Martee" Hi, mukhang bago ka rito?" Nasa kusina ako at naghuhugas ng makita ko iyung magandang babae.
" I'm Fey, girlfriend ni Santi" Pakilala niya.
" Uhm sorry madumi ang kamay ko. Pero ako nga pala si Martee" I politely said. Tumawa ito.
" Oo nga pala. By the way, It was nice meeting you." She said before leaving. Mukhang napadaan lang siya sa kusina dahil may kinuha. Pinagpatuloy ko ang paghuhugas nang biglang may nabasag ako. Napapikit ako dahil nasugat pa ako.
Pumunta ang mayordoma, si Manang Sita at pinagalitan ako. Ikakaltas daw niya sa sweldo ko iyung nabasag kong plato. Mukhang mamahalin pa naman. Tumango ako.
Halatang hindi ako sanay. Ibang iba ang buhay ko ngayon sa kinalakihan ko. Pero kailangan kong matuto. Dahil kailangan kong mabuhay.
The plate was worth a thousand. Malungkot akong napayuko ng malaman ko iyung presyo nung plato. That's enough money for my two weeks allowance in school. Pinagpatuloy ko na lamang ang paggagamot sa sugat ko. Masmasakit parin pala iyung naramdaman ko kanina sa aking dibdib kaysa sa totoong sugat.
KINABUKASAN ay naglakad ulit akong pumasok sa school pero hindi gaya ng kahapon, ay medyo hindi masyadong mainit.
Nagulat lamang ako ng may tumigil na sasakyan. It was a black pick up. Tanda ko pa ang pick up dahil iyon iyung pick up ni Santi. Bumaba si Fey at tinawag ako.
" Martee, halika ka na. Sabay ka na sa amin" Tawag niya sa akin.
" Uhm hindi na po. Malapit lang naman na po" Magalang kong untag. Nahihiya ako. Iyung ang nararamdaman ko.
" No it's okay. Come. Dun din kami papunta" She encouraged. Hindi na ako nagdalawang isip na sumakay.
I entered the back seat and closed the car's door properly.
" Okay lang Martee na makisabay ka. Papunta din kami ng Kapitolyo ng Sir Santi mo" She muttered. Tumango ako
" Salamat po" Magalang kong wika.
I looked at both of them. They look good together. Noon, ako iyung nasa harapan. Pero ang bilis pala magbago ng panahon. He was driving quietly. His scent. His presence. Ganon parin pala, parang walang pinagbago.
Tumingin ako sa bintana at tinignan na lamang ang mga punong nadadaanan namin.
BINABA nila ako sa unibersidad at umalis din pagkatapos.
Dumiretso naman ako agad sa classroom para makapagbasa ng kaunti bago magsimula ang klase.
Halos pumikit na ang mga mata ko habang nagtuturo ang instructor namin. Puyat ako kagabi dahil may pinagawa pa ang mayordoma sa akin matapos kong mabasag iyung plato.
Natapos ang klase na parang wala akong naintindihan. Buti nalang at may handout silang binigay. Saka ko nalang babasahin kapag may oras na ako.
Dumiretso agad ako sa bilangguan pagkatapos.
My father is already different physically. Nangayayat na ito. Pati narin ang mama ko. He seemed stressed and sickly.
Tuwing dumadalaw ako. Palagi kong nakikita anv mga luha sa kaniyang mga mata. But I never shed a tear. Kahit papaano ay pilit ko paring pinapatatag ang kalooban ng aking ama.
Bumisita rin ako kay mama pagkatapos. Kinukumusta niya ako pero ang palagi kong sinasabi ay okay ako. Dahil iyun naman ang totoo. I'm still living. May maayos parin naman akong tirahan. Kumakain parin naman ako. I'm surviving.
Medyo tumagal ako sa pagbisita sa kanila kay nadatnan tuloy ako ng malakas na ulan. Naalala ko pala na sinabihan ako ni manang Lupe na may bagyong darating ngayon. Nakalimutan ko ding magdala ng payong.
Ginamit ko nalang ang bag kong pantakip sa ulo habang naghihintay ng masasakyang dyip pero puro punuan na. Masminabuti ko nalang na maglakad pauwi pero may biglaanv tumigil na sasakyan sa harapan ko.
Nagulat ako ng makita kong sasakyan ni Sir Santi iyon.
Pumasok agad ako.
I looked at the front seat and saw no one. Asaan na si Ma'am Fey?
" I have a spare tshirt at the back. You could use it" He said. Tumango ako at hinanap sa likod.
Hindi na ako nahiya pa. Masnakakahiyang nababasa ko iyung upuan niya.
" Maraming salamat po Sir Santi" Pasalamat ko.
He looked at me using his rear mirror as I wipe myself using his shirt. Lalabhan ko nalang 'to ng maayos bago ko ibalik sa kaniya.
Sinundo rin namin si Ma'am Fey. Buti pa siya may dalang payong kaya hindi siya masyadong nabasa.
" Ang lakas ng ulan" She said while getting inside. Dumiretso siyang humalik sa labi ni Sir Santi bago inayos ang pagkaupo. I looked away. Nakaramdam muli ako ng sakit sa aking puso.
She immediately saw me afterwards and acknowledged my presence.
" Martee. Buti nalang nakita ka ni Santi" She added. Tumango ako.
" Wala po kase akong dalang payong. Sa susunod po magdadala na po ako" Iyun lamang ang naging sagot ko.
——
BINABASA MO ANG
Shooting Star (Completed) [R-18]
Short Story"If someday, when you realize that I could somehow be a part of your life , I'll always be your shooting star." Santi X Martee