13 : A

12.5K 480 49
                                    



Martee

I am not used to household chores but that doesn't mean I cannot learn how to do it.

Mabilis na lumipas ang mga araw, hanggang sa natuto narin ako sa mga gawaing bahay. Hindi narin ako nakakabasag ng hugasin. Ang saya ko habang iniisip ang mga simpleng bagay na iyon. I've learned how to be a maid, in all its sense.

I also learned how to manage my time and efforts. Minsan iniisip ko kung paano ko nga ba napagsasabay ang lahat. I study in the morning and work in the afternoon.

Napansin ko rin ang madalas na paghatid sundo sa akin ni Sir Santi. He also knows my schedule already. And I'm being concerned with it because he is making it a habit. Paminsan minsan ay hinihintay na niya ako sa labas ng unibersidad.

" Huwag na po Sir Santi. Okay lang po sa akin na lakarin ko na papuntang unibersidad." Magalang kong wika ng makita ko na naman siyang naghihintay sa akin. He's even outside his car waiting for me. Nagtataka pa ang mga estudyante dahil nandito ang gobernador.

His eyes seemed relaxed as he waited for me. Parang hindi rin siya masyadong pagod ngayong araw.

" Mapapagod ka sa paglalakad niyan." He muttered. I looked at his eyes and saw him in it. Guni guni ko lang siguro iyon. He doesn't remember me. Imposibleng makita ko iyon sa kaniyang mga mata. I'm over thinking.

Nagtaka ako dahil sa pagkakataong ito ay wala si Ma'am Fey. She must be busy.

Tahimik kami buong biyahe. He did not speak a word also.

Bukas ay aagahan ko para hindi makasabay sa kanila ni ma'am Fey. Untag ko sa aking sarili.

" Maraming salamat po Sir" Pasasalamat ko.

" Call me Santi." His baritone voice made me realize that he still has the same effect on my system.

Tumango ako bago bumaba ng sasakyan niya.

Naabutan kong naghihiwa ng lulutuin sina manang Sita kaya masminabuti ko nalamang na tumulong.

Napapikit ako ng sa gitna ng pahihiwa ay nasugat ang daliri ko.

Dumugo ito kaya agad akong lumapit sa sink upang hugasan ito.

I was busy washing my wound when I felt his presence beside me. Agad ko sanang itatago ang nasugat kong daliri nang mahawakan na niya ito. He looked at it meticulously. Medyo malalim ang hiwa ng sugat ko kaya dirediretso parin ang pagdugo nito.

" Manang Sita pakikuha po iyung medication kit sa taas" Untag niya kay Manang Sita.

" Uhm Sir-" I tried to stop him.

" Hindi na kailangan pang gamutin pa" Hindi niya ako pinakinggan. I tried to sit down on the nearest chair at ganon din ang ginawa niya. Tumingin ako sa dalawa pang katulong na kasama namin at naabutan silang nakatingin sa amin. Dumating si Manang Sita dala dala ang med kit. He looked serious while tending on the cut on my finger. Concern was evident in his eyes. He patiently and carefully disinfected the would before covering it with a band aid.

Pagkatapos ay tumingin ito kay Manang Sita.

" Huwag niyo po sanang paggamitin si Martee ng kutsilyo" Untag niya bago muling tumingin sa akin.

Nahihiya akong tumingin kay manang Sita. Tumango ito.

" Makakaasa po kayo Señorito" Magalang niyang wika kay Sir Santi na nakatuon ang mga mata sa akin.

Tumingin pang muli ito sa iba naming mga kasama bago ito tumayo at umalis na.

Nang makaalis siya ay parang dun lang ako nakahinga ng maayos. Lumapit agad sa akin ang dalawa ko pang kasama.

" Ngayon lang ginawa iyon ni Sir Santi. Ngayon din lang siya naparito sa kusina." Untag nung isa naming kasama. I sighed. Tsamba lang siguro na naparito ang gobernador.

Nagpatuloy ang paghiwa nila. Ako naman ay tumulong sa pagaayos ng mga pinaghiwaan nila. Para tuloy akong may special privilege kung tituusin. Nahihiya ako dahil sa nangyari. Ano ba iyan Martee, ni paggamit mo ng kutsilyo palpak ka pa. Wika ko sa aking sarili.

KINABUKASAN ay maaga akong gumising upang gawin ang mga nakatalagang trabaho para sa akin para maaga narin akong pumasok sa unibersidad. Sinadya kong agahan dahil plano kong huwag ng sumabay kila Sir Santi. Ayoko naring makaabala pa sa kaniya.

" Martee, tara magsnack tayo sa canteen. Libre ko" Aya sa akin ni Anton, kaklase ko. Mabait si Anton. Siya ang star player ng basketball team sa school namin kaya sikat siya lalo na sa mga kababaihan.

" Uhm sige tapusin ko lang 'tong ginagawa ko" Magalang kong wika sa kaniya.

" Hintayin kita sa labas ah" Saad niya. Tumango ako at ngumiti.

Agad namang lumapit sa akin ni Cheena, kaklase ko.

" Uy swerte mo naman. Mukhang type ka ni Anton ah." Saad niya. Umiling ako.

" Hindi no. Mabait lang talaga iyung tao." I defended.

" Asus" Ngiting baling niya sa akin.

Sumama na rin si Cheena sa amin sa canteen dahil may bibilhin din daw siya. Nanlibre si Anton. Iniisip ko rin na baka nga totoo ang sinasabi sa akin ni Cheena. Madalas nagtetext din si Anton sa akin, nangungumusta.

Pagkatapos ng klase ay dumadaan din kami sa basketball court upang panoorin siya. Sometimes, it is also my way of forgetting the things I left at home.

Nag-abot ako ng tubig sa kaniya pagkatapos ng praktis niya ng lumapit siya sa akin. Pinagpapawisan pa ito pero parang di parin nababawasan ang kisig niya.

I looked at the time and cursed silently.

I'm late. Dali dali kong kinuha ang bag ko at mabilis na nagpaalam sa kanilang dalawa.

" Alis na ako. Late na ako sa trabaho ko. Pasensha na" Literal na tinakbo ko paalis ng gym. Mapapagalitan ako nito ni Manang Sita.

Nasa bukana na ako ng universidad ng lumaki ang mga ko dahil nakita ko ang sasakyan ni Sir Santi na nakaparada sa labas ng gate.

He was leaning on his car's door with his arms crossed while waiting for somebody.

Mabilis akong nagtago. Napapamura na lamang ako sa aking isipan habang nakatingin sa relo ko.

5:30 na. Alas kuwatro ang dismissal ko. Ibig sabihin nun baka isa't kalahating oras na siya naghihintay sa akin.

——

Shooting Star (Completed) [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon