Taeyeon's POV
Kakatapos ko lang ihanda yung gamit ko. Nandito na ko sa kama ko, nakatingin lang sa ceiling ng boarding house na tinitirhan namin na konti nalang lumundag lundag ka para gumuho na sa sobrang luma.
Hindi ako makatulog kaya magpapakilala nalang ako. Tutal hindi ako nagpakilala kanina.
Ako nga pala si Kim Taeyeon. Ulila na ko, namatay ang magulang ko sa plane crash nung 11 years old pa lang ako.
Doon ako nakituloy sa tiyahin kong maldita, kaya nung magha-highschool na ko, napagpasyahan kong lumipat ng matitirhan. Hindi ko pala pinagpasyahan na lumipat, sila ang nagpasyang palayasin ako sa bahay nila. Ang saklap lang talaga ng buhay.
Magka-college na ako sa pasukan. Hindi naman ako nag-iisip sa tuition fee dahil scholar ako.
Nagpapasalamat nalang ako sa mga magulang ko dahil kahit iniwan nila ako, namana ko naman yung katalinuhan nila. Chos lang! Comedy ang storya ng buhay ko tapos ginawang drama ni author! -_-
Napag-isipan kong kumuha ng HRM (Hotel and Restaurant Management) mahilg kasi akong magluto at pangarap kong magtrabaho sa isang 5 star hotel.
So yun lang naman ang mga importanteng detalye sa buhay ko. Charot!
Hindi pa rin ako makatulog, nae-excite ako bukas eh. Hindi ko pala natanong kay ate Mitch kung lalaki ba o babae yung aalagaan ko. Pero bahala na.
*bzzt bzzt*
Binuksan ko ang cellphone ko na naghihingalo na dahil bukod sa lagi kong nahuhulog, limang taon ko na tong ginagamit. Ganyan ako kahirap, ni-cellphone di ako makabili.
Pagtingin ko sa screen, number lang ang nakalagay. In-open ko ito.
From: 0921*******
Good evening. Is this Kim Taeyeon? Si Michelle Ocampo ito. Saan ka pala nakatira? Para masundo kita. Thank you.
Oo nga pala, hindi ko pa nabibigay yung address ko. Si-nave ko muna yung number ni ate Mitch tsaka siya nireplyan.
To: Ate Mitch
Good evening din po ate. 244 Kalayaan St. Quezon City po ang address ko. Salamat po.
At sinend ko na. Excited na talaga ako bukas!
(A/N: Yung address po ni Taeyeon inimbento ko lang, pagpasensyahan niyo na kung mali-mali. Salamat sa pagbabasa!)
*bzzt bzzt*
Dali-dali kong binuksan yung text sakin ni ate Mitch.
From: Ate Mitch
Okay. Thank you :)
Hindi ko na siya nireplyan, baka matutulog na rin siya. In-off ko na yung phone ko at natulog na.
---
A/N: Sorry po kung masyadong maikli ang chapter na to. Salamat po sa pagbabasa. Vote and Comments po. Tenchuuu :**
BINABASA MO ANG
His Personal Maid [SeYeon ff]
FanfictionWala ng description! Basahin niyo nalang para malaman niyo. Mwahahahaha!
![His Personal Maid [SeYeon ff]](https://img.wattpad.com/cover/39379041-64-k938322.jpg)