Taeyeon's POV
Aiish. Nakakainis!
Peste!
Diring-diri kong nilagay ang kamay ko sa basin. Kadiri diba?!
Wala na kong magagawa. Urrgh!
Pinilit kong abutin yung singsing na nandoon na sa may bandang loob ng basin pero dumudulas ito sa mga daliri ko! Lungya!
Nagtataka kayo kung bakit nandito ako ngayon sa harap ng basin at nagpapakatangang makuha yung singsing?
Ganito kasi yun..
Flashback
Nandito ako ngayon sa kusina, naghahanda ng hapunan ni Sehun. Ang arte kasi!
Dapat dito siya sa dining kakain eh! Tsk!
Habang nilalagay ko na yung pagkain niya sa tray bigla siyang nagsisigaw sa itaas. Tsk!
"Duwende!"
Alam ko naman na ako yung tinutukoy niya.
Eh kung pagbabatuhin ko kaya siya ng mga prutas na nakapatong dito sa dining table?! Peste eh!
Pero yung ibang maids halos di magkandamayaw na tumakbo papunta sa kwarto niya.
Pumunta na rin ako doon pero hanggang sa may pinakataas lang akong halintang ng hagdan.
Ayaw ko munang magpakita.
Kakatok na sana yung isa pero biglang bumukas yung kwarto niya.
"Naku sir! Saan po yung duwende?! Salamat naman po at maayos kayo!" sabi nung pinakamatandang maid.
Kumunot naman yung noo ni Sehun. Hahaha!
Akala kasi ng mga katulong may duwende sa kwarto niya.
"Saan si Taeyeon?!"
"Sa baba po sir, naghahanda ng hapunan niyo."
"Sabihin mo sa kanya bilisan niya. May iuutos ako sa kanya."
Pagkatapos niyang sabihin yun ay papasok na sana siya ng kwarto, pagbukas niya sa pintuan ay sumilip yung mga usiserang katulong.
"Ano pang ginagawa niyo dito?!" sigaw sa kanila ni Sehun.
Nagulat naman sila.
"S-sir yung ano po.. yung duwendeng sinasabi niyo nasaan na po?" nauutal na pag-uusisa nung isa.
"Tss." sabi ni Sehun at pumasok na sa kwarto niya.
Bumaba na ako at dumiretso sa kusina para kunin yung pagkain niya.
"Taeyeon, pinapatawag ka ni Sir." sabi nung isang maid.
Kabababa lang nila dahil mukhang nagtsismisan pa sila dun sa taas. Tsk!
"Opo." sabi ko at umakyat na.
Kumatok ako sa pinto ng kwarto niya.
"Pasok."
Pumasok na ako at nilagay yung pagkain niya sa side table niya.
"Bilisan mo! Nagugutom na ako at may ipagagawa pa ko sayo." naiinip na sabi niya.
"Oh, tapos na. Ano bang ipagagawa mo sakin?"
"Yung singsing ko, nahulog ko sa basin."
"Oh, tapos?"
"Kunin mo malamang!"
"Bakit? Ako ba yung nakahulog? Eh kasi kung hindi ka shushunga-shunga edi sana hindi nalaglag!" pabalang na sagot ko sa kanya.
"Tandaan mo na ako ang boss mo! So hurry up and get my ring!" maawtoridad na sabi niya.
Bleeeh. Hindi ako natatakot.
"Ano bang meron sa singsing na yun huh?! Engagement ring?!"
"Hindi! Symbol yun na member ako ng EXO! Bilis na nga!"
"Ano ba yang EXO EXO na yan ha?! Fraternity ba yan?! Hala ka! Isusumbong kita!"
"Can you just shut the fuck up?! Pumasok ka na nga sa banyo!" sigaw niya at pinagtulakan ako sa cr.
End of Flashback
So eto na nga ako, pilit na kinukuha yung singsing.
Putragis naman nakakadiri!
Haggard na haggard na yung maganda kong mukha pero yung walangya kong amo prenteng nakaupo sa kama niya habang kumakain at nanonood ng tv.
"Mabulunan ka sanang letche ka." bulong ko.
Hayyy. Hindi naman siya nabulunan. Badtrip!
Naramdaman ko na malapit ko ng makuha yung singsing..
"Whoo. Konting tumbling nalang Taeyeon, matatapos na yung pagsasamba mo dito sa basin nato." sabi ko at...
Voila! Nakuha ko rin.
"Yehey! Sehun! Nakuha ko na!" sigaw ko at sumilip sa labas ng cr.
Napalingon naman sakin si Sehun.
Bored siyang lumapit sakin.
"Nakuha ko na! Ye---
Napatigil ako sa pagsasaya nung napansin kong nakasuot siya ng singsing na hawig na hawig sa hawak ko.
"So? Ano naman kung nakuha mo yan?" sabi niya.
"Akala ko ba importante sayo to?!"
"Tss. May sinabi ba ako? Ang sabi ko lang naman, kunin mo."
"Eh anong gagawin ko dito?!"
Naiinis na talaga ako!
"Marami akong ganyan. Actually, lahat kami maraming ganyan." bored na sabi niya sabay talikod sakin at humiga na sa kama niya.
"Hoy Sehun! Alam mo bang antagal kong pinaghirapang makuha itong singsing mo?! Hala! Suotin mo to!" sigaw ko at lumapit sa kanya.
Inilahad ko ang palad ko kung saan nakapatong yung singsing niya.
Tiningnan niya muna ito bago tumingin sakin.
"As if naman na susuotin ko yan. Galing yan sa basin tapos ipasusuot mo sakin?! Yuck!" pag-iinarte niya.
"Ang arte mo! Bakla ka ba?"
"Ako?! Bakla?!"
"Ay hinde! Ako! Ako!" sabi ko sabay turo sa sarili ko.
Tanga rin netong isang to eh!
"Psh! Get out."
"Eh pano na to?!"
"Gamitin mo kung gusto mo." sabi niya at tinalikuran na naman ako.
Mahilig siyang magtalikod pagkinakausap. Nakakarinde na!
Inilagay ko nalang sa bulsa ko yung singsing.
Lalabas na sana ko ng magsalita siya...
"Wag mong kalimutan yung pinagkainan ko." mariing sabi niya na nakatalikod pa rin sakin.
Padabog kong kinuha yung tray kung saan nakalagay yung pinagkainan niya at lumabas na.
Nakakainis ka talaga Oh Sehun!
--
A/n: Sorry sa late UD. Mahaba na rin naman to diba? Pagtiyagaan niyo nalang.
Votes and Comments po. Tenchuu :**
BINABASA MO ANG
His Personal Maid [SeYeon ff]
FanfictionWala ng description! Basahin niyo nalang para malaman niyo. Mwahahahaha!
![His Personal Maid [SeYeon ff]](https://img.wattpad.com/cover/39379041-64-k938322.jpg)