MGA KALULUWA SA DAGAT
Ian Joseph Barcelon
***
MGA KALULUWA SA DAGAT- PART 2
Nagkaroon kami ng bonfire ng gabi na. Nag-ihaw kami ng baboy para sa hapunan. Silang mga lalaki ang nagningas ng apoy habang kami ni Hazel ang naghanda ng mga makakain.
Nang bumalik na kami ni Hazel dala ang last batch ng inihaw na baboy, inilapag namin 'yon sa mesa at umupo kaming nakapaikot sa apoy.
"Conrad, ayos ka lang?" tanong ko kay Conrad. He's acting quite weird simula pa kanina. Hindi namin alam kung bakit. Nakayakap siya sa mga binti niya habang nanginginig. "Gusto mo ba ng blanket?" Offer ko sa kanya pero umiling siya at walang sinabi.
Pabirong tumawa naman si Harrold. "Gusto niya lang ng yakap ni Ally kaya siya ganyan."
Pinitik ko siya sa tainga. "Stop talking about that girl. Hindi mo ba narinig 'yong mga pinagsasabi niya kanina? She's so creepy."
"B-Babalik na siguro ako sa kotse para m-matulog . . ." nanginginig na pahayag ni Conrad. Tumayo siya at naglakad na palayo. Wala na kaming nagawa kundi ang hayaan siya.
"Masyado ata siyang na-inlove sa babae na hindi niya makayang malayo doon. Ha-ha." Umiling-iling na lang ako sa sinabi ni James.
Tiningnan ko ang minivan kung saan pumasok si Conrad. Naging tahimik na siya simula kanina nang sabihin ni Ally na mag-iingat siya dahil may mga nakapaligid sa kanyang hindi namin nakikita. It was creepy pero naapektuhan kaya talaga si Conrad sa sinabi nito?
Nagkuwentuhan kami habang nag-uusap ng mga unibersidad na papasukan namin sa Manila. Nagkuwentuhan din ng mga magagandang kursong nababagay para sa 'min. Nagtatawanan kaming lahat dahil sa sinabi ni James na magco-cosmetology siya nang marinig naming bumukas ang minivan at tumakbo palabas doon si Conrad na sumisigaw. Awtomatikong napalingon kaming apat.
"Saan siya pupunta? Iihi sa dagat?" pabiro pang hirit ni Harrold. Pero nabahala na kami nang magdere-deretso si Conrad patakbo sa dagat. Malamig ang gabi at nanginginig na siya kanina kaya imposibleng may balak siyang mag-night swimming.
"Ano'ng nangyayari sa kanya?" halos pabulong na sabi ko na ako na lang ang nakakarinig. Tumayo kaming lahat, pinanuod muna si Conrad hanggang sa tumakbo na si James papunta sa kanya at sumunod na rin kami.
Si James ang humabol kay Conrad na noo'y hanggang beywang nang nakalubog sa tubig. Sinisigaw namin ang pangalan niya pero parang wala siyang naririnig at nagpatuloy lamang sa paglangoy sa tubig.
"Conrad! Bumalik ka rito!" sigaw ni James. Mabilis siyang lumangoy kaya't nahawakan niya sa t-shirt si Conrad at hinila pabalik. Mula sa kinatatayuan namin, pansin naming nagpupumiglas si Conrad.
BINABASA MO ANG
WHISPERS OF HORROR [Volume I]
Proză scurtăWhispers of Horror Volume I. Collection of 13 short horror stories. [Status: Ongoing]