A/n:
Feeling ko ang bagal ng flow ng story hahahaha mej bilisan natin ane hahahaha. Hi pala hahahhaa hala kasaya ko nanaman hays
Kausapin niyo ko sa twitter o kaya wechat o kaya sa fb hahahahha hi kay Vynna na pinagtripan ko hahahaha labyu bunnakoLszxc
-
KIKOYOTO
Nakatanggap ako ng batok sa mga kaibigan ko. "Di ulam yung champorado! Tanga!" Sabi ni Alvino saakin. Ay hindi ba ulam? Sorry naman ah, gwapo lang. Hehe. Nag peace sign lang ako sa kanila at inirapan naman nila ako. Aba nang iirap na tong mga to ng gwapo ah. Hangin ba? Sorna gwapo lang. Hehe maya maya ay nagsi-uwian na din silang lahat. Pagkaalis nila ay nanood lang ako sa TV at di namalayan na nakatulog na pala ako.
...
Bigla nalang akong naalimpungatan. Pagtingin ko sa may bintana ay gabi na pala. Bumangon na ako at pumunta sa kwarto. Habang nagbibihis ako ay bigla kong naalala ang pagtext ni Chello saakin kanina. Nung una'y pati ako nagtaka kung bakit. Dare lang ba lahat yon? Nawala tuloy yung naiisip ko kanina sa classroom kung kaibigan ko na nga ba siya o ano. Pero sa nangyayari ay mukhang hindi naman. Parang si Chello kasi yung tipo ng tao na si Vyn lang sapat na. Yung parang kahit silang dalawa nalang sa mundo ang magbestfriend e ayos lang sakanya. Kelan ko kaya mahahanap bestfriend ko? Di naman sa di ko kaibigan ang tRoPanq pHarDs cOoLetx pero iba pa din yung kapag may nakakasama ka sa school hanggang sa pagkain. Siguro naman nagegets niyo na.
Dapat ay kakain na ako pero tinamad na akong lumabas kaya nahiga nalang ako sa kama at tinignan ang cellphone ko. Maya maya ay naisipan kong mag GM sa mga kaibigan ko.
*text*
Li2qaWan pHa bHua kIta
o
PaKasAL nLanq tYu pRa mTapox nA ?
-
qOodEveNinq pRenDz !
soUndtRip anq qAnAp
kaTxt anq hNap aj3jE
-
tManq hIqa Lhunq xA bqOnq kAma nHa bIniLi nI nAnAii xDquSto mHo bHua nQ kAuzAp nHa qWapO ? RepLy kHa nHua xa qM na iToo ! BooM pEynX !
qM #KikoYotoMatAmpuHin
*sent*
Nilapag ko muna ang cellphone ko at nagmuni-muni. Maya maya ay narinig kong may nagtext. Nagtext pala ang 8888 at sinasabi na 0 balance na ako. Pero kakapaload ko lang ng 20 kanina ah! T-teka.. HINDI KO NAREGISTER!! PUTEK <////3 Masakit.
Sakto naman pagkatext ng 8888 ay nagreply na ang mga pinadaanan ko ng GM. Bad timing. Wrong timing. Pero ays lang. At least aware sila na gwapo ako at walang kokontra.
Matutulog na nga lang ako. Masyado akong sinaktan ni 8888.
-
CHELLO
Kanina pa nakauwi si V. Mga 8:30 na ng nakauwi siya kasi medyo natagalan yung driver niya. Andito ako ngayon sa bathroom at nagshashower lang para makatulog na. Naalala ko pa din yung usapan namin ni Kikoyoto kanina. Bakit ganon siya magtype? Ganon ba talaga kapag jejemon? Nagmana talaga kay otor si Kikoyoto. Pero bat ko ba naiisip yon? Pero ano naman masama don? Mukha naman siyang harmless. Tsaka pwede pa naman mabago itsura niya. Pero teka bat ko nga ba kasi talaga iniisip yon? Bakit ko iniisip si Kikoyoto Matampuhin? Uhm siguro interesado lang ako sakanya. That's all, Chello. Nothing to worry about. (A/n: Tangina english yon.)
Pagkatapos ko ay nagbihis na ako at nahiga na sa kama. Maya maya ay nakatanggap ako ng text mula kay Kikoyoto. Err ano yung gm? Sa sobrang curious ko ay nireplyan ko siya. "Ano yung GM? Hehe." Text ko sakanya. Wala naman akong natanggap na reply. Yung mga taong magtetext tas pag nagreply ka di na magrereply. Yung totoo?
Napairap nalang ako sa kawalan at pinikit na ang aking mga mata.
Kikoyoto Matampuhin? I'll change you. For the better.
BINABASA MO ANG
Jeje Stalker
Non-FictionTrip lang. HAHAHA trip ko 'to. Sakyan niyo nalang ako emeghed. Jeep ako guys seryoso hehee #TaongMais HAHAHA Patrishia nga pala, pinaka-dyosa sa lahat ng dyosa. typo queen slash jeje queen. wag kayo magalit sa mga jejemon, at least kami loyal kasi i...