Prologue

39.8K 516 18
                                    




If someday, when you realize that I could somehow be a part of your life, I'll always be your shooting star.
- Martee

——

Martee

" Aray naman!" Galit akong tumingin kay Kuya Santi dahil pinitik na naman niya iyung ilong ko.

" Mag-aral ka ng mabuti. Makinig ka sa teacher mo. Di porket gagraduate ka na, di ka na makikinig" Untag niya. Minsan iniisip ko kung bakit niya ako palaging pinagsasabihang mag-aral ng mabuti kung iyon naman talaga ang ginagawa ko. Palibhasa college na si kuya Santi. 24 na siya at graduating na din samantalang ako 18 palang at grade 12 pa. Magkaiba kami ng school kaya palagi niya akong hinahatid muna bago siya pumasok. Alam ko namang iyun ang utos ni papa sa kaniya kaya niya iyon ginagawa.

Si Kuya Santi ay anak ng kaibigan ni papa. Gobernador ng lungsod namin ang ama ni Santi kung kayat palaging  pinag-uusapan na siya na daw ang susunod sa yapak ng kaniyang ama.

Well, I can see a good governor in him. Matulungin siya, may malawak na pag-unawa at mapagmahal sa kapwa. Malayo ang mararating niya. At maslalong marami siyang matutulungan.

Palagi rin siyang sumasama sa tuwing malapit ang eleksyon upang tumulong sa pangangampanya sa kaniyang ama kaya naman ay maslalong nakikilala siya ng mga tao.

Ako naman ay sumasama rin minsan para ikampaniya ang papa ko. He's the current vice governor of our province. Mabuti din ang pamamahala ng aking ama bilang bise gobernador. He is also loved by the public. Lalo na't marami rin siyang natutulungang mga tao.

But I know that politics is never clean. Madumi ang pulitika. Maaga akong namulat sa larong pulitika.

" Kailan ang graduation mo?" Tanong sa akin ni Kuya Santi.

" Sa susunod na linggo, bakit?" Inaayos ko ang pagkatali ng aking buhok dahil malapit na kaming makarating sa school.

" Kailan iyun?" Tanong niyang muli.

" Sa huwebes."

" Hahabol ako." Tanging sagot naman niya

" Huwag na. Maaabala ka pa. Diba grand opening iyon ng bago mong shop?" Usisa ko. At an early age, he already established good business ventures. Mahilig siya sa mga sasakyan kaya naman ay meron na siyang halos tatlong car shops at mga resort dito sa amin.

" Anong oras ulit?" He insisted.

" Alas otso ng umaga. Diba nga sabi ko kahit huwag ka ng dumalo. Saka ka nalang humabol sa kainan sa amin" Untag ko naman sa kaniya.

" Di ako puwedeng mawala sa graduation mo. Palagi kitang hinatatid sa school at binabantayan tapos wala ako sa graduation mo. Di puwede iyun no." He exaggeratedly said.

" Tignan mo 'to ang OA mo. And so what naman kung ganon." I told him.

Tumingin ito sa akin.

" Ah basta dadalo ako." Nang makarating kami ay nila as nito ang wallet niya. He handed me money.

" Pandagdag baon mo. Eat healthy foods. Avoid junk foods." Paalala niya. Sinimangutan ko ito.

" Oo na ikaw na ang studyante na may sariling pera pero ayokong kunin iyang pera mo. Pinaghirapan mo iyan. Idagdag mo nalang sa savings mo. May baon pa naman ako." He knows that I am only being given 100 pesos for my baon. Masyadong mahigpit si mama sa pera. Wala rin lang kaming naiipon dahil nilulustay niya ito sa casino.

" Baka wala ngang binibigay pa si mama ko sa 'yo na pampagas mo dito sa sasakyan mo eh. Dibale sabihan ko si papa para siya nalang ang -" Naputol sa ere ang sasabihin ko sana ng magsalita ito.

" I am not being mandated by your dad to do this. It is my choice." He breathed in. Nalilito akong tumingin sa kaniya.

" Di ka inutusan ni papa? E bakit mo ako hinahatid-sundo palagi?" I asked him.

" Inutusan ako ng papa mo nung unang beses kitang sinundo dahil busy ito pero iyung mga sumunod na ay hindi. I thought it would be better if I bring you and fetch you from school. Malapit lang naman ang paaralan mo sa akin." He rationalized.

Oo nga naman. May point naman siya.

" Thank you. Salamat sa paghahatid-sundo sa akin ng halos dalawang taon. Dibale, malapit na akong magtapos ng highschool." I smiled at him genuinely.

He also smiled back.

" Walang anuman po, mahal na prinsesa" He said.

~📖~

This has been written with some explicit scenes, written nudity and vulgar words inorder to justify the roles of the characters. This is for mature readers, I guarantee you that some chapters contain amatory scenes. You know what I'm pertaining to, nevertheless I've warned you.

For whatever reasons, please be guided that the things written will stay only in your imagination. Never attempt to try on doing such when you know it's not yet appropriate.

This story hasn't been based on real life scenarios. Any names, characters, places and incidents here are just products of the author's imagination. Any resemblance to actual events or locales, persons living or dead is entirely coincidental.

In addition, I don't own any images supporting the story. Credits to the owner.

Shooting Star (Completed) [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon