#ChAptErtWenTyTwo

24 2 2
                                        

A/n:

Hey wassup hello? Charingg HAHAHA lam niyo yung tinatamad dahil sa panahon? ako yon eeh :( HUHU kasarap matulog pero mas masarap ka naman shempre ;) CHARING HAHAHAHAHAHA

Namiss ko naman persborn ngay hayzz mag ingay ulit kayo plz lapit na birthday ni pepeyt pero mia pa din ang lahat sadlyf

HAPPY BIRTHDAY VICTORYA SOPHIA MENDOZA TOLENTINO HAHAHAHA SALAMAT SA LIBRE HUHU
-

KIKOYOTO

Andito na kami ngayon sa mall at hila hila ko si Chello. Kapal ng mukha ko eeh noh? Ako tong ililibre pero kung makahila ako e wagas. HAHAHAHAHA happiness amp. "Saan mo ba ako ililibre?" Sarcastic na tanong ni Chello saakin. Omaghad. Amazing. "Ayy sorry. Nadala lang ako." Sabi ko sabay ngiting aso. Inirapan niya lang ako at siya na ang unang naglakad. Aba lahat nalang ba iniiwan ako? Jokeee yoko na pag usapan ang nakaraan ;)

Pero shempre ikukwento ko pa din. Bigla ko nalang naalala yung ginawa ko noon. Nagpaasa kasi ako ng babae, pero ang tanga ko lang kasi kung kelan ko pinakawalan, tsaka ko nalaman ang totoo kong nararamdaman. Shempre masakit para saakin na magpanggap na masaya kasi hindi naman talaga. Di ko nga alam kung ano gagawin ko kapag nagkaharap kami eh. Siguro magsosorry ako, at aaminin ko sakanya ang totoo noon.

Hindi ko alam kung may nararamdaman pa ako para sakanya hanggang ngayon. Kasi balita ko wala na siya dito sa bansa eh. Ang alam ko, pagkatapos ng pangyayaring yon, pumunta na sila sa London.

"Tangina Kikoyoto!" Rinig kong sigaw ni Chello. Napalingon ako sakanya at pagtingin ko ay nakapamewang na siya don sa harapan ng isang store. "Sorry na, Chello!" Sigaw ko pabalik sabay takbo palapit sakanya. "Ano ba kasi iniisip mo?" Tanong niya. Bigla naman akong napatigil. "Ay huwag mo ng sagutin. Iiyak ka na eh." Pahabol niya sabay ngiti ng tipid.

Hindi naman sa iiyak. Siguro di lang ako sanay na mag-open sa iba, lalo na kay Chello na nito ko lang nakaclose.

Sinundan ko nalang siya at nakita kong namimili siya ng mga damit para saakin. Para san kaya to? Bat niya ako binibilan ng mga damit? "Ano mas maganda? White or black?" Tanong niya sabay taas ng dalawang polo. Napakamot ako sa batok ko at naghanap ng ibang kulay. "Eto nalang." Sabi ko sabay taas ng isang polo. "Violet? Really?" Sabi niya na parang nasusuka.

Ano masama sa bobolet? E favorite color ko nga ito eh. "Ano problema dito?" Tanong ko sakanya. Inirapan niya ako sabay sabing, "Ako ang manlilibre kaya ako bahala kung anong ibibili ko sayo." Tumango nalang ako dahil siya ang boss ko.

Nagtingin tingin pa ako sa paligid at nagulantang sa presyo ng mga damit dito. Grabe, gawa ba sa ginto ito at ang mahal? Buti pa to nagmamahal. Ay jk. Ang bading naman ng mga hugot mo Kikoyoto.

Nakakadissapoint lang hays. "Tara na." Sabi ni Chello sabay hila saakin. "Magkano lahat yan?" Tanong ko. "Bakit babayaran mo?" Tanong niya sabay taas ng isang kilay. "Hala nagtanong lang eh." Sagot ko naman. Nagbelat lang siya saakin at nauna ng naglakad.

Pero ano nga gagawin ko kapag nagkita na kami? Aamin ba ako? Pero pano kapag may iba na pala siya? Pano kapag huli na pala ako? May mapapala pa ba yung pag amin ko?

Worth it pa ba yung paghihintay ko sa isang bagay na wala namang kasiguraduhan na mababalik pa?

Hay pag ibig.

-

CHELLO

Kanina ko pa napapansin na parang malalim ang iniisip ni Kikoyoto. Shempre nakakacurious din naman. Pero alam ko naman yung limitasyon ko. Alam ko na may mga bagay na pwede kong malaman, ay may mga bagay na mas magandang itago muna sa sarili.

Andito kami ngayon sa labas ng Kenny Rogers. Wala kaming makainan, masyadong madami ang mga tao ngayon kahit may pasok.

Pumasok na kami at umorder na ako habang naghahanap naman si Kikoyoto ng mauupuan namin. Nang makahanap na siya ay naupo ako at ganon din siya.

Nagpaalam siyang magccr lang muna siya kaya tumango nalang ako. Medyo natagalan pa ang pagdating pero maya maya ay dumating na din ang order namin. Pero wala pa din si Kikoyoto.

Kaya naisipan kong puntahan na siya. Naabutan ko siyang nasa cr at nakaharap sa salamin sabay sabing, "Ano ba, reyna. Huwag mo ng guluhin ang isip ko. Huwag muna ngayon."

Reyna?

Huh?

Jeje StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon