Taeyeon's POV
Anyare ba dito kay Baba?!
Kanina pa siya hindi mapakali. Ni hindi nga nakakain ng lunch ng maayos eh.
"Hoy! Ano bang nangyayari sayo?!" tanong ko sa kanya.
Nandito kasi kami ngayon sa sala, tapos siya, mamaya tatayo at maglalakad ng back and forth, tapos uupo. At magbabasa ng magazone at titignan ang relo.
"Can you just shut up?!" sigaw niya na kinagulat ko naman.
'Okay. Sabi ko nga, shut up na ko." mahinang sabi ko zinipper ang bibig ko.
Pagkaraan ng ilang minuto bigla siyang tumayo.
"Magbihis ka. May pupuntahan tayo." utos niya sakin at umakyat na siya sa kwarto niya.
At ako naman, edi syempre pumunta na rin sa kwarto ko para maligo at magbihis.
Binilisan ko ang pag-ayos dahil alam kong magagalit na naman yung dragon.
Langya. Di uso sa kanya yung patience eh.
Paglabas ko sa kwarto ko, nandun na siya sa baba.
"San tayo pupunta?" tanong ko.
"Sa mall." tipid niyang sagot at lumabas na kami sa mansion. Naks naman! Mansion talaga eh no?!
---
Pagpasok namin sa mall syempre dahil makulit ako, nagtanong ulit ako sa kanya.
"Ano bang gagawin natin dito?" tanong ko ulit.
"Try mong sumayaw doon sa gitna para naman may pumansin sayo. Papansin ka eh! Ang kulit mo pa. Tsk!" pabalang na sagot niya.
"Sorry na. Ilang beses kasi akong inire ng nanay ko eh." sagot ko sa kanya.
"Tss."
Ayan na naman yang 'tss' na yan. Mapagkakamalan akong may kasamang ahas dahil sa kanya eh.
"There they are." rinig kong bulong niya habang nakatingin doon sa may restaurant na malapit lang sa kinatatayuan namin.
May pabulong-bulong pa tong nalalaman eh rinig ko naman.
Maya-maya ay bigla niya akong hinatak papunta doon sa restaurant. At nakita ko kung sino ang sinusundan niya.
Sina Yoona at Minho. Kyaaaaaah!
Sinasabi ko na nga ba, may crush to kay yoona eh. Langya talaga tp, may patanggi-tanggi pang nalalaman. Wushuu.
Masaya silang kumakain at nag-uusap. Ang kyot kyot nga nila eh. Hihihi.
Hinila na naman ako nitong si Baba papunta doon sa may pinakalikod na table.
May payuko-yuko effect pa kami niyan para di makita. Tsk tsk!
"Wag ka ngang yumuko." sita niya sakin.
"Bakit naman? Baka makita nila tayo no!" sagot ko. At tinodo ko pa ang pagyuko.
"Tch. Hindi ka naman nila makikita eh. Sa liit mong yan? Pfffft." at ngumiti siya ng mapang-asar.
Tungunu talagang lalaking to.
"Wow. Ang taas mo kasi eh, no?" sagot ko.
"Matangkad naman talaga ako, unlike sayo. Aiiiish. Manahimik ka na nga lang." naiinis niyang sabi.
Napansin naman namin na tumayo na sina Yoona at umalis, kaya tumayo na rin kami at sinundan sila.
Syempre nagtago kami sa may pader.
"Halika na." sabi ko sabay hinila siya at tumakbo kamibg dalawa. Nakakalayo na kasi sina Yoona eh.
"Ba't kailangan pa nating tumakbo?" iritang tanong niya at sumandal ulit sa may pader.
BINABASA MO ANG
His Personal Maid [SeYeon ff]
FanfictionWala ng description! Basahin niyo nalang para malaman niyo. Mwahahahaha!
![His Personal Maid [SeYeon ff]](https://img.wattpad.com/cover/39379041-64-k938322.jpg)