I do check ups and consultations para sa paghahanda ng pagbubuntis ko. Greg’s also supporting me sa bagay na iyon. Though we both felt disappointed sa mga naunang trials ay hindi na namin inisip iyon to stressed ourselves. We’re living good and this days ay naging busy siya lalo sa kompanya.“Goodmorning wife,” napatingin ako sa kanya na pumasok sa kwarto dala ang isang tray. “Francis called. He’s inviting us sa first birthday ng anak niya,” aniya habang inilalapag sa ibabaw ko ang dala.
“Breakfast in bed?” I curiously asked. Nangisi ako on how he really changes. Nakakagulat pa rin kasi.
“Yes, naisip ko lang gawin. Dapat lang siguro na pagsilbihan ko rin ang asawa ko,” he answered.
Nanatili lang akong nakatingin lang sa kanya na wala namang ngiti sa mukha, straight lang talaga. That’s the one thing na hindi nagbabago, natural na nga siguro ang malamig na mga tingin niya. That’s him simula pa nung makilala ko siya at iyon din ang nagustuhan ko sa kanya.
“You’re looking at me weird,” aniya na waring tinetest ang mukha ko.
“Why?”
“Nothing. May mga naalala lang ako,” sambit ko.
Gaya ko ay nanatili din ang mga tingin nito sa akin. Kinuha niya ang kutsara’t tinidor saka iyon inabot. “Eat,” he simply said.
I smiled at nagsimula nang kumain. Pumuwesto naman siya sa dulong bahagi ng kama at doon naupo paharap sa akin. “As I was saying, my cousin is inviting us sa birthday party ng baby niya tomorrow. I can take my leave for that. It’s my niece’s party.”
Francis’ his first cousin sa father side. At sila ang pinakaclose. I met them during our engagement, at gaya namin matagal din bago sila nagkababy. Kaya nagiging pag-asa ko rin kung anong pinagdaanan nila, Olive waited for long and now their angel came.
“Really? We should buy her a gift then,” sambit ko at saka nagsimulang kumain.
“I have a meeting before lunch. Proposal for a new advocacy. Magpasama ka na lang kina Manang Adelle later. I’ll call you,” aniya na humiga hawak ang kanyang sintido. I saw his face enduring it. Minasahe niya rin ito ng bahagya.
“Are you okay?” I asked
“Migraine. Magpapahinga lang ako sandali.”
“Did you eat?” muli kong tanong.
Tumango ito at ipinikit ang mga mata. “Finish your food,” huling narinig ko sa kanya bago ito umidlip.
Hinayaan ko siya na makapagpahinga saglit, epekto rin siguro ito sa subsob niyang trabaho sa opisina. Inihanda ko na lang ang babaunin nito pagkatapos kong mag-almusal.
Nang mag alas-otso na ay nakapasok din siya na maayos na ang pakiramdam. And now I’m thinking of doing salon kaya hindi na lang ako magpapasama kay manang. So I texted Amber and invite her for a treat.
And as for the baby, naisip kong iregalo ay polaroid, I want it to have her every moment to be captured at ang piece na iyon ay maite-treasure. Dinagdagan ko na rin ng dresses and shoes for a 1 year old baby like what Greg said, he’s thinking for a bunch of dresses as a gift dahil sa pamilya ng Dad nito ay walang anak na babae. Francis’ daughter was the first girl born, and I’m hoping na sana kami rin ay mabiyayaan na.
“So, Zsari how’s the marriage life? Kamusta ang maging asawa si Greg,” usisa niya na akala mo’y hindi nito tinatanong iyon kapag magkikita kami. She’s being sarcastic again.
I’m sitting infront of the mirror at nakikita ko ang pumupungay niyang mata. “It’s awesome!” I sarcastically said too.
“Nga pala. Kamusta sila ni Andy?” biglang seryosong tanong nito. “Did they reconcile na ba?”
YOU ARE READING
Time in Between (Completed)
RomanceA crucial life of Zsarina being married to a man she loved for a long time. But their marriage is only a business proposal to Greg. An imperfect CEO and an unemployed heir daughter of Del Valle Group grows different feelings and affection with each...