A/n:
Sorry pala kung putol putol. Masyadong mahaba eh HAHA ok.
Hi kay Ryka :-)
-------------------------------------------------------------------
CHELLO
Kingina ano ba pinagsasabi netong mga 'to? Jejemon? Dudong? Ano yon? Alien din ba sila? Leche!!
"Ano yung dudong?" Tanong ko sa kanilang dalawa. "Bat ang dami mong di alam?" Tanong ni ate Cleo. Tumawa naman si V. "Inosente daw siya ate." Sabi niya. Inirapan ko lang siya.
Eh totoo naman kasing inosente ako. Ano ba problema nila don?
"Nakakaasar kayo ah!" Sabi ko sakanilang dalawa. "Wala kaming ginagawa sayo!" Sabi ni ate Cleo. Napairap nalang ako at napatingin sa relo ko.
"POTA VYN! LATE NA TAYO!!" Sigaw ko kay V. Lumaki ang mata niya at tumakbo na kami palabas. Di na kami nakapagpaalam kay ate Cleo kasi late na talaga kami.
Bat hindi namin napansin yung oras?! Leche naman oh!
Hingal na hingal kami nung pag akyat namin sa 4th floor. Pagtingin namin sa may classroom, wala pa yung teacher. Napatakbo kami papasok at agad na umupo sa upuan namin. Alangan namang sa sahig kami maupo diba?!
Pagkaupo ko, napansin ko yung katabi ko. Nakatingin siya sakin habang naka-kunot ang noo. "What?" Inis na sabi ko dahil wala ako sa mood sa sobrang pagod. Jusko buhay.
"What happens you?" Tanong niya. Kinginang english yan. "Nothing." Sagot ko nalang sabay dukdok sa desk ko. "Kaapelyido mo yung school natin." Sabi niya sakin. Di ko nalang siya pinansin. Pota di pa ba halata na anak ako ng may ari ng school na 'to? -_-
Maya maya, nag ring na ang bell. Pota walang teacher na dumating.
Sayang effort namin.
Nabalewala lang. Kingina Chello, tama na pagdodouble meaning ha? Naaalala mo nanaman siya eh.
Ilang minuto pa ay dumating na ang teacher namin para sa last period namin ngayong umaga.
Pagpasok niya, halos malaglag ang panga naming lahat.
Woah ang ganda niya! Morena siya, mahaba ang legs, tas ang sexy. Kingina natotomboy ata ako.
"Good morning IV-Ecstatic." Bati niya samin sabay ngiti. Sabay sabay kaming tumayo at bumati sakanya ng "Good morning, Ma'am."
"Pwede na kayong maupo." Sabi niya sabay ngiti ulit.
Grabe talaga ang ganda niya. Pero parang pamilyar siya saakin.
Nakatitig lang ako sakanya tapos nagulat ako nung tumingin siya saakin at ngumiti tas kinawayan pa ako.
Huh? Kilala niya ako?
"Okay class. My name is Fhaye Martinez. I'll be your English teacher for the whole school year." Sabi niya. Fhaye Martinez? KILALA KO SIYA.
SIYA NA BA YAN? BAT ANG GANDA NA NIYA SHT SHT
"Hi L!" Bati niya saakin.
Isa lang ang kilala kong tumatawag saakin non.
"Ate Aye?!"

BINABASA MO ANG
Jeje Stalker
NonfiksiTrip lang. HAHAHA trip ko 'to. Sakyan niyo nalang ako emeghed. Jeep ako guys seryoso hehee #TaongMais HAHAHA Patrishia nga pala, pinaka-dyosa sa lahat ng dyosa. typo queen slash jeje queen. wag kayo magalit sa mga jejemon, at least kami loyal kasi i...