Prologue

94 43 36
                                    


Malaki ang ngiti ni Zsarina na pinagmasdan ang malabong repleksyon sa nadaanang aparador ng mamahalin at babasaging seramiks ng kanyang ina. Nakita niya saglit ang sarili na nakasuot ng puting bestida. Iyon ang kanyang damit pangkasal.

Samantala ang kararating lang na si Greg Ivan ay agad tumungo sa silid aklatan ng mamaya lang ay kanya nang magiging biyenan.

Nakalabas ng bulwagan si Zsarina kasama ang mga taong tumulong na mag-ayos sa kanya. Dito ay nakasalubong niya ang mapapangasawa na seryoso ang awra. Nilagpasan siya nito na tila hindi siya nakita.

“Zsari hija,” agad na salubong ng kanyang ina nang makalabas rin ito ng isa pang bulwagan na kumukunekta sa kanilang kusina.

Nakita rin ng kanyang ina ang ginawang pagbalewala ni Greg sa kanyang anak. Ngunit hindi na niya iyon binigyang pansin at agad nilapitan si Zsarina.

“Napakaganda ng aking anak,” nangingiting sambit nito.

Ngumiti rin si Zsarina. “Thanks Mom.”

“Your Dad told me na may pag-uusapan sila ni Greg. I was disappointed dahil anong oras na siya dumating. At hindi ka dapat basta basta lumabas hija, he shouldn’t see you until the ceremony starts.”

“Don’t worry Ma, hindi niya ako nakita,” banggit lamang nito kahit pa halatang hindi iyon totoo.

Nasaktan lang siya nang hindi man lang siya nito tiningnan. Wala na siyang pakialam sa mga ‘dapat’ ng kanyang ina dahil ginusto niyang makita siya agad ng mapapangasawa.

“Go back to your room now. Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang seremonya.”

Ang kasalang magaganap sa dalawa ay piniling sa mansyon nila gaganapin. Kaunti ang mga bisita at pinaghandaan lamang ng babaeng ngayo’y kinakabahang si Zsarina.

Hindi nito naging katuwang ang magiging asawa. Tatlong araw bago ang kasal ay binanggit nitong para lang sa negosyo ang gagawin nilang pagpapakasal. Walang nagawa si Zsarina na pilitin siyang mahalin nito, gayunpaman ay napapayag niya itong pakasalan siya.

Nakukulangan ma’y tinanggap niya na rin ito dahil sa wakas, ang lalaking minamahal na niya noon pa ay kanya na ngayong magiging kabiyak.

“Greg, puwede mo nang halikan ang iyong asawa,” masayang banggit ng isang Attorney.

Saglit na yumuko bahagya ang lalaki saka ito mahinang nagbuntong hininga.

Hinarap niya ang babaeng kailanma’y hindi siya nakaramdam ng pagmamahal— pagmamahal na para siya’y makarelasyon. Itinuring niya itong kaibigan at parang nakababatang kapatid noong sila’y nasa kolehiyo pa lamang.

Ngunit ang pagmamahal na iyon ay napalitan ng pagkamuhi. Hindi niya inasahan na ipipilit ni Zsarina ang siya’y pakasalan. May minamahal itong iba at ito ang nakikita niyang ihaharap sa altar balang-araw. Ngunit ang relasyon niya dito ay nagkaroon ng mga hindi pagkakaunawaan.

“Happy?” sarkastikong sambit ni Greg kay Zsarina saka mabilis na hinalikan ito sa kanyang pisngi.

Nagkaroon ng kantiyawan sa paligid at sinisigaw na halikan ang asawa sa labi. Ngunit ngumiti lamang ito sa kanila at inakbayan ang asawa.

“Smile now, wife,” nabubulong muli nitong sambit kay Zsarina.

Pekeng ngumiti naman ito na pinasalamatan ang mga saksi sa bahagyang pagtungo. Sa loob loob nito ay masaya siya ngunit may bahid din ng lungkot dahil sa nabagong pakikitungo sa kanya ng lalaki.

Lumipas ang oras at malapit nang matapos ang selebrasyon. Hindi malaman ni Zsarina kung saan nagtungo ang asawa. Nawala na kasi ito sa paningin niya matapos ang naging atensyon sa kanila.

Time in Between (Completed)Where stories live. Discover now