Maybe, trust can heighten hopes. Yung akala kong mawawala na but because I trusted him and myself that much na hindi kami sa ganoon lang matatapos ay nangyaring ibinigay pa rin siya sa akin ng tadhana. I’m just so glad na ginawa pa rin niya ang tama.We’re eating now our breakfast at maganda ang gising ko dahil alam kong nanatili si Greg sa tabi ko. Maayos akong nakatulog kagabi at pakiramdam ko ay hindi mawala ang ngiti ko ngayon.
“Hija, nakakatakot ang mga ngiti mo,” Manang Adelle interrupts.
Luminya ang kaninang nakangiti na labi ko at kunot noong tinapunan siya ng tingin.
“Quiet!” mahinang singhal ko lamang sa kanya.
I looked at Greg na walang emosyong nakatingin sa akin. I cough signing them that it’s not my smile, I never smiled infront of them though I know Manang saw me kahapon. Pero laging pilit at pekeng ngiti ang naipapakita ko kay Greg, isang beses lang siguro nang gumising akong masaya dahil sa nangyari sa amin, but it didn’t last.
Hindi rin ako nagpapakita ng masayang aura sa harap ni Manang Adelle kahit noon pa man. I used to be like this, hindi lang naman si Greg ang may cold na aura. But recently my smile seems to be noticeable.
Tinuloy ko ang pagkain na hindi na pinansin ang asawa na bumaling ulit sa dyaryong kanyang binabasa mula pa kanina. Hindi ko na rin binanggit ang tungkol sa pagkikita nila ni Samantha kagabi at kung anong pinag-usapan nila, dahil ang mahalaga ay narito si Greg and he will stay.
After the breakfast I saw him working on his laptop, puno ng mga papel ang desk niya at isang basong wala nang lamang tubig.
Patuloy akong pumasok ng kwarto at ipinalit ang basong hawak ko na naglalaman ng tubig. Kinuha ko ang kaninang baso nito saka pinasadahan ng tingin ang mga papel.
“Nahihirapan ka bang dito mo ginagawa ‘yan?” I asked.
He should work all of this sa office lang niya dahil malawak ang working space nito roon at may mag-aassist na sekretarya sa kanya.
“It’s fine. I can still manage working here,” it said as he focused on his screen, “Naisip kong hindi munang pumasok at dito na lang gawin ang mga ito. Pakiayos na lang muna itong working sheets na ‘to,” aniya.
I was shocked and didn’t expect his long response. Gayunpaman ay hindi na ako nanguwestiyon at inayos ang kanyang paligid gaya ng kanyang sinabi. Though It’s fine with me, na nandito siya sa bahay.
“I called your mom. Sa inyo tayo magdi-dinner,” he exclaimed again.
I just look at him in disbelief. After a long time, he firstly decided na sa bahay kami magdi-dinner. Sumilay ang mga ngiti sa aking labi. I just can’t believe na sasabihin niya iyon at interesado siya sa bagay na iyon na importante sa akin. That only means na binibigyang halaga rin niya ang simpleng okasyon na makasama sa hapunan ang magulang ko.
Literally I am spoiled but I never did stupid things like hurting my parents by talking back to them or what, or maging sutil sa kanila. I guess the only stupid thing na nagawa ko ay ang ipilit na maipakasal sa akin si Greg, iyon lang, comes from my stupid heart, stupid brain and stupid feelings for him!
And all of this were just satisfying. Slowly I can feel the consideration my husband is giving me. He cares, he at least sees me as his wife now. Mga pagbabagong hindi ko inasahang mangyayari bigla pagkatapos ng maraming away at pagiging malamig sa isa’t-isa. Though he really doesn’t show much affection ay naging maayos pa rin kaysa noon.
Malaki na rin talaga ang nabago sa amin. Madalas kaming nakakapag-usap kahit pa walang emosyon siya kung tumugon minsan. Pakiramdam ko unti-unti ay nagigiba ang pader na nakaharang sa pagitan namin dulot ng pagkamuhi niya sa akin mula nang kami ay maikasal.
YOU ARE READING
Time in Between (Completed)
RomantikA crucial life of Zsarina being married to a man she loved for a long time. But their marriage is only a business proposal to Greg. An imperfect CEO and an unemployed heir daughter of Del Valle Group grows different feelings and affection with each...