MarteeIsang malakas na sampal ang ginawad sa akin ni Ma'am Kristina ng malaman niya ang nangyari.
" How dare you! Hindi ka na nahiya sa akin. Binihisan kita. Pinakain at sinuweldohan para ano? Para landiin ang anak ko. Ang kapal naman ng mukha mo! My son and his girlfriend broke up because of you. Kung alam ko lang sana na mangyayari iyon, hindi na kita tinanggap pa sa pamamahay ko." The slap she made was so painful.
" Ma'am patawarin niyo-"
" Tumawag sa akin si Fey at umiiyak. Nakipaghiwalay daw si Santi sa kaniya kagabi. Tapos malalaman ko sa katulong na pinatulog ka ni Santi sa guest room dahil nagkasakit ka?" Puno ng galit na wika sa akin ni Ma'am Kristina.
" Ano sa tingin mo? Sa tingin mo malalandi mo ang anak ko. Pareho kayo ng nanay mong pokpok!" She muttered in anger.
" Mawalang galang na po ma'am pero huwag niyo ho sanang idamay pa ang mama ko" Wika ko.
" You pack your things and leave! You're fired!" She almost shouted. Alam kong nagpipigil lang siya. Banayad akong tumango.
" Huwag mong sirahin ang pangalan namin gaya ng ginawa ng ama mo. Lubayan mo ang anak ko." She warned me. Mabilis na akong pumasok sa po maids' quarter upang magempake na at umalis. I haven't shed a tear. Nilakasan ko ang loob ko at inayos na nilagay ang mga gamit ko sa loob ng maleta ko para makaalis na bago pa mag-alas kuwatro ng hapon. It seemed that It will rain again. Medyo masama ang panahon ngayon dahil makulimlim.
Masakit ang loob kong umalis ng mansion. Mabigat sa pakiramdam na magpaalam kay Manang Sita pero ginawa ko parin.
" Mag-ingat ka Martee. Pasenshahan mo na si Ma'am Kristina" Hinging patawad niya. Tumango ako.
" Okay lang po Manang Sita. Balak ko din naman pong magpaalam narin kay Ma'am Kristina" Wika ko. Niyakap niya ako bago ako tuluyang umalis na ng mansion. Nagpaalam din ako kay Manong Henry ng makita ko siya sa labas ng mansion.
Medyo umaambon na ng maglakad ako upang maghintay ng dyip. Buti nalang at may dumaan kaya nakasakay agad ako.
Napatingin ako sa mansion sa huling pagkakataon bago ako sumakay na sa dyip.
If this is how everything ends, then I'd gladly accept it. Maybe this is how it ends. Baka nga hanggang dito nalang talaga. I hope he would live happily. Wala na akong ibang pangarap para sa kaniya kundi ang maging masaya siya.
He broke up with Ma'am Fey, iyun ang sinabi ni Ma'am Kristina. I closed my eyes as I remembered his eyes. Can he somehow remember me?
" Manong para po" Untag ko sa tsuper.
Bumuhos ang malakas na ulan pagkababa ko kaya tinakbo ko na papunta sa bahay.
The house seemed so empty and sad. It made me realize that I am living alone. With only 5 thousand left in my purse, I looked at the empty house. Walang kurtenye, walang tubig dahil matagal ng naputulan.
Napaupo na lamang ako habang tinignan ang madilim na paligid ng bahay.
Do not cry Martee. Kaya mo iyan. It's just darkness. It's not the end of it.
Nag-ayos na ako ng mga kagamitan ko. Pinunasan ko na din iyung lalagyan ng damitan ko at inayos na ilagay iyung nga damit ko. Nagwalis din ako at nagpunas ng mga aparador.
Halos alas sais na ng gabi ng matapos akong magwalis. Balak kong bumili muna ng kandila at mga delata para mamaya pero mukhang hindi na ata titila ang malakas na ulan.
The rain is so heavy and it doesn't stop. Mukhang mahihirapan din akong lumabas kapag ipipilit ko pa.
Nagkumot nalang ako at pansamantalang umupo sa may upuan habang hinihintay na tumila ang ulan at ipinikit ang aking mga mata.
Nagulat na lamang ako ng makarinig ako ng malakas na kalampag sa pintuan ko. Ang lakas ng pagkatok ng pintuan ko kaya nagising ako.
" Sino po iyan?!" Untag ko. Sinadya kong silipin sa bintana kung sino ang nasa labas. Nagulat na lamang ako ng makita ko si Sir Santi sa labas ng pintuan.
" Martee! Alam kong nasa loob ka. Open the door. Papasok ako!" Sigaw niya. My eyes widened at his voice. Parang iba ang boses niya ngayon. Hindi kagaya noon na malumanay parin kahit alam kong galit ito.
" Sir Santi. Okay lang po ako. Umuwi na po kayo" Untag ko na lamang.
" Damn it! Bubuksan mo o sisirahin ko!" Galit niyang saad. He is dripping wet. Wala pa itong dalang payong manlang. Napapikit ako habang nasa harapan ng pintuan.
" Please Martee. Open the door" He muttered.
Unti unti kong binuksan ang pintuan at hinayaan siyang pumasok.
Agad niya akong niyakap ng mahigpit kahit alam niyang basang basa siya. He is still on his working attire. Halatang kagagaling lang niya sa kapitolyo. His hair is also messy. He looked so stress.
" Bakit po kayo nandito Sir?" Malakas ang loob kong tanong sa kaniya.
" Your days of lying and hiding everything from me is going to end now, Martee." He whispered. Agad na lumaki ang mga mata pagkasabi niyang iyon.
" You cannot fool me anymore. And no one's going to fool me anymore" He whispered once more.
——
BINABASA MO ANG
Shooting Star (Completed) [R-18]
Short Story"If someday, when you realize that I could somehow be a part of your life , I'll always be your shooting star." Santi X Martee