Chapter 39: dyddiad

2 1 0
                                    

"Love doesn't make the world go round; love is what makes the ride worthwhile."

— Elizabeth Barrett Browning

ORANGE's POINT OF VIEW

[Samahan mo ko.]

"Why do I have to?"

[Wala lang, gusto ko lang ng kasama.]

Andito ako ngayon sa kwarto ko nakahiga habang kausap sa call si Laurence. Bigla-biglang nagyayaya.

"Edi yayain mo si Luxus or si Red," I said.

[They're busy.]

"And I'm not?" I said. Hindi naman talaga ako busy. Tinatamad lang ako lumabas.

[Are you?]

"Of course, sobrang busy ko kaya today may mga kailangan akong gawin—"

The door to my room suddenly opened and Papa entered the room.

"Nak mag-grocery ka muna, wala na halos pagkain dito. Nakahiga ka lang naman diyan."

Napatitig na lang ako kay Papa. Salamat sa pagbuking sakin, ha?

"What?" tanong ni Papa na naguguluhan.

[Hm, you're "busy" huh]

"Dalian mo na. Bumili ka na kapag pinaghintay mo pa yan di mo mamamalayan sarado na ang supermarket."

Nakakainis talaga 'tong lalaking 'to.

"Shut up," I told Laurence. Hindi ko napansin na nagsalita din pala si Papa kasabay ni Laurence.

"What did you just say?" Papa asks, sounding irritated. Shit. Kasalanan ni Laurence ang lahat!

"Hindi ikaw, Pa! Kainis naman oh," I said at padabog na in-end ang call namin ni Laurence. "Your timing's too great."

"Sorry, may kausap ka pala?" sabi ni Papa na kumalma nang makita niyang hawak ko ang phone ko. I sighed.

"It's fine. Si Laurence lang yon," I said at tumayo na para maghanap ng damit.

"Bakit daw?" tanong niya.

"Nagyayaya mag-gala. Sabi ko busy ako but then you suddenly came."

Papa scoffed, "Uh, sorry?"

Tinawanan pa ako ng tatay ko. I rolled my eyes at kumuha na ng damit na susuotin ko, "Anyway male-late ako ng uwi. Nagyayaya si Lau eh."

"Sige, basta uuwi ha at wala na tayong suka," I laughed.

"Akala ko pa naman sa akin ka mas concerned," pabiro kong sabi.

"Anong kakainin natin kung wala tayong suka?" Papa said, playfully. Tinawanan ko na lang siya at pinaalis na siya sa kwarto ko para makapag bihis na. Nang makapagbihis ako ay pumunta ako sa kusina para kumuha ng ecobag. Ayaw ni Papa na puro plastic sa bahay kaya iniipon namin 'tong mga ecobag.

"Basta magiingat. Unahin mo na ang groceries before anything, alright?" he reminds me while doing his work in the living area.

"Yes Pa," sabi ko habang nagsusuot ng sapatos at namili ng sombrero na nakasabit sa dingding.

"Sunscreen?"

"Meron."

"Payong?"

"Meron."

"Towel?"

"Meron," ang dami namang tanong nito ni Papa. Alam niya naman na hindi ako lalabas ng bahay ng wala ang mga 'yon?

Scarlet Strings of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon