Taeyeon's POV
*kriiiing kriiiiiing!*
Pinatay ko ang alarm clock dahil tinatamad pa kong gumising.
Gusto ko pang matuloooog!
Wait lang.. Ano bang meron ngayon?
Loading...
Loading.....
Loading....
Agad akong napabalikwas nang malaman ko kung anong araw ngayon.
First day of school!
Mabilis kong kinuha ang bath towel at tumungo sa banyo.
Ginawa ko na ang morning rituals ko at pagkatapos kong magbihis dumiretso na ako sa kusina para ipaghanda si Sehun ng almusal.
Ang astig lang ng school namin kasi di uso uniform.
Napansin kong di pa bumababa si Sehun, 6 am na at may isang oras pa siya para maghanda.
Tumungo ako sa kwarto niya at nakita kong nakahiga pa rin siya sa kama niya at mahimbing na natutulog.
"Sehun, gising na." gising ko sa kanya.
Pero wala pa rin, tulog pa rin si baba.
"Sehunaaa! First day of school ngayon, ulol!" nakapamewang na sigaw ko sa kanya.
Agad siyang bumangon at patakbong pumunta sa cr.
Aba himala! Hindi siya nagreklamo.
Excited siguro tong pumasok eh.
Bumaba na ako at inunahan ko na siyang magbreakfast, habang kumakain ako nakita kong pababa na siya.
Magulo ang buhok niya pero gwapo pa rin siya--
Shocks! Ano ba tong iniisip ko?!
Pangit yan Taeyeon! Suplado na nga mahaba pa yung baba!
~
Nandito ako sa loob ng taxi, papunta sa Oh-Kim University.
Excited na talaga ako!
Tumigil na ang taxi at binayaran ko na ang pamasahe ko.
Akala ko singkwenta ang pamasahe?!
Ba't bente lang yung kinuha ni manong driver?
"Kuya, akala ko ba singkwenta yung bayad?" tanong ko sa kanya.
Baka kasi naduling lang siya sa pagbibilang ng sukli.
"Hayaan mo nalang ineng. Salamat sa pagsakay." sabi niya at pinaandar na ang sasakyan at umalis.
Ba't ang babait ng mga tao ngayon?
Naniniwala na talaga ako sa himala.
Bago ako makapasok sa gate ng school, binigyan muna ako ni manong guard ng isang file, nandoon daw ang section ko at kung ano ang mga subjects ko.
Pagpasok ko sa University, grabe!
Manghang-mangha ako, supeeer!
"Taeyeon!!" napalingon ako nung marinig ko ang pangalan ko.
Nakita ko sina Luhan at Tao na papalapit sakin.
Hihimatayin na yata ako! Whooo!
Ang gwapo kasi ni Luhan. Yieeee!
"Good morning Taeng!" bati nila sakin.
"Good morning." bati ko rin sa kanila. Napansin kong pinagtitinginan na pala kami ng ibang estudyante.
Masama bang kausapin sila? Tss.
"Si Sehun kasama mo?" tanong sakin ni Luhan.
Buti pa si Sehun hinahanap niya. Huhu T_T
BINABASA MO ANG
His Personal Maid [SeYeon ff]
FanfictionWala ng description! Basahin niyo nalang para malaman niyo. Mwahahahaha!
![His Personal Maid [SeYeon ff]](https://img.wattpad.com/cover/39379041-64-k938322.jpg)