Chapter 4 - Save

63 41 17
                                    


We quietly take the road pauwi ng bahay. I just look outside para hindi siya makita habang pigil ang mga luha. Kanina ko pa pilit nilalabanan ang sakit na hindi maipakita sa kanya that I am weak.

“We’re married! Nakipagtalik ako sayo para mabigyan mo ako ng anak! Ng apo sina Mom at Dad! Yun din naman gusto ng magulang mo diba!”

But his words kept haunting me. Nilabanan ko lang siya ng salita kanina dahil ayaw kong bumigay sa masasakit na salitang sinabi niya. That he only wants a child. A child and nothing else.

“Mom please don’t force me to bear a baby. Hindi madali ang gusto ninyong mangyari.” I’m now talking to Mom over the phone. And even her, pinepressure ako sa gusto nilang mangyari.

“What’s wrong about that? Mag-asawa naman kayo ni Greg. Isa pa ay pitong buwan na nang kayo ay ikasal, siguro naman ay tamang panahon na para naman kayo ay magkaanak. Bumuo ng pamilya.”

“It’s not that easy,” I almost whispered.

I don’t know kung paano sasabihin sa kanila ito, nahihirapan akong ipaalam sa kanila because it’s hard for me to open up lalo kung sa mga problema ko na. Even to them, my parents.

“Zsari there is nothing wrong with having a child. Wala naman sa inyo ang may problema hindi ba?”

“I don’t know Mom.”

I don’t know! Siguro sana nga. Sana nga may problema sa akin. Dahil hindi ko na alam kung gugustuhin ko pang sipingan siya kung ang habol at gusto lang naman niya ay anak. It makes me think na kung magkakaanak kami mawawala na ako sa landas niya, mahahati ang atensyon niya or maybe he’ll prioritize the baby at wala na akong papel sa buhay niya. And damn that thoughts.

“I’m sorry,” buntong hininga ko. "Sige na Mom, matutulog na po ako. Bye.”

I ended the call frustrated at my situation. And for awhile pinahinga ko muna ang aking utak sa kaiisip. Pinilit kong umidlip at saglit na kinalimutan ang lahat.

Ngunit hindi pa man nagtatagal ay nagmulat ako. Hindi na naman magawang dumalaw sa akin ng antok. “Dang it!”

Lumabas ako ng kwarto para sana hanapin ang asawa ko pero nakita ko na siyang natutulog sa guestroom. Nasanay na rin naman ako sa ganitong set up, okay lang ang mahalaga ay hindi siya nambababae. May tiwala ako sa kanya, he’ll think of me first because he knows that we’re married. Hindi ito gagawa ng kung anong ikasisira muli ng imahe niya.

Siguro bukas ay hindi na lamang ako makikipagtalo sa kanya, ayaw ko nang may hindi kami pagkakaintindihan. All my life I’m hoping for a happy family, siya na asawa ko at ang magiging anak namin.

Pero ngayon mahirap abutin, mahirap na palambutin ang kanyang puso para sa akin. Ngunit patuloy pa rin akong umaasa na balang-araw ay mamahalin niya din ako.

I kissed him as I comb my fingers sa buhok niyang nababagay sa kanya. “Goodnight Greg.”

No matter how much you pushed me away mananatili lang ako sa tabi mo. Kahit magalit ang puso ko ikaw pa rin ang isisigaw at isisigaw nito. Gabi-gabi akong nagdarasal na sana... sana ay may kaunting puwang d’yan sa puso mo na ako ang minamahal. Maghihintay ako.

Kinabukasan ay maaga muling umalis si Greg for his business trip. Agad agad pala talaga, is he really that eager para iwasan ako? Hindi man lang siya nagpaasikaso kanina at kay Manang lamang ito nag-utos ng ibang kailangan niya.

Ibinalik ko sa closet ang ilan sa mga suit at tie na nagkalat sa kama. Siya ang nagsipili ng kanyang mga dadalhin at nag-ayos nito. Ni hindi na rin siya nagpatulong kay Manang.

Time in Between (Completed)Where stories live. Discover now