2 : A

12.5K 392 9
                                    


Martee

TUMULONG ako sa paghahanda sa nalalapit na eleksyon. Naging abala din sila papa para sa paghahanda. Unang gaganapin sa mga malalayong lugar sa probinsya namin ang kampaniya. Nakahanda na rin ang mga tauhan ni papa. Halos sampung vans ang nilabas para magpost ng mga tarps at mag bigay ng mga flyers sa publiko.

Gaganapin sa plaza ang opening ng kampaniya. Lahat ng mga tatakbong opisyal ay kailangang magpakita sa araw na iyon.

Paminsan minsan ay tumutulong sa bahay si Kuya Santi. Siya ang palaging inuutusan ni papa na kumuha ng mga gagamitin, bumili at maghatid ng kung anu ano pa. He seemed not to complain. Minsan ay naabutan ko siyang nakatingin sa akin na para bang tinitignan niya ang bawat galaw ko. Nginingitian ko na lamang siya pabalik.

Halos magtatanghali na ng makita ko siyang pawisan na nag-aabot ng mga boxes sa iba pang tauhan ni papa upang ilagay sa likod ng pick-up. Kumuha ako ng tubig at ibinigay sa kaniya. Baka nauuhaw na siya. Masyado naman kase siyang matulungin.

Napangiti ito.

" Salamat po mahal na prinsesa" He muttered. I am not a prinsess. Pero iyun palagi ang tawag niya sa akin.

Alas tres na ng matapos ang lahat. We also need to rest because tomorrow will be the opening of the election campaign. Everybody will be busy. Ngunig nagtataka lang ako dahil parang hindi busy si Kuya Santi sa unibersidad.

Pinaalam ako ni Kuya Santi kay papa na isasama muna saglit at sumang ayon naman si papa.

Dumaan muna kami sa isang fast food chain. Nagtataka ako kung saan kami pupunta sa ganitong oras. Alas tres na ng hapon. Dapat ay nasa bahay na ako para tumulong sa mga iba pang gagawin.

Lumabas ito saglit at bumalik na may dalang burger at coke float.

Inabot niya sa akin ito. He must be that hungry. Kumain naman kami pero baka gutom parin ito.

Hindi na ako umimik pa at pinagbuksan siya ng isa bago pinasubuan.

" Saglitin lang natin iyung toga ko sa unibersidad." Saad niya. Tumango ako. I also wanted to see his school again. Paminsan minsan lang niya ako isama sa school niya. Tuwing may importanteng okasyon lang.

" Sa makalawa na ang graduation ko ah. Dapat andun ka. Ibibigay ko sa 'yo iyung diploma ko" He said happily.

" Ba't sa akin? Diba dapat sa mga magulang mo?" Tanong ko.

" Sa kanila na iyung medalya ko, pero sa 'yo iyung diploma ko." Untag niya. Naantig ang puso ko. Sometimes, I really feel so special. Kahit wala akong kapatid ay siya na ang naging kuya ko.

" Caring mo naman kuya" I truthfully said and handed him another bite of the food I was holding.

Iniisip ko nga e, will we still be like this after 5 years? Ten years? As years pass by, and so will his priorities be.

Maybe I'll just enjoy the time we have. Dahil hindi ko alam kung hanggang kailan ganito ang sitwasyon namin.

——

Shooting Star (Completed) [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon