14 : G

12.4K 461 31
                                    


Martee

Kaba ang nararamdaman ko ng maglakad ako papunta sa kinaroroonan ni Santi. Napapikit pa ako ng maramdaman ko si Anton sa likod ko. He was panting and catching his breath when he held me by the hand to look at him.

" Martee" Tawag niya sa pangalan ko.

" Ihahatid na kita" Hinihingal niyang untag. I looked at him, pawisan ito at may dalang duffel bag. Mukhang kinuha muna niya iyon bago ako hinabol.

I gazed up Sir Santi and saw him just looking at us. Huminga ako ng malalim bago tumango.

How then will I manage the situation? Mukhang hindi na siya nagulat ng makita niyang nilapitan ko si Sir Santi.

" Uhm Sir Santi-" Hindi ko pa natapos ang sasabihin ko ng magsalita agad si Sir Santi

" Let's go home, Martee." Untag niya bago sumakay sa sasakyan niya. Hindi niya ako binigyan ng pagkakataong tumanggi. Ngumiti ako ng tipid kay Anton.

" Pasensha na, sinusundo ako ni Governor. Baka may gagawin pa kami sa mansion nila" Magalang kong wika kay Anton.

Tumango naman si Anton at napatingin kay Sir Santi na nasa loob na ng sasakyan niya habang hinihintay akong pumasok.

Saglit lang akong nagpaalam bago ako pumasok. Naabutan ko siyang nakaupo at hawak na niya ang manibela ng sasakyan niya. Agad naman niya itong pinaandar at umalis agad kami.

Nakatingin lamang ako sa dinaraanan naming mga bahay nang magsalita siya.

" Kaibigan mo?" Tanong niya. Tipid akong tumango.

" Uhm oo, classmate ko si Anton." Tanging sagot ko. Tumango naman ito.

Huminga ako ng malalim bago naglakas ng loob na magsalita

" Sir, mukhang naaabala ko na po kayo masyado. Okay lang naman po sa akin kahit huwag niyo na po akong sunduhin." Untag ko. He stayed silent for a minute before talking once more. Ngunit hindi ko inaasahan ang kaniyang sasabihin.

" My head hurts sometimes when You are around. I also see you in my dreams. Gabi gabi, Martee. Laging ikaw ang nasa panaginip ko." Lumakas ang tibok ng puso ko ng marinig ko iyon mula sa kaniya. And he seemed serious right now. Very.

" Did we have something in the past, Martee? Because I cannot remember anything. Pero sinusubukan ko." Sunod niyang untag sa akin. I'm still trying to digest what he is saying.

" And it feels like I've known you for so long. Ang gaan ng loob ko sa 'yo. Whenever I see you, I feel happy. And I always long for your presence." He laughed lightly. Na para bang tawang tawa siya sa kaniyang sinabi.

" I'm crazy, right?" He even muttered. Yumuko ako bago siya sinagot.

" Wala po sir Santi. Magkakilala po kase noon ang papa mo at si papa kaya siguro ganon." I said. Dun ko lang napagtanto kung bakit panay ang hatid sundo sa akin ni Sir Santi dahil ganun pala. Ganun pala ang nararamdaman niya.

" Where is your father now?" He asked me.

" Nasa kulungan po Sir" Sagot ko. He looked at me but I looked away.

" My father murdered someone. A very influential person. Kaya siya nasa kulungan ngayon" I told him truthfully. He might not know that his father was killed by my father.

" Pero huwag na nating pag-usapan iyon Sir Santi." Dugtong ko. I smiled a bit. Kahit magbago pa ang paningin niya sa akin dahil isang criminal ang papa ko, I won't be moved by it.

" And that doesn't change my perception on you. It will never. If you have a problem. Don't hesitate to approach me. Please don't treat me as your boss, treat me as a friend" He stated calmly. Tumango lamang ako.

He has a good heart but all I did to him before was to arrow him my anger just because he is my opponent in court. Kahit alam kong kami naman talaga ang nagkasala sa kanila. I have been selfish and I wasn't able to look at his simple sacrifices.

" Salamat po sir" Ang lakas parin ng tibok ng puso ko ng makababa na ako sa kaniyang sasakyan.

Stop, my heart! It is not a very good choice to have feelings for him.

NAABUTAN ko sina manang Sita na naghahanda na ng pagkain dahil may mga bisita raw mamaya. Mabilis kong nilapag ang mga gamit ko sa paaralan bago ako tumulong. Masama ang tingin sa akin ni Manang Sita dahil late akong nakauwi.

" Pinapatawag ka ni Ma'am Kristina sa taas, Martee. Pumunta ka na dun ngayon din" Manang Sita said. Kinakabahan akong tumango at pumunta roon.

Nang makarating ako ay nakita kong prenteng nakaupo si Ma'am Kristina.

" Hinahatid sundo ka raw ng anak ko?" Bungad niyang tanong. Magalang akong tumango.

" Pasensha na po ma'am"

" Simula ngayon, ayokong lumalapit ka at nakikipag-usap sa anak ko. Respetuhin mo ang relasyon niya kay Fey at layuan mo ang anak ko" Seryoso niyang wika sa akin. Napayuko ako sabay tango.

" Makakaasa po kayo ma'am Kristina" Sagot ko.

" And one more thing Martee, I fire maids who doesn't do their job well" Binalaan niya ako. Tumango ako bago magalang na umalis.

——

Shooting Star (Completed) [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon