[1] Devil's Three Number

567 18 8
                                    

Whispers of Horror (Volume 1)

                                    Ian Joseph Barcelon

©All Rights Reserved 2014-No parts of this story may be reproduced without written permission from the author-13 Pure fiction horror stories collection-Written by Ian Joseph Barcelon

---

Devil’s Three Number [1]

Nagtipon na ang anim na magkakaibigan. Nakapabilog silang lahat at handa na sa kanilang gagawin. Tanging ang lamp light lang ang ilaw na tumatanglaw sa madilim na lugar kung nasaan sila. Sa lumang basement house nila napagkasunduang subukang laruin ang isang game na natagpuan nila sa internet.

Isang laro iyon na maaari mong laruin kahit na ikaw lang mag-isa, o maaari ring laruin mo na may kasama ka. Simple lang ang nakasalaysay kung paano sisimulan ang laro. Lahat ay dapat na may dalang cellphone sa kanilang bulsa, gagamitin ito kung sisimulan na nila ang laro. Sa oras na gumalaw ang baso matapos nilang tanungin kung naroon na ba si Red Man, ang pangalan ng taong sasagot sa kanila, at napunta ito sa sagot na ‘oo’, sabay-sabay nilang kukuhanin ang kanilang phone at ida-dial ang tatlong numero—666.

Devil’s game kung tawagin ang laro. Sa tatlong numero pa lamang, malalaman mo na marka ito ng impiyerno o kalimitang tinatawag na devil’s number. Sa book of revelations, nabanggit din ang tatlong numero na ito.

Isa lamang sa kanila ang maaaring  makatawag sa numero, at kung sino man sa kanila iyon ay maaaring tanungin ang nasa kabilang linya ng kahit na anong tanong. Ngunit, may ibabalik itong katanungan sa may hawak ng telepono, at kung sakaling hindi niya masagot ang tanong, maaaring buhay niya ang maging kapalit.

Delikado man kung babasehan ang naturang laro, wala pa naman silang kasiguraduhan kung magkakatotoo man iyon. Bukod sa kakaunti lang ang nakaka-access sa black site na nakita nila kanina, wala silang nabasang kahit na komento sa mga viewers noon. Gusto lang nilang subukan kung totoo man ang numerong iyon at kung may sasagot man sa kabilang linya. Plano naman nilang putulin ang linya kung sakali mang may sumagot doon.

Likas na sa barkada ni Jerome ang paglalaro ng mga bagay na kakaunti lang ang nakadidiskubre. Para sa kanila, trip lamang at katuwaan ang kanilang ginagawa. Ngunit, sa oras na iyon, iyon din ang unang beses nilang makikipag-usap sa isang tao sa kabilang mundo. Sinubukan nilang maglaro dati ng ouija, subalit sa kasamaang-palad, wala silang nakausap na espiritu.

Sinimulan na nila ang laro. Anim na kamay ang nakapatong sa ibabaw ng baso. Nakaguhit sa papel ang sagot na ‘oo’ at ‘hindi’ at sa taas noon ay ang ulap. Sa ibaba naman, hindi nila maintindihan kung ano ang nakaguhit. Ang baso ang magsisilbing pintuan sa kabilang mundo papunta sa mundo ng mga nabubuhay. Nakasaad sa article kanina sa black site na ang itaas ay ulap at ang ibaba naman ay kulay kahel na karagatan. Wala silang ideya kung ano ang ipinahihiwatig noon. Kahit isa sa kanila.

“Red man, red man, ti, inquit?”

“Red man, red man, ti, inquit?”

“Red man, red man, ti, inquit?”

                Sabay-sabay nilang binigkas iyon.  Ayon sa artikulo, iyon ang chant na kanilang bibigkasin sa pag-summon kay Red Man. Mas mabisang gamitin ang Latin na lengguwahe, dahil ang patay na lengguwahe sa parte ng Europa ay kadalasang ginagamit sa pagtawag ng espiritu.

Si Red Man ang taong sasagot sa kanila sa kabilang linya sa oras na matawagan nga talaga nila ang naturang numero. Malamig na hangin ang umihip at naramdaman nila ang mabilis na paggalaw ng baso. Nagpalitan sila ng tingin bago tapunan ng tingin ang sagot. ‘Oo’ ang tinapatan ng baso. Pare-pareho silang humugot ng malalim na paghinga.

Dama nila ang kaba at takot, ngunit wala sa kanila ang nagpakita noon. Nauna si Cherry na kuhanin ang cell phone sa kanyang bulsa na sinundan naman ng lima niyang mga kaybigan. Pare-pareho nilang d-in-ial ang ang tatlong numero—666. Inilagay nila sa kanilang tainga ang kani-kanilang cell phone at pinakinggan kung magri-ring nga ang number.

                Walang nakuhang sagot si Jerome, ganoon din si Cherry. Invalid number ang sinabi ng service operator kay Ricky, ganoon din kay Arjhay at Dina. Nag-ring ang kabilang linya, sa tawag ni Harry. Sinenyasan ni Harry ang mga kaybigan na tumunog nga ang kabilang linya. Lumapit si Arjhay sa kaybigan upang kumpirmahin kung nagri-ring nga. Narinig din niya ang pagri-ring at kinumpirma iyon sa apat nilang kaybigan. Nakaramdam na ang lahat ng tensyon.

Nang marinig ni Harry na tumigil ang ring sa kabilang linya at sinundan na iyon ng malalim na paghinga, sumenyas siya sa limang kaybigan na mayroon nang tao. Mabilis na sinabi ni Jerome sa kanyang putulin na ang tawag na kaagad niya namang ginawa.

                Tumayo na silang lahat na may takot na nararamdaman. Si Dina na ang nanguna na kailangan na nilang umuwi dahil malalim na ang gabi kaya naman napagpasyahan nilang umuwi na sa kani-kanilang bahay. Umakto ang lahat na normal lang, na walang mangyayari pagkatapos noon. Nagkanya-kanya na sila ng daan pauwi.

                Hindi nila tinapos ang laro.

                Kinabukasan, ilang report ang natanggap ng barangay office sa sabay-sabay na pagkamatay ng anim na kabataan sa kanilang lugar. Pinaimbestigahan agad iyon at lumabas na binangungot at anim. Walang ibang makikitang dahilan kung bakit namatay ang mga iyon, subalit nanatiling misteryo sa mga tao roon at sa kamag-anakan ng mga namatay ang insidente.

Sa oras na hindi tatapusin ang laro at iiwang nakabukas lang ang lagusan kung saan maaaring dumaan si Red Man, kung sino man ang mga kabilang sa laro ay mamatay. Kailangang tapusin ang laro upang maisara ang pintuan kung saan dadaan si Red Man—ang demonyo ng impiyerno. Ang pahiwatiglamang ng larawang nakaguhit sa puting papel ay langit at ang dagat-dagatang apoy ng impiyerno.

WHISPERS OF HORROR [Volume I]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon