Martee" Ladies and gentlemen, may we welcome, Governor Santi Villamor together with his wife, Mrs. Martee Villamor!" The MC announced as Santi held my hand while we walked infront.
Unti unting bumabalik sa akin ang mga nangyari noon. Before, I was just silently sitting at the back of the stage supporting my father with Santi beside me. Now, I am here supporting him as my husband running for the position I expected him to have.
His speech has always been right and very practical. Walang halong kasinungalingan. That is why the public loves him.
Sumunod namang pinakilala ni Santi si papa. Nung una ay medyo natahimik ang mga tao ngunit magaling manghikayat si Santi. He made everything seemed like there's no problem at all. He reasoned out pretty well. He cleared my father's name on the spot and they believed him. That's how they trust him. Nagawa niyang ipakulong ang sarili niyang ina. And he did it without any doubt at all.
All in the name of what?
Huminga ako ng malalim habang pinapakinggan ko si papa na nagsasalita. He had been emotional as he had spoken in front. And I can feel the sincerity of everything that he said.
As I looked at the two important men in my life, I have realized that this is not something I should take for granted. Santi intertwined our fingers.
" Are you okay?" He asked me. Tumango ako.
I am okay. I should be okay.
Am I really okay? My father will win. I am sure of that. But everything comes with a price.
I looked at the people who were hopeful of good governance. They looked at Santi as someone who possesses good character. Almost a perfect governor.
Meanwhile, I modeled what a good wife should be. Pero hindi ko maitatanggi ang katotohanang hindi ito ang gusto ko.
NAGHANDA ng salu salo ang buong campaign team nila Santi. Sa City hall ang venue at kailangan naming dumalo. I've met a lot of people. Nakakapagod ding ngumiti pero habang nakikita ko ang sakripisyong ginagawa ni Santi ay tila ba nawawala ang pagod ko. Mabait ito sa kanila. Mahaba rin ang kaniyang pasensha sa pakikinig sa madaming hinanaing ng mga tao. How can he even manage to do all of it. I could have given up if I am in his shoes.
I have also known that he supports a lot of students. Dun pumupunta pati narin ang kaniyang sweldo. May mga natulungan din siyang mga may sakit. He provided them monetary support for their surgeries and medication regimen. It's the governor. The man who serves the people.
The man who caged me in his arms.
The man who wouldn't let me go.
The man who loves me unconditionally.
" Sabi ko na nga ba kayo din lang ni Governor Santi ang magkakatuluyan." Wika nung isang matandang babae na nakipagkamayan sa akin. Ngumiti ako pabalik.
" Matagal ko ng napapansin ang pagtingin sa 'yo ng gobernador. Noon pa man palagi ka niyang tinititigan" Si lola na etchosera. But she cannot lie. Kahit pa sa pagkakataong ito, tila ba nakapako parin sa akin ang mga mata ni Santi. He may be talking to different people but he his gaze always finds mine.
" Misis ko ho. Si Martee Villamor" Pakilala sa akin ni Santi sa lalaking kaharap niya. I felt his arm on my waist as he guided me in front of the man he was talking with. Mukhang isang pulis. Pulis na mataas ang rangko.
Ngumiti ako at nakipagkamayan sa kaniya.
" Kaya pala nasisiyahan si Santi na maglingkod sa bayan." He joked. Napangiti si Santi bago niya ako nginitian pabalik.
" Dun lang ako kila mama" Paalam ko sa kaniya. Tumango ito. Nagpaalam din ako sa pulis na kaharap namin.
" Don't go too far" He whispered before I left him to talk with the police officer
They serve liquor. I saw my mom talking with some women. Mga asawa siguro ng mga pulitiko. Lumapit ako sa kaniya at pinakilala niya ako. At a short period of time, she gained friends. For politica purposes. Alam ko naman e. She used to do it anyways.
May waiter na lumapit sa amin at nagserve ng alak. I took one glass and drank it.
Ang pangit ng lasa. But the burning sensation made me crave for more. I took another and drank it once more.
Pakiramdam ko tuloy, habang tumatagal lalong sumasarap iyung alak.
And I somehow felt like I'm becoming talkative already.
Ilang saglit pa ay naramdaman ko si Santi na lumapit sa akin.
" Let's go home" I just heard him whispered. And nodded exaggeratedly.
" Aye aye Captain" I whispered. I should have shouted to assert my point but I didn't. Para akong napagod magsalita.
MABUTI nalang at maayos naman akong maglakad and I am still aware of my surrounding. Nahihilo lang ako ng konti.
Pinaupo ako si Santi sa may paanan ng kama bago lumuhod sa harapan ko. Dahan dahan niyang tinanggal ang aking sapatos habang ako naman ay napahawak sa kaniyang baba. His eyes are deep black. Almost similar to the color of darkness.
I smiled faintly.
" Alam mo ba kung anong nakikita ko?" Bulong ko.
He did not say a word.
" I see a man capable of changing other people's lives. I see a strong man. A compassionate public servant" I wiped my tears as it fell.
" But my heart sees a different person. I am proud of you. I am truly. Nevertheless, serving the people because you care for them is different from caging me because you love me" I whispered.
Napayuko ako dahil tuluyan na akong umiyak sa harapan.
I never intended to cry this much. Ngayon lang.
" You're loving me too much that it makes me hard to breathe" I cried. Napayuko ito.
Lumapit ito sa akin bago niya sinubsob ang kaniyang ulo sa tiyan ko habang yakap yakap niya ako.
" I need you to loosen your hold of me. Hayaan mo naman akong gawin ang gusto ko." Untag ko sa kaniya.
" What do you want then?" He whispered back.
Tumingin ako sa kaniyang mga mata. He knows what I want.
Umiling ito.
Napapikit ako ng maramdaman ko kung paano humigpit ang yakap niya sa akin.
——
BINABASA MO ANG
Shooting Star (Completed) [R-18]
Short Story"If someday, when you realize that I could somehow be a part of your life , I'll always be your shooting star." Santi X Martee