A/n:
Malapit na pasukan poki hahahaha kaiyak cjsjsjsj hi ulit kay Iya HAHAHAHAH 😂😂
-
CHELLO
"Chello!" Napatingin ako dun sa tumawag saakin at nakita kong si Kikoyoto pala iyon. Pero putangina, bakit ganyan? Bat iba na porma niya? Bat hindi na siya jejemon? WTF ANG GWAPO NA NIYA. Sa bagay, gwapo naman siya noon pero mas gumwapo siya ngayon. "Hi Chello!" Bati pa niya sabay ngiti. Tangina Kikoyoto. Di ko namalayan na nakanganga na pala ako, nagulat nalang ako nang hawakan niya ang baba ko at sinara ang bibig ko. "Baka pasukan ng langaw o bangaw o lamok." Sabi niya sabay tawa. Shet ang gwapo ng tawa niya.
"Ang gwapo mo." Bigla kong nasabi. Nagulat ako sa sinabi ko at namula ang mga pisngi ko. Napangiti naman siya at hinawakan ang pisngi ko. "At ang ganda mo." Sabi niya sabay kindat at talikod saakin. Putangina.
*kring kring*
Napabangon ako sa tunog na yon. Wtf panaginip lang yon?!? Bat parang totoo.. Putek. Umiling iling nalang ako at bumangon na tas dumiretso sa CR. Nagbihis na ako then bumaba na for breakfast. Nagtitimpla ako ng gatas ng marinig ko si mommy na may kausap sa phone. "Nahanap niyo na siya? Saan siya nag aaral? Sa HM?! Bat hindi ko alam yan? Gawan niyo ng paraan para maalis siya dyan." Huh sino? Napatingin ako sakanya at nagulat siya ng makita ako.
"Kanina ka pa dyan, Chello?" Tanong niya na halatang kinakabahan. "Yes. Sino yung kausap mo?" Sabi ko naman. "Ugh w-wala. U-umorder lang ako s-sa M-mcDo." Sabi niya sabay iwas ng tingin. Wow ganon na pala umorder sa McDo? Kahit gusto ko pa magtanong ay tumango nalang ako. Ininom ko na ang gatas na tinimpla ko at sumakay na sa sasakyan para pumasok sa school.
...
Bumaba na ako sa may gate dahil papauwiin ko na din naman agad si manong. Naglakad na ako papasok at habang nasa hallway ako, may mga nakita ako nagsskate. Maya maya ay may nakabangga saakin na nagsskate. Napadapa ako at bigla akong tumayo, sabay bato ng malaking bato na napulot ko sa bumangga saakin sabay sigaw ng, "DUDONG!!" (A/n: Scenario sa SDTG. Lol memories nung grade 8 HAHAHAHA.)
Nakita kong tinamaan sa likod yung binato ko, lalapitan ko na sana siya pero naunahan ako ni Kikoyoto.
Naalala ko yung panaginip ko. Shit.
-
KIKOYOTO
Masama ang gising ko dahil masama din ang panaginip ko. Pano pinatalsik daw ako sa school sa hindi malaman na dahilan. Tapos may lumapit daw na babae sakin sabay sabing, "Layuan mo siya or else." Shempre sino ba naman matutuwa kapag pinatalsik ka sa isang eskwelahan sa hindi malaman na dahilan? Nakakagago lang diba.
Naligo akong nakabusangot. Nagbihis akong makabusangot. Kumain akong nakabusangot. Tumawa ako ng nakabusangot. Kulang nalang tawagin akong Kikoyoto Busangot.
Pumasok na ako sa school at habang naglalakad ako sa hallway, nakita kong may binato na lalaki si Chello. Tas sumigaw pa siya ng dudong. Ano ba yung dudong? Hays. Pero kawawa naman yung lalaki kaya nilapitan ko siya at tinulungan tumayo.
"Masakit ba pre?" Tanong ko sakanya. "Shempre, sino ba namang di masasaktan kapag binato ka tapos mahuhulog ka diba?" Boom. Di ako nakasagot kaya natawa siya. "Ateneo nga pala pare. Neo nalang." Sabi niya. "Kikoyoto. Kiko nalang." Sabi ko at nag shake kami ng hands. "Neo!!" Sigaw ng isang babae. Syota niya ata to. "Uy babe." Sabi nitong Neo sakanya. Langya walang forever uy.
"Kiko, siya nga pala si Victorianara. Iya nalang. Lalabs ko." Sabi ni Neo. Nginitian ko nalang at ganon din naman siya. "Sige, una na kami. At di naman ganong masakit pare. Salamat." Sabi niya at naglakad na sila palayo.
Bumaling ang tingin ko kay Chello at nakita kong nakatulala siya saakin. Woah crush na yata ako neto.
BINABASA MO ANG
Jeje Stalker
Non-FictionTrip lang. HAHAHA trip ko 'to. Sakyan niyo nalang ako emeghed. Jeep ako guys seryoso hehee #TaongMais HAHAHA Patrishia nga pala, pinaka-dyosa sa lahat ng dyosa. typo queen slash jeje queen. wag kayo magalit sa mga jejemon, at least kami loyal kasi i...