MGA KALULUWA SA DAGAT
Ian Joseph Barcelon
Tiningnan namin ang mga litrato namin nang araw na 'yon. Naisipan kasi naming ipa-print ang mga pictures na kuha namin. We never opened the camera matapos ang nangyari, ngayon lang. Isang taon na rin halos ang nakalilipas. Napabuga na lang ako ng hangin.
"Crystal," halos pabulong na sabi ni Harrold. Napatingin ako sa kanya hawak ang photo album naming magkakaibigan. Kitang-kita ko ang takot sa mga mata niya nang dahan-dahan niyang iabot sa akin ang litratong tinitingnan niya.
Lumapit sa likuran ko sina Hazel at James. Alam kong iisa lang ang naramdaman naming apat sa apat na sulok ng kuwarto . . . Pare-pareho kaming ginagapang ng takot.
MGA KALULUWA SA DAGAT- PART 1
***
One year ago . . .
April 13, 2008
Pagpatak ng bakasyon at ilang araw matapos ang graduation namin, kaagad kaming nag-set ng date magbabarkada. Tradition na ata namin 'yon. Isa na ring celebration at treat sa 'ming mga sarili ang pagpunta sa isang resort dahil nakamit namin ang goal namin: the five of us to graduate together. Bago kami mag-isip ng mga unibersidad na papasukan sa kolehiyo at pagpili ng career na tatahakin namin sa hinaharap, minabuti muna naming magsaya bago maging abala ang lahat.
"Andito na tayo," sabi ni Harrold. Siya ang pinakamatanda sa 'min dahil nasa eighteen na siya. Nag-stop siya for some personal reasons pero nagpatuloy pa rin siya para gr-um-aduate. No wonder, marami siyang pangarap. And the perks of being friends with him e, may kuya ka na na magpapayo sa 'yo, kakukuha niya lang din ng driver's license kaya libre na ang trip niyong magbabarkada. He preferred not calling him 'kuya' dahil magbabarkada naman na kami.
Nakasakay kami sa minivan niya na kabibili pa lang ng parents niya bilang regalo sa kanya sa graduation at para na rin magamit sa college. Since sobrang hilig niya sa sasakyan noon pa man, marunong na siyang mag-drive without entering driving lessons. Siguro dahil na rin sa familiarity niya sa mga sasakyan at panunuod ng car videos.
Inalis kaagad ni Conrad ang seatbelt niya na parang madaling-madali siya. Nasa front seat siya nakaupo, katabi ni Harrold. Nang mabuksan niya ang pintuan niya sumigaw siya ng, "I'm gonna rock ladies tonight!" At mayamaya pa, sumunod na rin si James sa kanya. Sabay silang nag-chant ng 'I'm gonna rock ladies tonight' kasama ang pagsayaw-sayaw nila. As if that's going to happen. Gabi na at mukhang sarado na ang entrance gate ng resort.
Tiningnan ko ang wrist watch na suot ko. 11:34PM.
Tumawa naman si Harrold, drumming his fingers on the dashboard. "Pumasok na kayong dalawa, matagal pa ang umaga. Ayaw niyo naman sigurong sumama ang pakiramdam bukas?"
BINABASA MO ANG
WHISPERS OF HORROR [Volume I]
Short StoryWhispers of Horror Volume I. Collection of 13 short horror stories. [Status: Ongoing]