If things turned out into this situation, how would I handle my emotions? Ang lahat ng inipon kong pag-asa agad ding maglalaho.
I drove my way home na hindi na inalam kung anong nangyari sa kanila. Madaming senaryo ang pumapasok sa utak ko, ang nangyayari sa kanila at ang mangyayari sa hinaharap.
Hindi ko gustong bumitaw kahit lumiit na lang ang natitirang pagtitimpi ko. Gusto kong magbigay ng pagkakataon. I want to know kung magsasabi sya o ililihim ang nakita ko na kanina. If he’s choosing me, anong dahilan para gawin niya iyon muli.
“Zsari hija. Hindi kayo nagkita ni Greg?” Manang asked nang makapasok ako ng bahay.
I sighed deeply na kanina ko pa ginagawa. Pakiramdam ko ay nalulunod ako sa lalim ng aking paghinga, dulot ng sakit at dulot ng mga salitang hindi ko sigurado kung totoo bang galing sa puso niya.
“Hindi po,” sagot ko lamang at nagpauna nang umakyat.
“Hindi ba’t ang sabi niya ay tatawagan ka niya,” pahabol na salita pa nito ngunit hindi ko na siya sinagot.
Dumiretso ako ng banyo at agad pinatianod sa agos ng tubig ang luha. Sa aking pagpikit ay agad naalala ng utak ko ang pangyayari kanina. When they both hugged each other. Pangyayaring hindi ko kinayang makita.
Mabilis lang din akong naligo para agad na makapagpahinga dahil kung maabutan niya akong gising ay baka maibulalas ko lang sa kanya ang aking hinagpis. But damn! Hindi ako makatulog sa pag-aalalang hindi pa rin umuuwi si Greg.
“Is he not coming home?” napabalikwas ako bigla sa isiping iyon.
I looked at the wall clock at nakitang maghahating gabi na. Tiningnan ko rin ang cellphone ko ngunit walang mensaheng galing sa kanya.
Nagsasaya na ba sila ngayon? Masaya na bang muli ang asawa ko dahil sa pagbalik ng babaing iyon? Damn this thoughts. Nagiging paranoid na ako knowing na sila ang magkasama hanggang ngayon.
Pinatay ko ang lampshade na tanging nagbibigay ng liwanag sa kwarto, dahil kung dumating man siya ayaw kong makita niya ang namumugto kong mga mata.
Sa tinagal pang minuto ay nakarinig na ako ng pagbukas ng pinto at sumilay ang kaunting liwanag na nanggaling sa labas. Hindi ko pa naaaninag ang pigura niya kaya kinuha ko ang pagkakataon na iyon para tumalikod, hinayaan ko lang din ang sarili ko na magkunwaring natutulog.
I can hear his footsteps na papalapit ngayon sa akin. Naramdaman ko ang paggalaw ng kama at naamoy rin ang kanyang bango. It’s him.
Now I hated myself for loving him so much. Paano ko ba nagagawang balewalain ang mga sakit na dinudulot niya. Bakit madali lang sa akin na pagbigyan siya at patawarin ang kasalanan niya. May tuwa sa puso kong nandito siya, pero hindi na ako kampante.
Ilang minuto siyang tahimik lang bagamat dalawang beses kong narinig ang kanyang buntong hininga.
Tell me, just tell me everything. Nakahanda lang ako makinig, basta sasabihin mo’t hindi pagsisinungalingan ang pagkikita ninyong dalawa.
“I’m sorry.”
Tuluyang tumulo muli ang luhang pinipigilan ko kanina. And that’s it. Parang tinapos niya na ang lahat.
Hindi ko mawari kung saan siya humihingi ng tawad. Pero pinakaayaw kong isipin na nagsosorry siya dahil hindi niya matupad ang kanyang sinabi noon.
Naalala ko na lang na labis ang hinagpis ng puso ko nang maramdaman ang pag-alis nito sa tabi ko. He left at heto ako, tila nanigas sa pagkakahiga dulot ng sakit. Siguro sa kakaiyak at pagod kaya agad na rin akong nakatulog.
—
Hapon nang mapagdesisyunan kong alamin ang kinaroroonan ni Samantha. Hindi ako mapalagay at hindi makatulog dahil sa mga katanungan ko sa sarili.
YOU ARE READING
Time in Between (Completed)
RomanceA crucial life of Zsarina being married to a man she loved for a long time. But their marriage is only a business proposal to Greg. An imperfect CEO and an unemployed heir daughter of Del Valle Group grows different feelings and affection with each...