Chapter 10

34 2 0
                                        

Taeyeon's POV

Bigla nalang silang humagalpak sa tawa, pagkatapos nilang marinig ang sinabi ni D.O.

"Punyeta! Ang bakla! Hahahaha!" sigaw ni Xiumin.

"Oo nga! Jeje pa! Ano ba yan?! Hahaha!" pagsasang-ayon pa ni Tao.

"Joke ko lang yun! Ang oa niyo!" pagdedepensa ni D.O

Whoo! Akala ko pa naman bakla talaga sila. Sayang din yung kgwapuhan nila noh!

"Oy Baekhyun! Sino nga pala yung pumatol sayo?" pang-uusisa ni Xiumin na may hawak na namang siopao, wala bang kabusugan to?!

"Yieee. Secret!" kinikilig na sagot ni Baek.

Baek nalang ang itatawag ko sa kanya, ang haba kaya ng Baekhyun.

"Basta Baek, wag mo kong isusumbong kay Yuri ah?" paninigurado ni Kai.

"Ilibre mo muna ako!"

"Sige, anong gusto mo?"

"Eyeliner!!" nagningning ang mga mata ni Baek nang isigaw niya.

Ang hilig niya talaga sa eyeliner, eh hindi pa nga ako nun nakakagamit.

Feeling ko kasi, mabubulag ako.

"Sige na nga! Anong color?" napipilitang sagot ni Kai. Grabe sila kung mangblackmailm. Hahaha

"Basta hindi rainbow colors." sagot sa kanya ni Baek.

"Eh anong kulay nga?"

Inilagay ni Baek ang kanang kamay niya sa baba niya, na parang nag-iisip ng malalim.

"Ummm. Color red, orange, yellow tsaka... ummm... green tapos blue, then indigo.. And violet! Yehey! Thank you Kai!" masayang sabi ni Baek.

Hindi manlang niya naisip na lahat ng kulay na sinabi niya ay nasa rainbow?!

Muntanga rin pala to oh! Ahahaha

"Alam mo Baek, gwapo ka sana..." singit sa usapan ni Chen.

"Pero ang tanga mo naman! Iniwan mo ba ang utak mo sa bahay niyo?! Hahahahaha!" dugtong niya sabay humagalpak sa tawa.

Nakisabay na rin silang lahat. Well, except kay Sehun -_-

Nagpout naman si Baek. Ang kyoooot!

"Taeng oh! Inaaway nila ako." malungkot na sabi niya.

Nabigla naman ako nung bigla siyang sumandal sa balikat ko.

"Oyy! Si Baekhyun oh! Tyansing kay Taeyeon!" panunukso ni D.O

"Bagay sila! Ayieeee!" pagsasang-ayon ni Xiumin.

Hinayaan ko nalang sila, pero kinikilig kasi ako sa ginagawa ni Baek! Hihihi

~
"Hoooy! Xiumin naman! Andami mo na ngang siopao, pati yung akin kinain mo pa?! Yung totoo? Patay gutom ka o patay gutom?! Langya to!" pagrereklamo ni Chen.

Ako yung nahihiya sa pinaggagagawa nila eh! Kanina pa kasi kami pinagtitinginan ng mga tao dito sa Chowking.

Paano ba naman kasi....

Sina Baekhyun at Kai nag-aaway dahil nagbago na naman yung isip ni Kai at hindi niya nalang bibilhan si Baek ng eyeliner, kaya si Baek pinagsasaksak ng baon niyang eyeliner si Kai.

Sina D.O naman at Tao nag-aaway din. Si D.O kasi gusto muna niyang picturan yung pagkain nilang dalawa para daw ma-upload niya sa Instagram. Eh yung isa gutom na gutom na, kulang nalang iwushu si D.O

Sina Suho at Lay, nagseselfie sa may gilid. Nag-aagawan pa kung sinong hahawak ng phone. Tsk!

Si Sehun at Kris na kanina pa badtrip ay kulang nalang ipag-untog silang lahat para matauhan.

Sina Luhan na umaawat kina D.O at Tao. While si Chanyeol ay pinapakalma si Baek.

At ako?

Kumakain! Diba sabi ko hindi ako magpapagutom?

Bahala silang lahat diyan magpatayan basta ako, busog!

-----
A/N: Sorry sa late UD. :)))

His Personal Maid [SeYeon ff]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon