Chapter 37: agored

2 1 0
                                    

"When we feel safe enough to expose our shadows, that's when we become free."

— Gabby Bernstein

LUXUS' POINT OF VIEW

The music stopped playing and we all dropped on the floor. Lahat kami ay hinihingal at hindi ko na magalaw ang braso ko dahil sa pagod.

"Whoo!" Red exclaimed and raised her arms but immediately winced in pain so she put them down quickly.

"Sa wakas!" Dexter said exasperatedly. Cedric did his best to sit down despite the pain. He was groaning like an old man as he sat up.

"Putangina, natapos din," Cedric said, taking deep breaths.

"I can't feel my arms," I said. How long were we practicing? Two hours? Three? Hindi ko na alam. Ang natatandaan ko lang nagpractice kami ng isang kanta at hindi kami satisfied sa performance namin kaya nagpractice pa ulit kami. Tumingin ako sa bintana, madilim na. Nong nagpractice kami may araw pa.

"Congrats guys! Ang galing niyo!" sabi sa amin ni Venus habang napalakpak. She was practicing with us earlier, but we decided to let her voice rest after our third practice dahil ayaw namin na masira ang boses niya. So pinagvideo na lang namin siya ng practice namin para makita namin kung ano ang kailangan nami baguhin or ayusin. Pangatlong linggo na namin pina-practice ang kanta na 'to and the welcoming party is next month. May dalawang kanta pa kami na kailangang practice-in dahil anim na kanta ang sinabi sa amin na ip-perform namin.

Walang pang-book ng banda ang school kaya kami na lang ang pinagp-perform. Or maybe dahil pamangkin ng Principal si Red kaya kami ang pinagp-perform. Not that I'm complaining. Kahit walang bayad masaya pa rin ako na makapag perform.

My arms are dead as hell, though.

"Send mo na lang mamaya. Ang sakit ng katawan ko, shit," sabi ni Cedric na tumayo. Masakit daw katawan niya pero nakatayo siya na parang wala lang?

Nagpatulong ako sa kanya para makatayo din ako at halos mapasigaw ako nang bigla niyang hatakin ang braso ko patayo. Lumapit sa akin si Red at tinanong kung okay lang ako. Tumango na lang ako at nagsimula na kami magligpit.

"Magpapahilot ako kay Yvonne mamaya..." bulong ni Dex pero narinig namin dahil tahimik kaming nagliligpit. Nagkatinginan si Venus at Cedric.

"Hilot daw," sabay tawa ng dalawa. I saw Dex roll his eyes.

"Gago hilot lang," sabi ni Dex, though I don't think the other two will accept that. Napangiti na lang ako dahil sa sitwasyon nilang tatlo.

"Hilot—" sabi ni Venus.

"— Lang," Cedric said, finishing Venus' sentence at sabay silang tumawa nang malakas. Dex tried explaining himself pero lalo lang tumawa ang dalawa. Venus laughed too hard as Dex continued to dig his own grave and slapped Cedric's arm which made him yelp in pain. Pero imbis na magalit kay Venus ay natawa na lang din siya dahil tawa nang tawa si Venus.

Inaantok na siguro si Venus. She's usually not like this. Hindi ganito kababaw ang kaligayahan ni Venus most of the time, so maybe she is tired. Well, lahat naman kami ay pagod na.

Nagtama ang tingin namin ni Red at napangiti na lang kami habang nagliligpit sa studio. Nang matapos na kami magligpit ay naunang umalis ang tatlo dahil nililinis pa ni Red ang drums at ako naman ay inaayos ang gitara ko.

"Bye Red! Bye Luxus!" sigaw ni Venus mula sa hallway. Narinig ko rin kaagad ang boses nina Dex at Ced na sabay na pinagsabihan si Venus.

"Huwag ka sumigaw," they both said and their voices slowly fade hanggang sa hindi na namin sila marinig. I looked at Red who just finished cleaning the drums.

Scarlet Strings of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon