4 - Table zero

181 7 2
                                    

    Please enjoy reading mga bhebe.
                        ___________

NAHINTO si Danna-ann sa pagse-cellphone nang maramdaman na huminto ang kotse ni Ethan. Matapos nito sabihin na ihahatid siya dahil sabi raw ng daddy niya. Pinili niyang sa back seat umupo. Wala naman siyang narinig na reklamo mula kay Ethan nang doon siya sumakay. 

            Ang akala niya talaga magre-react ito dahil doon, kasi lalabas na mukhang driver niya ito pagka-ganoon. Trip pa naman niya sanang pagtrip-an ang Manong na ito ulit. Sa ganoon man lang na simpleng paraan eh, makaganti siya sa ginawa nitong pang-i-isnab sa kaniya sa harap ng Daddy niya.

            Aba, hindi kaya puwedi sa kaniya iyon, Anak lang naman siya ni Ricardo Donasco at isa lang ito sa may mga ambag sa kumpanya nila tapos kung maka-asta sa kaniya akala mo kung sino.

            Hinintay niyang ipagbukas siya ng pinto ni Ethan pero hindi iyon nangyari. Kaya gigil na napilitan siyang kusa nang bumaba sa kotse nito.  Plano niya sanang sitahin ito dahil sa kawalan nito ng pagka-maginoo sa kaniya pero natawag ang pansin niya sa paligid. Hindi siya maaaring magkamali lalo at nasa tapat pa sila mismo ng lugar na iyon.    

            Bumaling ang paningin niya Kay Ethan. “Anong ginagawa natin dito?” tanong na niya.

            “Hindi ba sinabi mo kanina na nagugutom ka? Kaya naman naisip ko dalhin ka rito kaya tara na.”

            Hindi pa man siya nakasasagot ay tinalikuran na siya nito kaya agad siyang sumunod rito at pinantayan ang paglalakad nito.

            Hindi naman talaga siya nagugutom. Sinabi lang niya iyon kanina dahil iyon na lang ang naunang pumasok sa isip niya.

        “Uy, Manong teka lang po. Sana idiniretso mo na lang ako sa bahay. Ano ba iyan?” saad niyang may halong pagkairita.

        Huminto sa paglakad si Ethan nang nasa tapat na sila ng entrance door. Tumango lang ito sa guard na nakatayo sa entrance nang batiin sila. Naudlot pa ang pagbukas nito ng pinto para sa kanila dahil humarap si Ethan kay Danna-ann.

            “Sinabi mong nagugutom ka kaya kakain muna tayo rito. Ayoko naman na isipin ng Daddy mo na pinabayaan kita gayong alam ko na nga na nagugutom ka, kaya halika na sa loob.”

        Wala naman nang nagawa pa si Danna-ann nang magpatiuna na itong pumasok kaya sumunod na rin siya. May sumalubong sa kanilang isang waiter at agad nanglaki ang mata niya nang makilala niya ito. Mabilis niyang ipinaling sa iba ang paningin at bahagyang tumagilid. Mahirap ng makilala siya ng waiter. 

        Mas lalo pang lumaki ang mata niya sa sinabi nito sa kaniya, sapagkat matapos nitong bumati kay Ethan ay siya naman ang binalingan nito para batiin. Sadyang mataas yata ang memorya ng waiter na ito at talagang hindi siya pinaligtas.

        “Ay, ma'am, kumusta po. Kaninang umaga'y narito ka lamang, ngayon ay narito ka ulit. Siguro naman ho ay naniniwala ka na, na hindi talaga ito bar tulad ng sinabi niyo?” wika ng waiter kay Danna-ann

        Tumaas ang kilay niya sa sinabi nito sa kaniya, dahil para sa kaniya masyado pang maaga para maniwala siyang hindi totoo ang ang bar na iyon kung saan siya nabiyak. Hanggang ngayon nararamdaman pa rin niya ang kirot sa bahaging iyon ng pagkababae niya.     

        “Hindi pa rin, kasi hindi ko pa naman napapatunayan. Isa pa, hindi ba kapag sinabing bar, sa gabi nag-o-operate. So, gabi na ba?” Nakataas ang kilay na tanong niya pero may halong ngiting bahagya.

DARK SECRET SERIES - The man behind his mask (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon