15 : O

13.3K 568 118
                                    


Martee

Tumulong ako sa pagserve ng mga pagkain sa hapag. Mukhang may espesyal na salu-salo na naman. I actually don't know the occasion, ang alam ko lang ay espesyal ang araw na 'to. High ranking officials gathered infront of the table.

I served the foods. Mukhang pinapahirapan ako ni Manang Sita dahil ako nalang palagi ang pinapagserve niya ng mga pagkain.

I made sure I won't do something again. Ayoko ring makabasag ng kahit ano dahil mahal kung ibabawas nila sa sweldo ko.

Sobra akong napagod dahil ako din ang pinaghigas nila ng pinagkainan ng mga bisita. Halos hindi ko na nakita si Sir Santi pagkatapos ng kainan sa hapag dahil sa dami ng bisita.

I finished washing the dishes at 11 in the evening. Medyo late na akong natapos maghugas dahil ang dami ng pinahugas nila sa akin. Mukhang pati iyung mga malinis naman ay pinahugas din nila sa akin. I did not complain. I just did my job well amd made sure I won't break anything.

Nasugat muli ako sa kutsilyong hinugasan ko pero gaya ng nakaraang mga araw, hindi ko na iyon ininda.

Naglagay ako ng band aid sa dalawang daliri na nasugat habang nakatingin sa kalangitan.

May bulalakaw na naman.

I closed my eyes and made a wish.

"If someday, when you realize that I could somehow be a part of your life, I'll always be your shooting star." I whispered in the air.

Tanaw ko ang playground sa kinatatayuan ko at kitang kita ko sina Sir Santi at ma'am Fey na nagtatawanan kasama ang iba nilang mga kasama. Naalala ko pang kaibigan ni Sir Santi iyung iba dun. They seemed so happy.

Tipid akong napangiti. I'm happy that he is happy.

I held on to my chest. I can feel that piercing pain deep inside. I can no longer bear the pain I am feeling.

I'll be finishing this semester and maybe I'll talk to Ma'am Kristina. Hahanap nalang siguro ako ng ibang trabaho. Kahit ano na basta marangal na trabaho.

Sampung araw nalang Martee. You can survive ten days. Sulitin mo na rin dahil baka iyon na ang huling beses na makita mo siya. Untag ko sa aking sarili.

" Martee" Nagulat ako ng makita ko kung sino ang nagtawag sa akin.

It was Ryan, kaibigan ni Santi nung college. And he knows me. Siya iyung pumunta ng America after ng graduation nila.

" Nagtatrabaho ka dito? Katulong? Pumayag si Santi? Fuck pumayag si Santi?" Parang nagulat siya dahil nakauniporme ako ng katulong.

" Hindi kita napansin kanina. I came late that's why. You did not tell Santi? Alam mo naman siguro na naaksidente siya kaya hindi siya makaalala diba?" He looked devastated seeing me. Tumango ako. That's not a problem. Ginusto ko din naman.

" Then you should have told him." He stated. Parang ang laking issue para sa kaniya.

" Hindi na kailangan pa Ryan." I told him lowly.

" You don't know anything don't you?" Seryoso ang boses niya.

Umiling ako.

" You change your clothes and come with me. You don't deserve that outfit. They have the fucking guts to do that to you because they know that Santi doesn't remember anything. If only I've known earlier that you are here. I'd be able to do what's right. Ikaw, may bibig at dila ka naman pero pinili mong tumahimik." Panenermon niya sa akin.

Umiling ako.

" Fuck Martee, time will tell. Hindi habambuhay makakalimot si Santi. He will remember you whether you like it or not and he will remember everything. He will find you. Kahit saang sulok ka ng mundo magtago. He will find you and he will keep you" He muttered. My forehead creased at what he said.

" Don't give me that shock look. Alam kong alam mo ang sinasabi ko dahil ikaw ang dahilan ng pagkaaksidente niya. He drove his car under the influence of alcohol. Nagpakalunod siya sa alak dahil sa 'yo" He accused me.

Bakit parang kasalanan ko?

" I am madly in love with, Martee. Tagos hanggang buto."

My eyes widened

"Iyan mismo ang sinabi niya sa akin nung gabi bago siya maasidente." He said.

" Kaya magpalit ka na. Kung walang magsasalita, ako ang gagawa. I can't believe everything" He muttered before leaving.

——

Shooting Star (Completed) [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon