NAGPALIPAS ng isang linggo si Ethan bago muling nagpasiyang puntahan ang dalaga sa mansion ng mga Donasco matapos itong magalit sa kaniya dahil sa pagkakatuklas nito ng katauhan ng lalaking nakamaskara.
Patuloy siyang umasa na kauusapin na ng dalaga ng maayos katulad na lamang ngayon muli niya itong dinalaw rito sa mansion mismo, ngunit hindi nangyari. Naging bingi ito ng tuluyan pagdating sa mga paliwanag niya. Ginawa na niya ang alam niyang tama pero hindi pa rin pala sapat iyon sa dalaga.
Nililigawan na niya ito na umabot na ng halos dalawang buwan na dahil iyon ang tamang dapat gawin niya muna. Hiningi niya ang pahintulot ni Ricardo na maligawan ang anak nito at hindi naman ito tumutol lalo at may nangyari na nga sa kanila ng anak nito.
Oo, alam ni Ricardo ang bagay na iyon sapagkat noong araw na ipakilala sila sa isa't isa nito sa opisina nito sa Westrade ay sinabi niya ang nangyari sa kanila ni Danna-ann sa mask bar kung saan miyembro din si Ricardo. Sinabi niya rin na handa naman niya itong panagutan.
Kaya nga rin malayang ibinilin ni Ricardo sa kaniya ang dalaga sapagkat naniniwala ito na kailangan muna na makilala siya ng husto ni Danna-ann. Pero nang dahil sa isang halik na nangyari sa pagitan nila sa kaniyang restaurant mismo at sa pagiging pursigido nito na tuklasin ang mask bar maging sa misteryosong lalaking naka maskara na gusto nitong hanapin, hindi niya lubos na maisip na iyon pala ang magpapabago ng pakikitungo ng dalaga sa kaniya.
Sa bawat pagtatangka niyang ipadama ang kaniyang sinsiridad at magandang intensyon sa pamamagitan ng panliligaw rito sa halos dalawang buwan na ay puro pangbabaliwala ang isinusukli nito sa kaniya. Pinapamukha rin nito na ginagawa lamang daw niya iyon dahil inuusig ito ng konsensiya.
Sinabi pa nitong mas mabuti pang itigil na lamang niya ang ginagawa niyang panunuyo rito sapagkat nag-aaksaya lamang daw siya ng panahon. Ngunit hindi siya madaling sumuko kahit laging ganoon ang senaryo sa tuwing pupuntahan niya ito sa mansion para dalawin.
Pero ang mga iyon ay tiniis niyang marinig sa dalaga lalo at walang katotohanan ang paniniwala nito. Mabilis man ang mga pangyayari sa pagitan nila, isa lang ang tanging sigurado niya at naniniwala siya sa love at first sight na siyang naramdaman niya rito noong makita niya ito sa Westrade sa papasarang elevator.
Mabilis dumaloy sa isipan ni Ethan ang unang beses na nasilayan niya si Danna-ann kung saan sa unang pagkakataon naramdaman niya ang pagtibok ng puso nang ganoon kabilis para sa isang babae na hindi niya pa kilala ng lubusan.
Halos takbuhin ni Ethan ang elevator para lang mahabol ang papasarang pinto nito. Ngayon ang meeting niya sa CEO ng kompanyang ito para sa isang deal at pakikipag-share na rin.
Pero bigla siyang natigilan ng makita ang isang batang babae na abala sa hawak nitong cellphone. Oo, batang babae ang deskripsyon niya rito dahil matanda naman na kasi siya.
Tila nabato balani siya sa taglay nitong ganda. At kakaiba ang naging in fact nito sa kaniya na talaga naman ngayon lang niya naramdaman. Tila pa nga nag-slow motion ang papasarang elevator sa paningin niya kaya malaya niyang pinagmasdan ang mukha nito ang hindi nito napansin man lang..
May ilang segundo rin siyang natulala at nahimasmasan lang ng muling bumukas ang elevator at may lumabas na mga sakay mula roon. Bago pa iyong tuluyan sumara ulit ay pumasok na siya sa loob agad.
Nang marating niya ang sadyang opisina ng CEO sa ikalimang palapag ng gusali ng Westrade ay lumapit siya sa table ng isang matandang babae na hindi naman nalalayo ang edad sa kaniya. Napag-alaman niyang ito ang personal secretary nito.
BINABASA MO ANG
DARK SECRET SERIES - The man behind his mask (COMPLETE)
RomanceThe mask bar. . . Lugar kung saan naranasan niya ang kakaibang ligaya. Lugar kung saan hinangad na balik-balikan, upang hanapin ang minsang nakaulayaw nang kaniyang maisuko ang pagkababae ng hindi namamalayan. Danna-Ann Donasco is a happy-go-lucky...