya ibinibigay ang pamamahala ng kanilang negosyo sa ayaw man nito o sa gusto. Sinabi na rin niya ang mga dapat nitong gawin habang wala siya.
Isa sa ikinakabilib niya sa anak na hindi man niya ito nakikitaan ng pagka-interesado sa ngayon para pumalit sa kaniyang posisyon ay nakikita naman niya ang sinseridad nito sa kanilang kompanya na itinatag pa ng kaniyang mga magulang na lolo at lola naman nito.
Napakurap-kurap si Danna-ann nang marinig niya na tinawag siya ng kaniyang Daddy kaya naman agad siyang humingi ng paumanhin dito.
“I’m sorry dad, may iniisip lang ako pero huwag kayong mag-alala at lahat naman ng sinasabi niyo sa akin tungkol dito sa Westrade ay pumasok naman lahat sa memory ko tsaka, isa pa wala naman bago sa sinasabi niyo. Iyon at iyon lang din naman,” aniya sa ama.
“Walang bago sa sinabi ko? Sigurado ka ba riyan?" tanong niya sa anak. Sigurado nga siyang lumilipad ang utak nito sa kung saan dahil may sinabi rin siya na tila hindi naman talaga nito nabigyang pansin. “How about my out of town with Julie? Any violent reaction?”
“Ho, out of town! Anong out of town?” Hindi niya naitago ang gulat sa sinabi ng ama.
Halos napailing naman si Ricardo sa reaksiyon na iyon ng anak. “See. May pasabi-sabi ka pa riyan na lahat ng sinabi ko pumasok naman sa memory mo, pero ang tungkol doon gulat na gulat ka. Meaning, wala ka talagang naintindihan sa dinami-rami ng sinabi ko dahil talagang lumilipad ang utak mo, sweetheart.”
Iyon ang endearment ng kaniyang ama sa kaniya katulad ng endearment nito sa kaniyang yumaong Mommy.
“Care to tell me what's on your mind now?” hamon na wika ni Ricardo sa anak maya-maya. Muli kasi itong tumahimik.
Ang totoo talaga ay kanina niya pa iniisip ang mga katagang binitiwan sa kaniya ng kani-kanina lang ay bisita ng kaniyang ama. Narinig na niya ang mga katagang iyon kagabi hindi siya puweding magkamali at natatandaan niyang malaki ang kaugnayan ng mga katagang iyon sa nangyari sa kaniya kagabi. Ni hindi na niya napagtuunan ng pansin ang timpla ng boses nito dahil saglit lang niya iyon narinig nang magsalita ito kanina sa kaniyang Daddy.
Nang bangitin rin nito sa kaniya ang mga salitang iyon talagang natigilan siyang bigla. Ni hindi na nga niya namalayan na nakaalis na pala ito. Aminado siyang lumutang bigla ang utak niya. Tinangay ng Manong na iyon. Manong, kasi alam niyang malaki talaga ang agwat ng edad nito sa kaniya. Pero infairness naman ha, na-maintain nito ang magandang katawan at gwapo pa rin.
Huminga muna ng malalim si Danna-ann bago nagsalita sa ama.
“Your visitor is call me little girl. Have you hear that, dad?” Hindi na siya nakatiis na tanungin iyon sa ama. Gusto lang niyang makatiyak kung tama iyong narinig niya.
BINABASA MO ANG
DARK SECRET SERIES - The man behind his mask (COMPLETE)
RomanceThe mask bar. . . Lugar kung saan naranasan niya ang kakaibang ligaya. Lugar kung saan hinangad na balik-balikan, upang hanapin ang minsang nakaulayaw nang kaniyang maisuko ang pagkababae ng hindi namamalayan. Danna-Ann Donasco is a happy-go-lucky...