A/n:
Author's note nanaman ba? sorry na HAHAHAHAHA pinalitan ko na pala plot neto. Jk nagdagdag lang ako. Hahahaha. Ha. Hotdog.
-
KIKOYOTO
Crush na ba ako ni Chello? Grabe siya makatitig saakin e oh. Napangiti nalang ako at nilapitan ko siya. Pero nakatitig pa din siya saakin. Ano ba meron? Bakit siya ganyan? Di ko matanto ang dahilan ah. Juzq ayan ka nanaman Kikoyoto, saan ba galing yang mga pinagsasabi mo?
"Hi Chello!" Bati ko sakanya sabay ngiti. Pero nakatitig lang siya saakin. Aba ayos ah. "Umm Chello?" At bigla nalang siyang natauhan. "U-uy!" Sabi niya sabay ngiti ng pilit. "Kanina ka pa ba dyan?" Pahabol niyang tanong. "Ha?" Sagot ko naman. "Kanina ka pa-" Di na niya natuloy ang sasabihin niya kasi nagsalita nako. "Hotdog." Binatukan naman niya ako "Leche ka!" Sabi niya sabay irap at nag walk out.
HAHAHAHAHA Napakasaya pala niya pagtripan. Saya lang. Kapag napakasaya baka nagpa-fiesta na ako dito kapag ganon. #BarahinMoPaSariliMoKikoyoto
Napailing nalang ako at naglakad papunta sa canteen. Medyo maaga pa naman kaya bibili muna ako ng tubig. Habang nasa canteen ako, naisipan kong itext si Chello.
To: cM8_cHeLL0
usTo mHo bHa nq 2Biq?
*sent*
Baka lang naman gusto niya. Baka kasi nauhaw siya sa sobrang kagwapuhan ko kanina. Gwapo lang. Kapag sobrang gwapo baka kamukha ko na si Daniel Padilla o kaya James Reid eh.
From: cM8_cHeLL0
Libre mo ba? Sure :p
Di ko na siya nireplyan. Snob ko ba? Sorry naman na. (A/n: Sorry? Tapos ano? Papatawarin kita? Tapos magiging sweet ka nanaman saakin? Tapos maya maya cold ka nanaman? Tas mag aaway tayo? Tapos magsosorry ka? Tapos ano? Uulitin mo nanaman? Ay charot hahahahaha)
"Ate, pabili nga po ng tubig. Dalawa." Sabi ko sabay abot ng bente pesos. Sampo lang naman tubig dito. Napatingin ako sa nagtitinda at natawa ako. Tinignan ko name tag niya at Leni pala pangalan niya. "Ate, alam ko pangalan ng ilong mo." Sabi ko sakanya. "Ano?" Sagot naman niya. "Tubig." Sabi ko sabay takbo palayo. HAHAHA e napakalaki kasi ng ilong eh. Laki lang. Iba na kapag napakalaki. Baka kasing laki na ng araw kapag ganon.
Pumunta na ako sa may classroom at nakita kong nakaupo si Chello sa may upuan niya. "Chello!" Sigaw ko. Tumingin naman siya saakin sabay taas ng kilay. "Eto na tubig mo." Sabi ko sabay abot ng tubig sakanya. Ngumiti lang siya ng tipid saakin sabay inom ng tubig.
"Ayos ka lang?" Tanong ko sakanya. "Bat naman hindi?" Sagot niya. "Eh kasi natulala ka sakin kanina eh." Sagot ko din. Napansin kong napatigil siya at nag iwas ng tingin. "Ah wala. May naalala lang ako." Sabi naman niya. "Kiko, tara mag mall mamaya?" Dagdag pa niya. Takte date ba to?
Teka di ko alam sasabihin ko. Baka kung ano gawin niya sakin. "Tangina Chello, bata pa ako." Sagot ko nalang. Nakita kong nanlaki mata niya at tumawa ng malakas. "HAHAHAHAHAHAHA ANO BA PINAGSASABI MO?" Sabi niya habang tumatawa.
Omg happiness. "Tara nga kasi mag mall." Sabi niya habang natatawa pa ng konti. Tumango nalang ako at pumasok na ang aming teacher.
Okay so medyo napahiya ako. Medyo lang naman. Jk oo na napahiya na ako.
-
CHELLO (short POV)
Ang bilis ng oras. At eto na nga kami ngayon ni Kikoyoto, naglalakad na kami papunta sa mall. Pft naalala ko nanaman yung sa kanina. Bata pa daw siya. Hahahaha ang priceless ng reaction niya juzq.
"Kung iniisip mo yung sinabi ko kanina, itigil at mali." Sabi niya sabay irap saakin. Hala? Hahahaha natawa nalang ako sa inasta niya. "Eh bat kasi nasabi mo yon?" Tanong ko. "Malay ko ba kung ano nasa isip mo." Sagot naman niya sabay pout. Natawa nalang ako.
Di nagtagal ay nakarating na din kami sa mall. "Ano ba gagawin natin dito?" Tanong niya.
"Bibili tayo ng damit mo at papaayusan kita." Sabi ko sabay ngiti.
"Tangina ano ako aso?" Sagot naman niya. "Pagbigyan mo nako pls?" Sabi ko sabay pout.
"Huwag ka ngang gumanyan." Sabi niya sabay iwas ng tingin. "Baka di ko matiis at mahalikan kita dito." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Joke lang!! HAHAHAHAHAHA" sabi niya habang tumatawa. "Tara na! Bilan mo nako ng damit." Sabi niya sabay hila saakin.
Sparks.
![](https://img.wattpad.com/cover/39358088-288-k117548.jpg)
BINABASA MO ANG
Jeje Stalker
Non-FictionTrip lang. HAHAHA trip ko 'to. Sakyan niyo nalang ako emeghed. Jeep ako guys seryoso hehee #TaongMais HAHAHA Patrishia nga pala, pinaka-dyosa sa lahat ng dyosa. typo queen slash jeje queen. wag kayo magalit sa mga jejemon, at least kami loyal kasi i...