"It's not forgive and forget as if nothing wrong had ever happened, but forgive and go forward, building on the mistakes of the past and the energy generated by reconciliation to create a new future."
—Alan Paton
REGINA's POINT OF VIEW
Yesterday, Laurence sent me a message. He told me na hindi niya makakausap si Luxus para sa amin ni Emman; na dapat daw ay kami ni Emman ang gagawa ng paraan dahil kapag tinulungan niya kami ay hindi kami mag-grow.
To be honest, nagulat ako nong sinabi niya yon. I never thought the day would come that he'd say no sa ganitong bagay. In fact, minsan lang siya humindi. Matagal rin kami naging magkaibigan ni Laurence, I know na mabibilang lang sa kamay ang pagtanggi niya sa mga tao.
I will admit, madalas din ako dumepende sa kanya dahil minsan ay takot ako makipagusap sa mga tao. Medyo nalungkot ako nung sinabi niyang hindi niya kami tutulungan ni Emman pero narealize ko rin na tama siya. Kapag dumepende kami sa kaniya wala kaming matututunan. Babalik lang din kami sa dati.
I want to change, too. Gusto ko na alisin yung kaba at takot. Gusto ko matutong harapin ang mga problema ko.
And speaking of problems, kanina pa ako kinukulit ng lalaking 'to. Nagpapatulong dahil kailangan daw i-describe ang mga litrato na kinuha niya gamit ang filipino. Nagpapa-proofread. Akala niya close kami? As if.
Uunahin ko na lang 'tong pagm-message ko kay Luxus dahil mas importante ito. Finally, after a year nagkaron ako ng lakas ng loob na makipagusap sa kanya. Sana magbati na kami.
I continued composing my message to Luxus. Binabasa ko na ang message ko nang biglang magappear na naman sa screen ko ang pangalan ni Joaquin.
This crétin
Sinagot ko ang tawag dahil alam kong hindi niya na ako tatantanan. Nagulat ako dahil video call pala at hindi audio call ang ginawa niyang tawag, nakita ko tuloy yung pangit niyang mukha. He's wearing his Rick and Morty pajamas.
Nang aasar ata 'to.
"What do you want?" I asked, annoyed. I could've sent my message to Luxus if not for this asshole.
"You know what I want, Regina," he said, smiling. Muntik na tuloy ako mahulog sa upuan ko.
"Pinipilit mo pa rin na ako ang tumulong sayo sa assignment mo? Hindi ka ba mabubuhay kapag wala ako?" I rolled my eyes.
"Sige na kasi," sabi niya. I sighed.
"Fine! Quelle nuisance."
Sinimulan ko na siyang tulungan and God his sentences are bad. Well, expected ko na rin naman na hindi siya magaling sa Filipino dahil sa America siya lumaki. N'ong high school kami palagi din siyang nagpapatulong sa akin kapag may assignment kami sa Filipino.
Narealize kong nakangiti ako at tumingin ako sa camera at nakita kong nakangiti rin siya. His smile went away immediately when he saw me looking at him.
"Oops," he said.
"Bakit?" I asked.
"Wala, wala," he said, shaking his head. I frowned at him and told him what to edit and how to translate the words he couldn't translate. After an hour, or more— I don't even know ang dami niya kasing daldal, ay natapos din kami.
"Ayan na, okay ka na ba?" I asked.
"Yon! Thanks Reg!" he said.
"Huwag mo na ulit ako bulabugin, may kailangan pa akong gawin."
BINABASA MO ANG
Scarlet Strings of Love
Teen FictionScarlet Strings of Love by saltymeloner Status: On Going (Slow Updates) *** It all started on August 15...