‘Pwede ba tayong magkita?’
Nagdesisyon akong makipagkita hindi kay Greg. Batid kong importante ang malalaman ko kaya naman nagmadali akong pumunta sa sinabi niyang lugar. At nakita ko naman agad siya na naghihitay sa isang restaurant.
“Hindi mo kasama si Carl?” tanong ko nang maupo sa harap niya.
“He’s with me. Hinihintay niya ako sa labas,” aniya.
Hindi kami umimik ng ilang minuto. Ito ang unang pagkakataon na makakapag-usap kami sa ganitong paraan. Pinagmasdan ko siya na tila kinakabahan sa harap ko.
“Kamusta?” I asked and she smiled.
I don’t know what to feel right now but I don’t feel strange, siguro dahil na rin sa eager kong malaman pa ang panig niya.
“I’m good. Salamat at pumayag kang makipagkita, Zsarina.”
Huminga ako ng malalim saka mataman siyang tiningnan. Ang kanyang mukha ay mapapansin mong maaliwalas gayupaman ay malungkot ito. Mahihimigan rin ito sa kanyang boses.
“Kung may sasabihin ka sabihin mo na, Samantha.”
Ngayon ay may isa akong nararamdaman. Mayroong hindi maganda sa sasabihin niya. Kung ano man iyon nakahanda akong pakinggan.
“Zsarina, gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng nagawa ko. Sa panggugulo ko sa inyo ni Greg,” she said.
Nakikita ko sa malalim niyang mata ang inaasam niyang kapatawaran. Pero, nakahanda ba akong tanggapin iyon? Hindi ko alam. Ayaw ko nang magalit pero yung sakit na idinulot sa akin ng pangyayari ay naririto pa.
At hindi ko rin makuha ang ibig sabihin niya, I mean ito na, nangyari na ang gusto niya. Tinanggap ni Greg ang magiging anak nila. Kaya ba siya humihingi ng tawad ay dahil nakokonsensya siya na nasira kaming mag-asawa?
Tumingin ito sa paligid saka bahagyang umurong paharap sa akin at inabot ang aking kamay. “I’m sick.”
By that moment I didn’t able to speak. Hindi ko alam ang isasagot dito at tanging pagtitig lang ang nagawa ko.
She looks again everywhere, para bang ang mga mata niya ay nagbabantay. “I don’t think I’ll be able to live.”
“Wait what?” I suddenly burst. Hindi ko inasahan ang salitang iyon na lumabas sa kanyang bibig.
“Zsarina,” she looks at me straight and serious. “I’m sick. I have heart complications.”
“You can’t... be serious.”
She sighed as she tighten her grip in my hands. “I am. May sakit ako sa puso, Zsarina. Nang malaman kong nagdadalang tao ako, natakot ako sa magiging epekto nito sa akin at sa baby. Pero kinaya ko, kinakaya ko dahil gusto ko siyang mabuhay. Kahit siya na lang.”
My heart raced when I heard her confession. May sakit siya sa puso? It will really affect her pregnancy, probably kapag ipinanganak niya ang bata.
I stopped for a moment. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. I really can’t believe it. I want to say no sa ipinahihiwatig niya because I know hindi ako dito magiging okay.
“May hiling lang ako sa iyo...”
Nakita ko ang butil ng luha na tumulo sa kanya. At sa puntong iyon ay nakakadama na ako ng mas kakaibang kaba.
Hinigpitan niyang muli ang hawak sa kamay ko. “Please, let me be with Greg habang ipinagbubuntis ko ang bata. Pagkatapos kong manganak... lalayo na ‘ko. Lalayo ako sa inyo. Alam kong kayo dapat ang magkasama, kayo ang itinakda talaga ng tadhana, tanggap ko na ‘yon. Just please... hayaan mo lang ako na makasama siya sa huling pagkakataon.”
YOU ARE READING
Time in Between (Completed)
RomanceA crucial life of Zsarina being married to a man she loved for a long time. But their marriage is only a business proposal to Greg. An imperfect CEO and an unemployed heir daughter of Del Valle Group grows different feelings and affection with each...