Chapter 9

48 2 2
                                    

Taeyeon's POV

Sunday ngayon at sa kasamaang palad, hindi ako nakasimba.

Nandito ako sa kwarto ko at wala namang magawa. Boring din pala dito. Tsk!

9 o' clock na pero di parin gising si Sehun, pupunta nalang ako sa kwarto niya.

Anong gagawin ko? Malamang gigisingin siya.

Baka pagalitan pa ko ni Mr. Oh kung di ko siya dinidisiplina no!

Naligo muna ako at nagbihis na ng normal na pambahay.

Lumabas na ako ng kwarto ko at pumunta sa tapat ng pinto ng kwarto niya.

Pipihitin ko na sana yung knob pero laking gulat ko nung bumukas yung pinto.

"What?" sabi niya habang kinukusot ang mga mata.

Halatang bagong gising.

"Gigisingin sana kita pero gising ka na pala."

"Tss." sabi niya at sinaraduhan ako ng pinto.

Babalik na sana ako sa kwarto ko ng makasalubong ko si Luhan.

"Good morning Taeng. Musta tulog?" nakangiting bungad niya sakin.

Hayyy. Ang gwapo niya.

"Ayos lang." sabi ko at nginitian siya.

"Uy, mamimili kami ng school supplies mamaya. Sama ka?"

"Sig--

"Hindi siya sasama." nagulat ako nung biglang may nagsalita sa likod ko.

Paglingon ko..

Tss. Sabi ko na nga ba. Yung kontrabida sa buhay ko nandito na naman.

"Bakit naman Sehun?" tanong ni Luhan.

"Mapapagastos pa ko sa kanya." matigas na sabi ni Sehun.

"Wait lang. Taeng, may school supplies ka na?" tanong sakin ni Luhan.

"Wala pa. Pero okay lang sakin kung di ako sasama. Una na ko ha?" sabi ko at aalis na sana ng pero hinarangan ako ni Luhan.

"Ako nalang yung bibili ng school supplies mo Taeng." sabi niya sakin.

"Luhan, wag mong pilitin yung ayaw." sabi ni Sehun.

Kahit kailan talaga panira yung bwiset na to!

"Ikaw lang naman yung nagsabi na wag siyang sumama eh. Tsaka pera ko naman yung gagamitin namin." pagpipilit ni Luhan.

"Tsk! Bahala kayo." naiinis na sabi ni Sehun at pumasok nalang ulit sa kwarto niya.

"Sama ka Taeng ah." sabi sakin ni Luhan at umalis na.

"Mamayang 10 o' clock tayo aalis. Kasama natin yung buong EXO." habol niya at umalis na.

After 45 mimutes (chos!)

Bumaba na ako at nakita ko sina Lay at Suho sa sala.

"Hi Taeng!" bati nila sakin.

"Hello. Asan yung iba?" tanong ko sa kanila.

"Si Luhan sa kwarto pa ni Sehun at yung iba sa kusina, kumakain." sagot sakin ni Suho.

Pumunta ako sa kusina dahil nakaramdam ako ng uhaw.

Pagpunta ko doon...

*Boogsh!*

"Hala! Taeng!"

"Sabi ko sa inyo eh!"

"Taeng, okay ka lang?" tanong sakin ni Tao at kinuha yung paper plate sa mukha ko kung saan nakalagay yung cake.

"O-okay lang." napipilitang sabi ko kaya nalasahan ko yung cake.

Yummm. Chocolate!

Favorite flavor ko ng cake.

"Sorry Taeyeon." sabi sakin ni Baekhyun at lumuhod pa talaga siya sa harapan ko.

"Oy, ano yan?" sakto namang dumating sina Luhan at Sehun.

"Tss. Ngayon lang siguro nakakain ng cake kaya ganyan yung itsura." sabi ni Sehun na halata namang pinariringgan ako.

"Hindi ah! Si Baekhyun kasi.. Nagfood fight sila ni D.O, ihahagis na sana ni Baek kay D.O yung cake, eh sakto namang dumating si Taeyeon kaya ayun.... Sapul!" mahabang salaysay ni Chen na may action action pa.

Para daw mas lalo siyang pumogi. Tsk!

"Okay ka lang?" tanong sakin ni Luhan.

Tinanguan ko siya at nagpaalam muna ako sa kanila dahil aakyat lang ako saglit para makapagpalit ng damit.

Nadumihan din kasi yung blouse ko ng icing.

~
Pagkatapos kong magbihis bumaba na ako at andoon na silang lahat sa sala naghihintay sakin.

"Alis na tayo." sabi ni Suho.

Lumabas na kami ng mansion nina Sehun at sumakay sa van nila.

Pinili kong umupo sa may gilid ng bintana, gusto ko lang talaga doon.

Katabi ko naman si Baekhyun na kanina pa ko kinukulit.

"Taeng, sorry na pleaseeee."

"Oo na nga. Kanina ka pa sorry ng sorry."

"Sorry na ngaaaa, Taeng." sabi niya at nagpout.

Syempre papatawarin ko to no! Gwapo kaya! Joke lang.

"Oo na, Baekhyun." sabi ko at nginitian siya.

Lumiwanag naman yumg mukha niya at nagsisigaw.

"Waaaah! Yey!" sigaw niya kaya biglang nabaling ang atensyon naming lahat sa kanya.

"Baek, can you just shut up?" bored na sabi ni Kris at ipinasak ulit yung earphones sa tenga niya.

"Eh, kasi namaaaan. Kinikilig ako." mahinang sabi niya pero sapat na para marinig naming lahat.

"Uyy, may lovelife na si Baekla!"-Chanyeol at Luhan

"Akalain mo yun! May pumatol sayo! Wahahaha!"- Chen

"Tss. Not interested." -Sehun

Kanya-kanya nilang reaksyon. Ngumiti nalang ako, wala rin naman akong masabi.

Pero bahagya akong natawa sa sinabi ni Chen.

"Sino na naman ba yung tangang pumatol sayo, Baekhyun? Baka isa yan sa mga girlfriends ko ah!" -Kai

"Sus! Eh kung isumbong kaya kita kay Yuri na may kadate kang iba kahapon?!" pang-aasar ni Baekhyun kay Kai.

"A-ano? Hehehe. Baka nanay ko yun Baek." pangungumbinsi ni Kai.

"Wow ha?! Naghahalikan pala kayo ng nanay mo?!" pagbubulgar ni Baekhyun.

"Yuck!"

"Ano ba naman yan Kai! Sarili mong nanay pinatulan mo?!"

"Grabe ka!"

"Kadiri!"

"Akala ko ba AquH lHang sZaphAt Nah?!"

Napatingin kaming lahat kay D.O at parang nasasaktan talaga siya.

O.O

---
A/n: Ang hirap magJeje! Tsk! Votes and comments po. Tenchuu :)

His Personal Maid [SeYeon ff]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon