Chapter 13 - Regret

62 44 12
                                    


“I did something.”

Naghahalo na ang nararamdaman ko at ngayong nakikita ko siyang ganito ay nananaig pa din ang pagmamahal ko sa kanya. May bahagi dito sa puso ko na pinagkakatiwalaan pa siya. Pero ano nga bang laban nito sa isip kong nagsasabi na hindi ako ang minamahal niya.

Hinayaan ko na ang distansya namin ay balutin ng minsang katahimikan, mula sa puwesto niyang nasisinagan ngayon ng araw at ako ngayon dito na natatago sa kaunting dilim. Hinihiling na kayanin ang pait ng kanyang sasabihin.

“I did something na hindi na dapat. Akala ko magiging okay lang dahil hindi mo naman kailangang malaman,” patuloy nito.

Kumirot ang puso ko. At sa sobrang sakit tila nawasak na sa hinagpis ito. Hindi kailangang malaman na may lihim silang pagkikita?

Mapait akong ngumisi.

“Pero hindi ko kayang pagsinungalingan ka. I’m sorry Zsarina,” he looked at me at nakita ko ang tumulong luha sa mga mata niya. “Naguguluhan ako. Para akong naliligaw ng landas. Hindi ko pa malaman,” he cried.

Siguro’y malalim ang ibig niyang sabihin ngunit hindi niya iyon masabi. Ano ba ang ikinatatakot niya?

“Please, tell me straight,” sambit ko na nananatili pa din ang tingin sa kanya. I want to hear it straight from him. Ang aminin niya lahat.

“She’s back,” tanging sagot niya.

Minuto muli kaming tumahimik at tiningnan lang ang isa’t-isa.

This is what you want Zsarina, na sabihin niya sayo ang totoo. Pero ang sakit pa din dahil may posibilidad na balikan niya ang babaeng minahal niya.

“Ayaw kong ilihim sa ‘yo,” aniya na pareho na kaming humihikbi ng tahimik.

Huminga ako ng malalim. “If I stay, tutuparin mo pa rin ba yung pinangako mo?” pilit kong tanong mula sa paghikbi.

Mataman niya akong tiningnan at puno ng emosyong sumagot. “She’s sick.”

“I didn’t blame you! Eh sa hirap ka naman talagang magbuntis!”

Nanatili ang tingin ko sa kanya habang nagtitimpi sa galit. He’s giving me now a reason para sumuko at para kamuhian siya lalo. “Kaya hirap mo rin akong mahalin.”

“That’s not the issue.”

“It is.”

We both stopped for a moment. Napako na din ang tingin niya sa kalangitan. Ganoon din ako. Isang mahabang katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Umakyat din lahat ng galit at frustrations ko and for the first time sa pagsasama namin ay nasaktan ko siya dulot ng matinding galit. Hell! That serves him right.

“Is there something wrong Greg? Zsari?” Olive walked near us.

Tumikhim ang asawa ko at sinagot ito. Ako nama’y umiwas ng tingin sa kanila. “We’re fine Olive. Magpapaalam na sana kami, medyo hindi lang maganda pakiramdam ni Zsari.”

“Huh? Are you okay Zsarina?”

Ngumiti ako kay Olive telling her I’m still fine. Siya na rin ang nagpaalam sa amin. Reaching his car we both said our goodbyes.

“If you want to be with her then go.” I said as I hop in at nang makitang pumasok na sina Olive.

Naramdaman ko ang muling paglingon niya sa akin not saying any words. “Go!” bulyaw ko pang muli.

“Ano ba Zsari! Why would you say that out of the blue? Dahil lang doon aabot ka sa ganito?”

“Greg hindi lang maliit na bagay ‘yon para sa ‘kin! I’ve had enough!” I sighed at muling kumalma. Ayaw ko nang magbanggit ng kahit ano pa dahil punong puno na ako. “Just go Greg!”

Time in Between (Completed)Where stories live. Discover now