Chapter 5 - Stay

62 41 18
                                    

“Are you sure kaya mo na?” tanong ko kay Greg.

We’re both facing the mirror helping him na ayusin ang kurbata niya na hinayaan naman niyang gawin ko. He’s fixing his sleeves at sinuot ang relong ineregalo sa kanya ng Dad niya during his birthday.

It’s been days at siguro’y naging sapat na rin naman ang pahinga niya. Pero hindi ko pa rin maiwasan ang mag-alala.

“I have a lot of works and things to do. Magagahol ako,” walang emosyong sagot nito.

“Gusto mo bang dalhan kita ng lunch mamaya, magluluto din ako ng soup kung gusto mo ng mainit na sabaw.”

“No. I told you no to go there,” he simply said.

Nakaramdam na naman ako ng awa sa sarili. He surely doesn’t want me to go there dahil ayaw niyang nakikita siya ng mga empleyado na kasama ang asawa niya. There is nothing new anyway.

Pero ang buong akala ko ay magtutuloy na ang magandang pakikitungo niya sa akin. I suddenly want to bring back Greg na hinayaan lang akong asikasuhin siya when he’s weak, pero ayaw ko naman na may sakit siya.

Pinagpag ko ng bahagya ang balikat niya telling that it’s fixed from collar to necktie. It suits him really well. I just smiled.

“Make sure makainom ka ng gamot mo,” I said habang kasunod niya akong bumababa ng hagdan.

Iniabot ko sa kanya ang kanyang suitcase smiling at him ang kaso hindi naman siya tumingin kaya inabangan ko na lamang na makasakay siya at ang pag-andar ng kanyang sasakyan hanggang sa makaalis ito.

Now I realized something, siguro kung magkakaanak kami ay magiging okay ang lahat. Baka matutunan niya na akong mahalin, baka hindi na niya ako balewalain dahil my baby na kami. At baka mas magkaroon siya ng oras dito sa bahay para makasama ang anak at hindi na sa trabaho niya.

I suddenly wants to have a baby, iyon lang siguro ang paraan at maibibigay ko para mapasaya siya o mabago ang pakikitungo niya sa akin. But what if kabaliktaran ang mangyari? Iyon talaga ang negatibong bagay na bumabagabag sa akin.

“Manang can we cook for Greg’s lunch?”

Although he said na huwag ko siyang hahatiran ng pagkain ay hindi pa rin ako mapalagay. Kagagaling lang niya sa sakit so I need to take care of him pa rin para masustansyang pagkain ang makakain niya.

“Syempre naman hija. Ano ba ang gusto mong iluto natin para kay Greg?”

“But can you sent it there? Greg doesn’t want me to go there and bring him lunch. Pero kung kayo ang pupunta hindi po iyon makakatanggi.”

“Hay nako kayong mga bata talaga. Oh sya, paglulutuan natin siya at ihahatid ko sa kanya roon. Tutal ay kailangan ko na rin mamalengke.”

I thanked her for doing this with me. We cooked for his lunch at pinasamahan ko na rin ng soup for him to sip at mainitan ang sikmura niya. I called Mom’s driver too para ipahatid si Manang sa kompanya ni Greg.

Then hours later I received a text message from him. Siguro’y nakarating na sa kanya iyon.

‘Hard headed.’

It said. Hindi ko alam pero bigla akong napangiti sa mensahe niyang iyon. I know I can sense his anger but I find it really cute kaya naman hindi ko mapigilan ang pag-ngiti.

“Ang sarap sa pakiramdam makita kang nakangiti ng ganyan hija.”

Nagulat ako nang bigla ay nasa harapan ko na si Manang at siyang nakangiti ring pinagmamasdan ako.

“You came already!” litong tanong ko.

“Ah oo, dumating ako roon at nasa meeting daw ang asawa mo kaya naman ipinaiwan ko na lang sa table niya,” she said. I nod to her na hindi pa rin mawala ang kaba. Iba talaga ang naging gulat ko rito kanina.

Time in Between (Completed)Where stories live. Discover now