Taeyeon's POV
"Taeng, table number 6 daw. Diba paboritong number mo yun? Kaya ipauubaya ko nalang sayo." sabi sakin ni Fany at pinuntahan niya yung iba pang table.
Agad akong pumunta sa table number 6. Favorite number ko yun eh, March 6 kasi yung birthday ko. Wala lang, share ko lang.
"Good evening Ma'am, what's your order?" tanong ko dun sa babaeng mukhang mayaman, naka iPhone eh.
Nginitian niya naman ako.
"Coffee nalang. Thank you." sabi niya sakin habang nakangiti. Ang bait niya, maganda pa.
"Ok po ma'am. Hintay lang po muna kayo. Thank you po." magalang na sabi ko sa kanya at umalis na ko.
Pagkatapos kong itimpla yung kape nilagay ko na ito sa tray at pumunta sa table number 6.
"Here's your order ma'am." sabay lapag ko ng kape sa mesa.
"Thanks. Ang hirap ng trabaho niyo, lalo na kapag marami ang customers. Order dito, order doon." sabi niya, bago pa ko makaalis
Nabigla ako nung kinausap niya ako, pero dapat maging mabait ako.
Atleast may customer pa rin palang nakaka intindi samin, yung iba kasi grabe kung manermon.
"Kahit mahirap ma'am, kakayanin. Hehe" sabi ko sa kanya.
"Magkano ba ang sweldo niyo dito?" tanong niya sakin
"1,200 pesos po ma'am." sagot ko sa kanya.
"Whoa. Ang baba naman."
"Eh part time job ko lang po ito ma'am. Working student po kasi ako."
"Oh. Nasan ba ang parents mo-- ay, I'm sorry. Masyado na yatang personal ang tanong ko. By the way, I'm Michelle Ocampo. And you are?"
"Ako po si Kim Taeyeon. Nice meeting you po Ma'am." At nag-bow ako sa kanya, sign ng paggalang.
"Naku wag mo na kong tawaging Ma'am. Ate Mitch nalang. Nga pala, gusto mo ba ng trabaho?"
Ano naman kayang trabaho? Baka naman gagawin niya akong G.R.O? Ayoko naman nun, hindi ako bayarang babae nuh.
"Anong klaseng trabaho po ma'am... este Ate Mitch pala." takang tanong ko sa kanya.
"Yung kaibigan kasi ng kapatid ko kailangan ng personal maid. Libre naman yung pagkain, doon ka na rin matutulog sa bahay nila. 50,000 per month. Gusto mo ba?"
Grabe! 50,000?! Anlaking pera nun. Tsaka madali lang namang mag-alaga ng bata eh.
"Sige po ma'am. Papayag po ako. Ano po yung requirements?" masiglang sabi ko sakanya. Syempre masigla, pera yan eh!
"Maraming pasensya." sagot naman niya sakin.
Sus! Pasensya lang pala eh. Andami ko nun.
"Yun lang po?" pagsisigurado ko.
Mahirap na, baka kelangan pa ng NBI, report card nung nakaraang pasukan, Birth Certificate at marami pang iba.
"Oo yun lang. So ano? Deal?" sabay lahad niya ng kamay, para makipag shake hands.
"Deal." sabi ko sabay tanggap ng kamay niya.
"Bukas ka na magstart. Susunduin nalang kita sa bahay niyo. Pwede kong mahingi yung number mo?"
Dinikta ko naman sa kanya yung number ko. Pagkatapos nun, umalis na siya at bumalik na din ako sa counter. Kaunti nalang yung mga customer. Anong oras na kaya?
Pagtingin ko sa orasan 9:30 na pala. Masyado yatang napatagal yung pag uusap namin ni ate Mitch. Pero ok lang, atleast may bago na kong trabaho. Yehey!
"Uy! Di ka pa uuwi? Sabay nalang tayo." tanong sakin ni Fany.
Bestfriend ko pala si Fany at katrabaho ko na rin. Sa iisang boarding house lang kami nakatira, kaya lagi kaming sabay umuwi.
"Wait lang. Ayusin ko lang yung gamit ko."
sabi ko sa kanya.
Pagkatapos kong ayusin yung gamit ko, pinuntahan ko muna yung may ari ng restaurant na pinagtatrabahuhan ko para makapagpaalam na din.
Pagkatapos nun unuwi na kami ni Fany. Kinwento ko sa kanya yung pinagusapan namin kanina ni ate Mitch. At masaya siya para sakin.
BINABASA MO ANG
His Personal Maid [SeYeon ff]
FanfictionWala ng description! Basahin niyo nalang para malaman niyo. Mwahahahaha!
![His Personal Maid [SeYeon ff]](https://img.wattpad.com/cover/39379041-64-k938322.jpg)