11 : T

11.8K 442 23
                                    


Martee

Pinagsabay ko ang pag-aaral at pagtatrabaho bilang katulong sa mansyon ng mga Villamor.

Pangalawang araw ko palang ng sa unang pagkakataon ay nakita ko si Santi. He became more mature. And more good looking. I smiled wide when I saw him approach us. He saw me but did not remember me at all. Oo nga pala.

Napayuko na lamang ako. Iyan naman ang gusto mo diba Martee? Oh ayan na nga, limot ka na niya. Di ka na rin niya papansinin.

Nalungkot ako. Ganito siguro ang naging pakiramdam niya nung mga buwan na hindi ko siya pinansin at kinausap.

" Magandang gabi po Sir Santi" I still greeted him with a smile.

" Magandang gabi din sa 'yo" He replied. Ang galang ng pagkabigkas niya ng mga salitang iyon. Sa likod niya ay isang napakagandang babae. Ang puti at ang kinis niya. May kulay ang buhok at maganda ang hugis ng katawan. Maganda din ang ngiti. Masmatangkad siya sa akin tapos nakaheels pa kaya maslalo itong tumangkad.

" Magandang umaga po ma'am" Bati ko din habang nakangiti sa magandang binibini.

Kaya pala nagpahanda si ma'am Kristina ng maraming putahe.

Napako ang mga mata ko sa babaeng kasama niya. Girlfriend na kaya niya ito? Bagay sila. Mukhang magkasing edad din sila. Masmatanda lang siguro ng ilang taon si Sir Santi.

Napahawak ako sa aking dibdib. Sa unang pagkakataon, My heart ached tremendously. And sakit din pala sa puso. Yumuko ako at tinungo ang kusina para tumulong sa paghahanda ng pagkain nila.

Dibale na Martee, he's happy. Nakikita ko sa mga mata niya na masaya siya.

Tumulong ako sa pagserve ng mga pagkain habang tinitingnan si Sir Santi. They were happily laughing. Tatlo lang silang nasa hapag pero ramdam ko na espesyal ang gabing ito para sa kanila.

" What's the celebration for? Kayo ha. Biglaan ang tawag niyo ng early dinner" Nakangiting tanong ni Ma'am Kristina.

Ngumiti ang babae.

" Kami na po ni Santi, Tita" Masayang balita ng magandang babae. Mahigpit na napahawak ako sa aking suot na uniporme.

Santi lovingly looked at the beautiful lady as he confirmed it.

I am looking at him right now, loving her and proclaiming his love to her. Noon kase nasanay ako na ako lang. Ako lang ang babae sa buhay niya bukod sa kaniyang mama. Pero nalulungkot ang puso ko sa nakikita ko kahit na dapat akong maging masaya para sa kaniya.

They celebrated happily. Paminsan minsan ay bumabaling si Santi sa magandang babae.

I should be happy for him. Nakikitaan ko din namang may magandang puso din iyung babae.

I left the dining place and walked outside.

Hawak hawak ko parin ang dibdib ko nang maglakad ako palabas. I leaned at the wall as I held on to my chest. Bakit ba ito masakit? I tapped my chest to let the pain go away but it just won't. Tigil na puso ko. Masakit na.

I gazed upon the stars. Mga bituwing tahimik na nagniningning sa kalangitan. They seemed not to see my pain because they still shine and twinkle happily.

But it's okay. I'm okay with it. This pain will soon go away.

Bukas ay bibisitahin ko sila papa. I will also bring foods for them. I still have enough money to buy them something. Sasabihin ko narin sa kanila na nagtatrabaho ako sa puder ng mga Villamor. They will surely make me stop working but I will not. Ito lang ang available na trabaho sa akin.

Someday, Martee. Someday. Malalampasan ko din ang mga pag-subok. Habang kaya ko pa.

With unshed tears, I gazed upon the sky and saw a shooting star. I closed my eyes and had a wish.

——

Shooting Star (Completed) [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon