Whispers of Horror (Volume 1)
Ian Joseph Barcelon
©All Rights Reserved 2014-No parts of this story may be reproduced without written permission from the author-13 Pure fiction horror stories collection-Written by Ian Joseph Barcelon
Bagong Bahay [3]
“Wow!” Napamangha ang dalawang anak nila Rico at Grace nang makarating sila sa bahay. Hindi pa man humihinto ang sasakyan nila, nag-uunahan nang magbukas ng pinto ang dalawa.
Nang huminto na ang sasakyan, mabilis na nakababa ang dalawang bata na halata naman kung gaano kasabik na makapasok na sa bahay. Nag-unahan ang mga itong makarating sa naka-lock pa na pinto.
“Jino, ‘yung kapatid mo, alalayan mo ‘yan,” paalala ni Grace sa panganay na anak.
“Opo!”
Tumakbo na si Jino kasama ang pitong taong gulang niyang kapatid na si Tara. Mas matanda siya rito ng apat na taon. Pinagmasdan nila ang dalawang palapag na bahay, nag-iisang bahay lang iyon sa kakahuyan. Malayo ang ilang kabahayan sa puwesto ng bagong biling vacation house nila. Mura lamang ang presyo ng bahay kaya’t kinagat na kaagad ng mag-asawa.
“Dad, open it now! Please, I want to get inside!” wika ni Tara na tumalun-talon pa. Sinanay talaga ni Grace ang anak na gumamit ng salitang ingles, impluwensya narin ng Disney cartoons na madalas nilang panuorin mag-ina.
Naglakad si Rico dala ang kahon ng kanilang mga gamit. Dalawang linggo lang naman sila mananatili sa bahay, maayos na naman sa loob dahil pinalinisan na nila iyon sa care taker noong nakaraang araw. Dito nila gugugulin ang undas.
Sinusian ni Rico ang bahay, bumukas ang pintuan kasabay ng maingay na paglangitngit nito. Madilim sa loob, amoy alikabok pa at kahoy. Nag-unahan muli si Jino at Tara sa pagpasok.
“Wow! This place is amazing!” pamumuri ni Tara nang makapasok sa loob. Nauna na kaagad itong maupo sa sofa kasama ng kanyang manyika.
“Dad, aakyat lang po ako sa itaas,” wika ni Jino at parang hangin itong tumakbo paakyat ng hagdan.
“Wait, kuya! I wanna come too!” Tumakbo narin si Tara pasunod sa kanyang kuya bitbit ang manyika nito na palagi na nitong kasa-kasama.
Nag-set kaagad ang mag-asawa ng bonfire camp sa tapat ng bahay nila. Napapaligiran ng maraming puno ang vacation house, kung saan ito nakatirik. Kaya naman pagpatak pa lamang ng alas singko, maririnig na ang ingay ng mga kuliglig at malamig na hangin dala ng mayayabong na puno.
Naghihintay na kay Grace ang kanyang dalawang anak sa labas. Kumuha kasi siya ng packed juice na baon nila sa kusina. Habang namimili siya ng flavor, naramdaman niya ang malamig na paghinga sa kanyang leeg. Sandali siyang napatigil at lumingon kung may tao ba. Wala. Siya lang mag-isa.
Naramdaman niya ang pagtaas ng kanyang mga balahibo, para bang may nakatingin sa kanya sa paligid. Pinasadahan niya ng tingin ang kusina kung nasaan siya, malamig na ihip ng hangin lang ang bumati sa kanya. Binilisan na niya ang pagkuha ng maiinom at dali-daling lumabas ng kusina.
“Mom!” salubong sa kanya ni Tara nang makalabas siya ng pinto.
Hindi niya inasahan ang biglaang pagsulpot nito sa harap niya kaya’t nabitiwan niya ang hawak sa gulat. “Oh my goodness, Tara.” Nasalo niya ang kanyang dibdib. Pagkuwa’y yumuko siya para kuhanin ang nalaglag na inumin sa sahig. “Don’t ever do that again. You scared me,” sabi niya sa anak.
“What? I scared you, mom? There’s nothing to be afraid of!” Yumakap sa kanya si Tara. “—Don’t worry mom, I’ll protect you,” dugtong pa nito.
Napangiti siya sa sinabi ni Tara, kahit kailan talaga, napaka-sweet na anak nito sa kanya. “Okay. I’m counting on you.” Kumindat siya rito. Hinawakan niya ang magkabilang braso ng anak, “—But for the meantime, let’s enjoy ourselves! Let’s go.”
Binalikan ng tingin ni Grace ang loob ng bahay, para bang may nakatitig talaga sa kanya. Wala namang ibang tao sa loob dahil nasa labas ang pamilya niya.
Sabay silang naglakad ni Tara papunta sa tent. Sinimulan na nila ang bonfire event. Tanging ang apoy ng bonfire ang tumanglaw na ilaw habang kumakalat ang dilim sa paligid. Isang oras din ang ginugol nila bago dalawin ng antok ang dalawang bata.
Sa tuwing may bakasyon sila o libreng araw, nagfa-family bonding sila, hindi iyon mawawala sa pamilya ni Grace at Rico. Pumasok na silang lahat sa loob at niligpit ang ilang gamit na ginamit nila. Inihatid muna ni Rico ang dalawang anak sa kanya-kanyang kwarto ng mga ito bago pumasok sa kwarto nilang mag-asawa. Hanggang sa pagtulog ni Grace, hindi parin niya maiwasang maramdamang may nakatitig sa kanya.
Dumaan ang araw nila sa bahay na iyon. Nagkaroon ang bawat isa sa kanila ng kakaibang karanasan na nagtulak sa kanilang lisanin na ang bahay.
Noong unang araw, naramdaman ni Grace ang mga titig na pakiramdam niya ay tumatagos sa kanya, ngayon nama’y nakakarinig siya ng takbuhan ng mga bata sa pasilyo sa ikalawang palapag. Noong una’y inakala niyang si Jino at Tara iyon, ngunit nakita niya sa first floor ang dalawang anak na tahimik na nanunuod ng tv. Inisip niyang guni-guni niya lamang iyon.
Nag-aayos si Rico ng sasakyan sa labas noong isang araw nang mapansin niyang bigla nalang nawawala ang mga gamit niya at mamaya’y babalik ito sa puwesto kung saan niya ito huling nakita. Nakulitan siya. Akala niya’y pinaglalaruan lang siya ni Jino, dahil ito naman ang madalas na mangalikot ng mga gamit niya. Ngunit nawala ang isipin na iyon nang makita niya ang maliit na nilalang na tumakbo papasok sa bahay nila. Sinundan pa niya iyon subalit wala naman siyang nadatnan. Iwinaksi nya na lamang sa isipan ang nakita, baka parte lamang iyon ng malikot niyang imahinasyon.
Ika-walong araw na nila sa bahay nang magkasakit si Jino. Hindi ito makatayo at nagsasabing may nakahawak daw sa mga paa nitong maliliit na tao. Ayaw nitong bitiwan ang mga paa niya. Inilarawan pa ni Josh ang mukha ng mga taong iyon, may mahahabang balbas at maliliit na tao lamang sila.
Kinabahan ang mag-asawa at parehong nakadama ng takot. May dala palagi si Grace na holy water na palagi niyang bitbit sa handy bag. Pinunasan niya ang paa ni Josh, noon din ay nakagalaw na ito at sinabing nawala raw ang mga nilalang na nakahawak sa paa niya.
“Mom, Dad, umalis na tayo rito. Ayaw nila tayo rito,” nahihintakutang sabi ni Jino sabay yumakap sa ama nito.
Nagpalitan ng tingin ang mag-asawa. Hudyat na ang pagkakasakit ni Josh na hindi sila gusto ng mga nakatira sa bahay. Alam na nila kung ano ang sinasabi ni Josh, ang mga nilalang iyon na nakatira sa bahay, iyon sila.
Nang araw ding iyon, nagpasya ang pamilya na lisanin ang vacation house. Matapos nilang ayusin ang mga gamit, dinala na nila iyon sa kotse at sabay-sabay na pumasok.
Nang umandar na ang sasakyan, hindi pa nakakalayo sa bahay, biglang may itinuro si Tara sa labas ng bintana.
“Mom! Mom! There’s something there! Small people, they’re smiling at us!”
Napatingin din si Grace at nakita ang mga maliliit na nilalang na may mahahabang balbas. Nasa ikalawang palapag ang mga iyon, nakatingin sa bintana habang lumalayo ang sasakyan nila.
BINABASA MO ANG
WHISPERS OF HORROR [Volume I]
Historia CortaWhispers of Horror Volume I. Collection of 13 short horror stories. [Status: Ongoing]